Chapter 28: Off to Arkon Town

883 57 0
                                    

Chapter 28: Arkon Town

#Unedited

*~

Matapos akong ilibot ni Geoffrey sa buong Aerasia ay nagpagdesisyunan na naming bumalik sa kastilyo. Malayo pa kasi ang lalakbayin namin papuntang Arkon Town. I heard from Geoffrey a while ago na yun ang ang dulo ng Aerasia at malapit na sa boundary ng papunta sa portal patawid ng Dleidranox.

Pagkarating namin sa kastilyo ay dun na ko ibinaba ni Geoffrey sa may veranda ng kwartong pinagtulugan ko. Nagpaalam na sya sakin para mag-ayos ng dadalhin nya mamaya at ako naman ay pumasok na sa loob. Naabutan kong nakaupong umiiyak si Maru sa may kama ko katabi si Naru na nakahawak ang isang kamay sa ulo at pailing iling.

"Huhu! Mistress Freia, san ka ba kasi nagpunta? Waaah!" rinig kong sabi nya.

Bakas sa boses nya ang pamamalat. Kanina pa siguro sya umiiyak. Bumaling si Naru sa pwesto ko at binigyan lang ako ng walang emosyong tingin. Naramdaman siguro ang presensya ko. Nag aalangan ko syang nginitian pero inirapan nya lang ako at binalinganng tingin ang kakambal.

"Stop crying, Maru. She's already here." turan ni Naru sa kakambal.

Tumigil sa pag-iyak si Maru at bumaling sa pwesto ko then tumakbo papunta sakin at niyakap ng mahigpit.

"Mistress Freia!" tili niya.

Napailing na lang ako at hinagod ang buhok nya. Kumalas sya ng pagkakayakap sakin at hinarap ako. I noticed her eyes, namumula. Kanina pa siguro sya umiiyak.

"San ka po ba nagpunta? Ayos ka lang po ba? Akala ko kinuha ka na ng mga demon." saad nya.

"Ayos lang ako. Galing ako sa labas ng palasyo. Kasama ko si Geoffrey, iginala nya ko." ani ko

Bumuntong hininga naman si Maru samantalang si Naru ay nahagip ko ang pagseryoso ng mukha.

"You mean you're with that tengu prince?" tanong ni Naru na ikinakunot ng noo ko.

"Tengu? Ano yun?" nagtatakang tanong ko pabalik. Umiling lang sya

"Nevermind. Mag-ayos ka na Mistress Freia. Aalis na kayo maya maya." paalala ni Naru sakin.

Tumango lang ako. Nagkatinginan sila at tumango sa isa't isa na parang iisa ang nasa isip nila at sabay na humarap sakin.

"Babalik po muna kami sa chamber. Maiwan na po muna namin kayo. Tawagin nyo lang po kami kung may kailangan kayo. Ciao~" and they're gone.

I took a deep sigh first bago ako nagpatuloy sa mga dapat kong gawin. Nagpunta na ko sa banyo at naligo.

*~

I'm currently putting my longsleeve on when someone knocked on the door. Nagmadali ako sa pagsusuot ng damit at dali daling binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang nakangiting si Ingrid.

"Hi Freia. Goodmorning." bati niya sakin. I feel awkward. Hindi ako sanay na nakangiti ang tinaguriang Ice Princess sakin.

"G-Goodmorning din." bati ko.

"Are you done with your things? Hinihintay na nila tayo sa baba." saad nya

"Oo tapos na ko. Pababa na rin naman talaga ako." sabi ko then nag iwas ako ng tingin. Naaawkaward talaga ko kapag nakangiti sya.

"Oh? Ahh, tara na sa baba."

Napatingin ako sa kanya ng mapansin ang pagbabago ng tono ng boses nya. Yung tonong parang nadisappoint. I even saw her expression change. Naguilty tuloy ako bigla. Nauna na syang maglakad kaya sumunod na ko. Napabuntong hininga na lang ako.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon