Chapter 47: Th Mistress and the Familiar

811 43 13
                                    

#Unedited
#CliffhangerAhead
Chapter 47: The Mistress and the Familiar

cx~

Lia's PoV

"Huhuhu! Freiagirl! Bakit mo kami iniwan! Waaaaah!" sambit ni Zena while ugh... crying. Binatukan siya ni Carlyn.

"Ouchy ah! Why na naman ba?!" reklamo nya then Carlyn gave her an irritating stare.

"Kung makaiyak ka dyan parang patay na yung tao eh. Umayos ka Zena, baka ikaw ang mauna kay Freia." may halong pagbabanta sa iritadong boses ni Carlyn.

I heave a sigh at napatingin na lang sa kinakain ko. Nasa cafeteria kami ngayon. Wala na kaming klase dahil nga puro training na kami ngayon. Next month na kasi ang Grimoire Examination kaya paspasan sa training. Naalala ko bigla si Freia.

Kamusta na kaya sya? Ayos lang ba sya? Miss ko na sya....

The teachers already explained to us what happened. Nangyari yung kinakatakot ko. Nalaman ng Ministry of Grimoire ang tungkol kay Freia. They said that Headmaster Lucienne and Ms. Cecile tried to defend Freia pero masyadong malakas ang katwiran ng council at wala silang sapat na ebidensya para ipagtanggol si Freia.

Nung una hindi ko matanggap na hindi nila nagawang ipagtanggol si Freia. Naging sarado ang isip ko, pero narealize ko na wala silang kasalanan. Ginawa nila ang makakaya nila pero talo parin sila. On the second thought, ginawa lang rin pala ng council ang trabaho nila, sumusunod lang sila sa batas. But still, naiinis ako. Naiinis ako kay Freia at sa sarili ko. Kaya pala ganun na lang ang ikinikilos nya dahil yun na pala ang huling araw nya dito sa mundong to. Kung naiinis ako kay Freia, mas naiinis naman ako sa sarili ko. Ako na bestfriend nya, na napansin na may kakaiba sa kilos nya, hindi ko manlang naisip na ganun na pala ang mangyayari.

Nagitla ako nang may biglang mag humawak sa kamay ko. Hindi ko pala namalayan na naikuyom ko na ang kamao ko.

"Lia, stay calm. Tapos na eh. Nangyari na. Wala na tayong magagawa kundi ang tanggapin ang lahat." kalmadong sabi ni Carlyn sakin.

Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago marahang tumango. Binitawan na nya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanila at nginitian lang nila ako. I just flashed a weak smile at nagpatuloy na sa pagkain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang mapatigil ako dahil sa hindi kanais nais na tsismis na narinig ko.

"Hey girl! Didn't you heard the news? Someone in the Class-S got kicked out of the academy. Guess who?"

"Omo! Talaga? Sino? Sino? Wag ka ngang pasuspense dyan! Just tell it already na!"

"You know the girl na huling tinawag sa class levelling right? What's her name again.... Hmmm....Right! Yung Freia..."

"Ahh! I know her! The girl who summoned a twin familiar. So what's with her?"

"Duh?! She's the one I'm talking about! I heard she don't have any grimoire. What a deceiver."

"What?! Idol ko pa man din sya. She's a liar! "

"Grabe! Naloko nya ang mga estudyante dito. I hate her! Buti nga sa kanya't pinaalis na sya dito."

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon