Chapter 53: The Key Tattoo Mark

610 33 9
                                    

Chapter 53: The Key Tattoo Mark

#Unedited

Lia's PoV

It's been two days after that weird green smoke incident. Sinuspende rin ng headmaster ang dapat na gaganaping Grimoire Examination next week. Wala akong kaide-ideya sa nangyayari dito sa academy ngayon. Hindi ko nga akalain na matagal ng nawawala si Principal Isaac eh. And what's weird is, hawak rin nila ang keeper. Just what in Esh is happening right now?

Napaayos ako ng upo nang biglang bumukas ang pintuan ng classroom at pumasok si Ms. Cecile at Sir Hector. Napabaling ako sa may pintuan dahil nang huminto yung dalawa ay napatingin sila sa labas. Pumasok yung founder kasama si Headmaster Lucienne. Agad na tunahimik sa classroom dahil sa seryosong aura na bumabalot sa mga nasa harapan namin ngayon.

"Due to the recent incident happened here at the academy, Master Alistair decided to send you all for a mission." pambungad ni Headmaster Lucienne samin. Nanatiling tahimik ang buong klase at walang naglakas na loob na magsalita. Ang intense kaya ng atmosphere. Brr.

"I know some of you were very disappointed because the Grimoire examination was post poned but you have to understand that, not only the academy is at risk right now." ani Master Alistair. Bakas sa boses nya ang kaseryosohan at hindi mababakasan ng kahit na anong pagbibiro di tulad ng ginawa nya nung unang punta nya dito sa classroom namin.

"That green smoke we had witness 2 days ago is the infamous mark of the Triad." I gasped for some air when I heard him said that. Hindi lang ako ang napareact dahil halos buong klase ay nabahala sa narinig.

"Triad?! You're saying that those high ranked Demons abducted my dad?!" napatingin ang lahat kay Portia dahil sa biglaang pakikisali nito.

Well, naiintindihan ko sya. Hawak ng Triad ang tatay nya. Sinong anak naman ang hindi mangangamba sa kapakanan ng ama nila kung nasapanganib ang buhay niya. Manhid at walang puso lang ang hindi magrereact gaya ng pagrereact ni Portia ngayon. Portia may be an irritating bitch but still, she also have a feelings.

"Portia, calm down. Wag mo muna pairalin ang init ng ulo mo." pagpapakalma ni Ashia sa kanya.

Natahimik si Portia at parang maamong pusang nakinig kay Ashia. I saw Portia's expression when she looked down. Halatang nagpipigil ito at gustong magsalita pero hindi nya magawa. I switched my gaze to Ashia whose currently stroking Portia's back. Palihim akong napangisi. So Ashia can tame her, huh?

"To continue, I am here to give you a mission and this mission is not as easy as your previous mission for this might get your life at risk. Only those aren't afraid to risk their lives may participate this mission." malamig at seryosong saad ni Master Alistair. Nakaramdam naman ako ng kaba sa sinabi nya. Nagkaroon ng mahinang komosyon sa classroom. Puro bulungan sila.

"Master, ano po bang mission yun?" nanaig ang boses ni Zena na syang ikinatahimik ng buong klase. Nacurious ako sa mission na yun na tipong pati buhay namin ay maarining malagay sa alanganin. I am now all ears while waiting for Master Alistair's reply.

"You need to find Freia Lockhart and bring her back here in the academy." pahayahag nya. Napaigtig ang panga ko sa narinig ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ako sa misyon o maiinis. Bagkus nilang paalisin si Freia dito sa Fantasia tapos ngayon ibabalik nila? What a big joke!

"Why do we need to find and bring her back here?" Ingrid asked.

"Eh di ba pinaalis na sya dito sa Fantasia? Bakit ibabalik ulit? Ano to? Lokohan?" Zachary said.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon