Chapter 17: Winter Ball

1.2K 66 8
                                    

Chapter 17: Winter Ball

———////////———

"Sorry Freia, Lia. We have to go. Hinahanap na kami ni Ina." sabi ni Serene na nakadungaw sa bintana ng limousine nila.

"Ayos lang Serene. Paalis na rin naman kami ni Freia. Maghahanda na rin kami para sa ball mamaya." Sambit ni Lia.

"Ganun ba? Sige kita na lang tayo sa ball mamaya." nakangiti nyang sabi then dumungaw si Noreen sa bintana.

"See you later, Freia. Hintayin ko grand entrance mo. Hihi~" bahagya akong natawa sa sinabi ni Noreen. Gosh! Hindi parin talaga ako makapaniwala na ganito ang ugali n. babaeng to. Akala ko talaga nung una masungit at bully sya. Ssshhh lang kayo ah? Hehe.

"Bye girls." paalam nila samin.

"Bye din. Kitakits na lang." sabay naming sabi ni Lia then nakangiti silang tumango at umalis na sila.

Naramdaman ko na hinawakan ni Lia ang wrist ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Tara na. Kailangan na nating mag-ayos. It's already 3:16 pm." pagkasabi nya nun ay kinaladkad na nya ko. Grabe, di manlang ako pinagsalita. Aish.

Dire-diretso lang si Lia sa pagkaladkad sakin. Papasok na sana kami ng salon ng may maalala ako. Wala pa pala kong sapatos. Huminto ako kaya naman nagtatakang lumingon si Lia sakin.

"What's wrong Freia?" nag-aalangan akong ngumiti sa kanya.

"Ahhmm, Lia... umuna ka nang magpaayos. May bibilhin lang ako." biglang tumaas ung kaliwang kilay nya.

"Ano namang bibilhin mo? May pambili ka naman ba?" tanog nya.

"Basta. Oo may pambili ako. May nakuha akong bato nung class levelling natin nun." sagot ko then pinasadahan nya ko ng tingin.

"Fine. 1 hour. Be sure to comeback before your 1 hour ends. Susunduin tayo ni Manong George around 5 o'clock." turan nya

"Okay. Pero pag hindi ako nakabalik, umuna ka na. Susunod na lang ako." Tumango sya then nagpaalam na ko. Sya naman ay pumasok na sa loob ng salon.

Habang naglalakad ako papunta sa shoe shop, may natanaw akong kumpulan ng mga tao. Err. Ewan ko kung tao ba ang tawag sa kanila. Aish. Basta yun na yun. —,—

Nagtataka akong lumapit sa kumpulan. Dahil medyo curious ako sa nangyayari, nakipagsiksikan ako sa kumpulan. Siko dito. Siko doon. Tulak dito. Tulak doon. Hawi dito. Hawi doon. Haha.

Tumigil ako sa pakikipagsiksikan nung medyo tanaw ko na yung pinagkukumpulan nila. May nakita akong isang lalaki na naka-black and white stripe shirt at black pants. May scarf na nakapalibot sa leeg nya at naka-snapback cap ito. Kulay black yung buhok nya. Di ko makita yung mukha nya dahil nakatalikod sya samin. Kaharap nya ay isang malaking mama na may balbas-bigote na kapareha ng kulay ng kulay brown nyang buhok na medyo magulo. Di siguro nausuhan ng suklay. Naka-tunnel ang tenga nya at may hikaw rin sa ilong at sa gilid ng labi. Mukhang papatay yung mama dahil sa itsura nito ngayon. Para syang gothic na drug user. Hahaha. Dejoke lang.

"Ikaw! Ang lakas ng loob mong kalabanin ako. Sino ka ba sa akala mo? Isa ka lamang hamak na dayo!" galit na turan nung mama. Ano bang nangyayari dito?

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon