Chapter 25: Demon Encouter

1.4K 77 5
                                    

Hiiii~ Haha. First time ko umabot ng 6k plus words so enjoy this chapter. Pigang piga ang utak at imaginations ko dyan. Uunahan ko na kayo, maraming wrong grammar dyan kasi di ko pa naeedit. Pagtyagaan nyo na lang muna. Ciao~


Chapter 25: Demon Encounter

——////////////////——

Nakaupo lang ako sa bench ng isang mini park dito sa town's square while waiting for them. Masyado ata akong napaaga ng punta. Nakapangalumbaba lang ako when something came up into my mind—yung picture ni Keiran. Kinuha ko yung picture sa bulsa ko at pinagmasdan ko na naman. Ewan ko ba pero everytime na tinitignan ko yung mata nya nakikita ko yung kalungkutan at ang nakaraan. Napailing ako at bahagyang ngumiti.

"Wag mo kong pahirapang hanapin ka bukas ah?" bulong ko.

"Eh~ Ikaw pala ang nakaassign na humanap sa kanya ah?" napapitlag ako at binalingan ang pinanggalingan ng boses. Bumungad sakin ang nakangising labi ng isa sa Osborne twins—si Geoffrey.

"I-Ikaw pala, Geoffrey." sambit ko. Nakita ko naman na parang natigilan sya pero agad rin namang nakabawi.

"Eh~ Nice. How did you know that I'm Geoffrey, Ms. Freia?" nakangisi nyang tanong sakin pagkaupo nya sa tabi ko. Nangunot ang noo ko.

"Because of your hair? And please, don't be too formal, just call me by my name." lalong lumawak ang ngisi nya sa labi at bahagyang tumawa. Okay? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"You're good, Freia. And I like it." napalunok naman ako at umiwas ng tingin sa kanya.

"So, ikaw pala ang napiling humanap sa kutong-lupang yun?" bumaling ako sa kanya at nangunot ang noo ko sa tanong nya. Kutong lupa? Sinong kutong lupa?

Napansin naman ata nya na hindi ko nagets ang sinabi nya. "I'm referring to the child on the picture you're holding right now."

Napatingin naman agad ako sa kamay ko and saw Keiran's photo. "A-Ahh! Oo. Kaklase pala natin sya?" he just smirked at me.

"You're such a meanie, bro. To left me just like that with those bitches, really?" napatingin ako—kami sa nasa harapan namin ngayon. Si Liam, and he's... I think he's irritated right now. I wonder why.

"Oh? Buti naman nandyan ka na. Tagal mo ah?" nakangising sabi ni Geoffrey sa kakambal.

"Yeah. And mind to tell you, it's not
fucking funny." seryosong turan ni Liam. Geoffrey just laughed at him.

Napailing na lang si Liam at naupo sa kabilang vacant seat sa gilid ko. Nakita ko kung pano nya hinilot ang sintido nya. Ano bang ginawa ni Geoffrey sa kanya?

Napansin nya atang may nakatingin sa kanya kaya naman bumaling sya sakin and I saw how his eyes widened. Nangunot na naman ang noo ko. Narinig ko na namang tumawa si Geoffrey.

"Mi-Miss Freia!?" di makapaniwala nyang sigaw. I even saw his ear turns red. Ano ba talagang meron?

"Hahahaha. Damn, bro. Your face is fucking priceless!" tatawa tawang sabi ni Geoffrey sa kakambal.

"Y-You! Why didn't you tell me you're with Mi-Miss Freia!?" iritadong nauutal na tanong nya sa kakambal. Wait, is he blushing?

"You didn't bother to asked, bro. Tsaka kanina pa sya nandito simula nung dumating ka, sadyang beastmode ka kaya di mo napansin." paliwanag ni Geoffrey sa kakambal na halatang nagpipigil ng tawa. Kahit naguguluhan ako ay nagsalita na ko.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon