Chapter 51: Who are you?

1K 46 32
                                    

Hiii! Pa-read naman ng bago kong fantasy story entitled Eucliwood Academy. Add nyo na rin sa reading list nyo. Yung lang. Hihi. 🙊

Chapter 51: Who are you?
#Unedited
*~

Narrator's PoV

"—and for our last guest, I am proud to welcome the last blackblood of Viemperius Clan, Lady Kiarisa Shinea Euxcianna Euclid von Viemperius."

Masigabong palakpakan ang bumalot sa loob ng bulwagan
ng Bloody Rose Hotel kung saan nagaganap ang party na inorganisa ng pamunuan ng Vampire High Council. Mula pa sa iba't ibang dimensyon ang mga panauhin dahil isa na rin itong paraan para patibayin ang pakikisama sa mga ito.

Mula sa isang sulok ng bulwagan, naroon ang mga Class S students at tahimik na nanonood at nakikipalakpak sa kaganapan. Tahimik lang na humigop ng wine si Ingrid habang pinagmamasdan ang batang babae na kakapasok lang sa bulwagan na may kasamang dalawa pang babae. Unti unting nawala ang malakas na palakpakan kanina na ngayo'y napalitan ng mahihinang bulungan.

Napaayos ng tayo si Ingrid at napatitig ang tingin sa isa sa babaeng kasama ni Kia. Ang babaeng nakasuot ng itim na damit. May suot itong maskarang kulay   silver na tumatakip sa mata hanggang ilong nito. Naningkit ang mata ni Ingrid habang pinapasadahang maigi ng tingin ang dalagang nakamaskara. Nagtataka sya dahil bukod tanging sya lamang ang nakasuot ng maskara. Hindi matukoy ni Ingrid ang aura at amoy ng babae dahil sa dami ng bisitang nasa loob ng bulwagan. Sinundan lang nya ng tingin ang babae hanggang sa maupo ito sa pinaka-gitnang table na para sa kasama nitong batang blackblood.

Napansin ni Keiran ang kakaibang kilos ni Ingrid kaya naman hinawakan nito ang laylayan ng suot nitong damit at marahang hinila hila ng dalawang beses. Agad na nakuha niya ang atensyon ni Ingrid at mababakas pa sa mukha niya na hindi nya inaasahan ang paghila ni Keiran sa damit nya.

"Is there a problem?" maang na tanong ni Keiran sa kanya. Agad namang ngumiti si Ingrid sa kanya para pagtakpan ang kanyang napansin. Umiling lang sya bilang sagot at muling ibinalik ang tingin sa misteryosang dalaga.

Sa kabilang dako, nanlalamig ang mga kamay ni Freia dala ng kaba. Ito ang unang beses na pumunta sya sa isang pagdiriwang na ni wala manlang kasamang kakilala. Well yeah, sabihin na nating kilala nya ang dalawang kasama nya pero sa pangalan lang, iba pa rin sa pakiramdam nya kapag matagal munang nakasama at kilala ang taong kasama. She keeps on doing inhale and exhale repeatedly to calm herself.

Bahagya syang napapitlag nang biglang may malamig na maliit na kamay ang humawak sa kanang kamay nya. Si Kia. Binalingan nya ito ng tingin at pasimpleng bumuga ng malalim ng malalim na paghinga.

"Freia-nee, are you hungry? Should I call someone now?" nakangiting tanong ni Kia kay Freia. Freia flashed an awkward smile sabay iling.

"Ahhh...N-No.. I'm not that hungry, really." naiilang na sagot ni Freia.

Napatango na lang si Kia at kinuha ang kupitang naglalaman ng pulang likido. Napasunod ang tingin ni Freia sa kupitang hawak ni Kia hanggang sa pag-inom nito mula sa hawak na baso. Napako ang tingin nya sa pulang likidong tumulo mula sa labi ni Kia pababa sa baba nito. May alam sya sa kung anong iniinom nito dahil tila sarap na sarap ang batang babaeng katabi nya. Blood. Nakagat ni Freia ang ibabang labi niya nang linisin ni Kia ang ibabang labi gamit kanyang dila. Naiiwas na lang ni Freia ang tingin at napalunok ng sunod sunod. Bigla syang naramdam ng pangingilabot. Pakiramdam nya ay may ilang pares ng mata ang nakatitig sa kanya. Ano pa bang aasahan nya eh kalahati ng bisita ay mga bampira.

Nag-uumpisa ng tumugtog ang orchestra nang makaramdam ng tawag ng kalikasan si Freia. Tumingin sya sa gawi ni Kia para sana magpasama pero wala na ito sa tabi niya, maging si Victoria ay wala na rin. Nanlulumong napatayo si Freia. She got no choice but to find the restroom by herself. Lumabas sya sa bulwagan at naglakad sa hallway. Madilim na at tanging bilang na lamp post lamang ang nagbibigay liwanag sa daraan nya.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon