Chapter 26: Heading to the Aerasia

1.1K 54 0
                                    

Chapter 26: Heading to the Aerasia

———//////////———

"Ssshhh! Wag nga kayong maingay dyan!"

"Akin na kasi yan! Ako naman nagdala nyan eh!"

"Shut up. Gutom ako. Wala akong pake kung ikaw nagdala nyan!"

"Hey! It's not for you, it's for Freia!"

"I don't care. Madami pa naman yan. Wag kang madamot, Zena. Hindi ikaw ang gumawa nyan."

"Both of you just shut your mouth up!"

Nagising ako dahil sa mga boses na narinig ko. Medyo nanlalabo pa ang paningin ko pero bumangon na rin ako.

"Oh my gosh! Gising na sya!" tili ni Zena. Sya kasi yung nakaharap sakin, nakatalikod yung apat. Bumaling naman agad sila sakin at dali daling pumalibot sa kama.

"Are you okay? May masakit ba sayo, Freia?" nag aalalang tanong ni Lia sakin. Napangiti na lang ako at umiling. Napansin kong parang nabunutan ng tinik ang mukha nya.

"Thank God you're okay! I thought I'm going to lose you." bakas sa boses nya ang takot.

"I agree with her. You were poisoned. Hindi madaling hanapan ng antidote ang lason sa katawan mo. Mabuti na lang at may stock ang mga healer dito." segunda ni Carlyn. Napatango na lang ako then may naalala ako.

"Paano ako napunta dito?"

"Sina Ingrid ang nagdala sayo dito. Sabi nila inatake daw kayo ng Demons sa Night Woods at natagpuan ka na lang daw nila na walang malay. Akala nga namin patay ka na dahil halos hindi ka na humihinga at gumagalaw." kwento ni Zena then nagflashback yung nangyari kagabi. Si Shirohara, si Yukine at yung babaeng nanggaya kay Fleur, si Arthea.

Maya maya pa ay may lumitaw na liwanag at inilabas sina Maru at Naru. Mangiyak ngiyak na si Maru nang lumapit sakin.

"Mistress Freia!" sigaw nya sabay talon sa kama at yakap sakin. Sinalo ko naman sya kahit na napadaing ako ng konti.

"Sorry po! Huhu. Hindi po namin magawang lumabas dahil may humaharang po samin. Sorry po talaga!" paliwanag nya. Napangiti na lang ako sa inasal nya. Pero ano yung sinasabi niyang may humaharang?

"Ay, shunga. Oo nga pala, hindi pwedeng tumawag ng familar pet kapag may task na ipinapagawa. How could we forget to mention it to you?" rinig kong sabi ni Carlyn. Nangunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin, Carlyn?"

"Remember the black ring given to us?" Tumango ako. How could I forget that if that ring helps me to identify the real Fleur?

"That ring negates us for calling our familiar pets from their chamber. Ang tawag sa ring na yun ay Ring of Spirit Chamber Negation." pagtutuloy nya. So that explains why they didn't come out. Kahit kasi hindi ko sila tawagin basta ba nasa panganib ako they automatically came out of their chamber.

Bumaling ako kay Maru na maluha luha parin. I patted her head. "No need to apologize, Maru. Wala kang kasalanan."

"Pero—" I cutted her.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon