Chapter 16: Morelli Twins

1.6K 73 0
                                    

Chapter 16: Morelli Twins

———///////////———

*doorbell rings*

Nagising ako dahil sa narinig ko. Unang bumungad sakin yung galaxy na nasa malapad na screen. Bumangon ako at dumiretso na dun sa pintuan para buksan. Hindi na ko nag-abalang magsuklay. Humihikab kong binuksan ang pintuan pero wala akong nakita sa labas. Sumilip ako sa hallway pero walang katao-tao. Naramdaman kong may nasipa ako kaya naman binalingan ko yun at nakakita ako ng isang kahon.

"Sino namang nag-iwan nito dito sa labas?" Kahit naguguluhan ay kinuha ko ang kahon. Luminga linga ulit ako sa hallway pero wala talaga akong nakitang tao kaya naman ipinasok ko na ito sa loob then isinara ko na yung pinto. Inilapag ko ang kahon sa kama ko. Pinagmasdan kong maigi ang kahon at sinuri.

"Ano naman kayang laman nito?" Mahina kong tanong sa sarili. Dahil sa curiousity ko ay hindi na ko nagdalawang isip na buksan ito at ganun na lang ang pagkamangha at gulat ko sa nakita ko. Gosh! It's a freakin gown! A white woven satin dress with chapel train shinning rhinestone and exquisite strapless crisscross bodice features ruffle neckline. Simple yet elegant.

Dinampot ko ang gown at pinasadahan ng tingin habang nakangiti ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Dinampot ko ang gown at pinasadahan ng tingin habang nakangiti ako. Tumayo ako at tumapat sa human size mirror na nakadikit sa pintuan ng closet ko. Itinapat ko yung gown sa katawan ko. Gosh! Mukha akong royalty! Feeling ko nasa ako si Taylor Swift sa Love Story MV nya. 😍

Kinuha ko yung takip ng kahon para hanapin kung sino yung sender pero wala akong nakita. Sinuri ko yung loob ng kahon at may nakita akong note.

Wear this  for tonight's ball - xx

Tinignan ko yung likod ng note pero wala akong nakitang pangalan ng sender. Weird.

*doorbell rings*

Napalingon ako sa may pintuan. Ipinatong ko muna yung gown sa kama bago ako lumapit sa may pintuan at buksan ito. Bumungad sakin ang isang lalaki na nakasuot ng black suit na may puting longsleeves sa loob na tinernuhan ng pulang kurbata at black slocks. Kulay brown orange ang buhok nito at nakasuot ng salamin na may asul na frame at lens.

"Magandang umaga, Lady Freia." Nakangiti nyang bati sabay yumuko para magbigay galang. Napaangat ang kilay ko dahil sa ginawa nya. Sino ba to?

"Ako nga pala si Leo. Inutusan ako ni Mistress Lia para ika'y sunduin." dagdag nito. Bahagyang nanlaki ang mata ko.

"I-Ikaw yung familiar pet lion ni Lia?!" bulaslas ko habang nakaduro sa kanya at hindi makapaniwala. Ngumiti lang sya sakin bilang tugon.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon