Chapter 23: Will of Esh

1.2K 71 8
                                    

Chapter 23: Will of Esh

——////////////////——

Third Person PoV

Prenteng naglalakad ang nakapamulsang si Alistair palabas ng parteng kanluran ng town's square ng Fantopia kung saan naroroon ang Night Woods. Nais nyang magliwaliw kahit na hindi ito ang panahon para sa mga ganoong bagay.

Malapit na sya sa entrance ng Night Woods pero bahagya syang napatigil nang may makita syang taga-Grimoire Academy. Madali itong madetermina dahil sa suot nitong uniporme na para sa kalalakihan. Huminto sya at pinasadahan ng tingin ang lalaking nakita na may kausap na lalaking balot na balot ng itim na balabal ang mukha.

"Ano bang sasabihin mo? Dalian mo't baka may makakita pa satin." turan ng lalaking nakabalabal na itim na halata mong may kaunting takot sa boses.

"Nagtagumpay si Gregor sa ipinapagawa sa kanya at iparating mo rin daw na may grimoire ang kailangan nilang manmanan." saad ng lalaki

Tila naningkit ang mata ni Alistair at bahagyang tumalim. Hindi nito nagustuhan ang narinig at may pakiramdam sya sa kung sino ang tinutukoy ng lalaki. Napaligiran sya ng kulay pulang aura na agad naramdaman ng dalawang lalaki. Nginisian lamang ni Alistair ang dalawa at binalingan ang estudyanteng taga-G.A.

"Estudyante ka ng Grimoire Academy, hindi ba? Bakit nandirito ka pa? Past curfew ka na, hindi mo ba alam?" kitang kita ni Alistair ang pagkainis ng dalawang lalaki.

"Sino ka ba?! Pwede bang umalis ka na! Istorbo ka!" inis na turan ng estudyanteng lalaki. Hindi naglaho ang ngisi sa labi ni Alistair bagkus ay dumilim ang kanyang mukha na halatang hindi nagustuhan ang isinagot ng binata.

"Oo nga! Masyado kang epal! Umalis ka na lang!" segunda ng lalaking may makapal na balabal.

Pinakawalan ni Alistair ang kanyang pulang aura na syang bumalot sa buong Night Woods. Binalingan ni Alistair ang dalawa na may bakas ngayong ng takot sa mukha. Ngumiti ng malademonyo si Alistair sa dalawa.

"Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagsasalita nyo, mga ginoo." kumislap ang kulay pulang mata ni Alistair at pinaligiran naman sya ng itim na aura. Humaba rin ng bahagya ang itim nitong buhok. Tila naalarma ang dalawa at nataranta

"D-Demon?! Isa kang Demon!" bulaslas ng estudyanteng taga-G.A.

Lalong lumawak ang ngisi sa labi ni Alistair at tumalim lalo ang pagkakatingin nya sa estudyante na tila nagustuhan ang itinawag sa kanya. Demon. Oo, isa nga syang Demon. Hindi isang ordinaryong Demon kundi isa sa pinakamakapangyarihan at pinakakinakatakutang Demon sa Dleidranox.

"Ako? Demon? Nagkakamali ka yata, bata. Isa rin akong grimoire user gaya nyo at ipinapakita ko lang sa inyo ang grimoire ko." tugon nya sa binata pero mukhang hindi sya nito pinaniwalaan. Totoong isa ring grimoire user si Alistair dahil isa syang half-blood. Half Demon at half grimoire user. Dahil na rin ito sa kanyang mga magulang, sina Artemia at Zephyr.

"Sinungaling! Isa kang Demon!" sabat ng lalaking nakabalabal at pinatamaan sya nito ng kulay kahel na liwanag. Marahil iyon ang kanyang grimoire.

Hindi umilag si Alistair bagkus ay itinaas nito ang kanang kamay at sinalo ang kulay kahel na liwanag na ibinato sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mata ng dalawang binata dahil sa nakita.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon