Chapter 46: The Riddle

827 47 27
                                    


WARNING: CLIFFHANGER AHEAD

#UNEDITED

Chapter 46: The Riddle
-xx

Freia's PoV

"Freia...."

Napamulat ako nang marinig ko ang boses ng isang babae. Tinatawag nya ko. Iginala ko ang tingin ko at napansin ko agad ang bilog na pulang buwan. Nasa isang templo ako na halos sira at tumba na ang mga poste. I took a step pero agad rin akong napatigil dahil sa suot ko. Why am I wearing a white gown?

"Freia..."

Napalingon ako sa likod ko nang may maramdaman akong may mabilis na hanging dumaan mula roon na naging dahilan para magtaasan ang balahibo ko sa batok. Nakaramdam ako ng kaba at napalunok ng wala sa oras.

"S-Sino yan?! Magpakita ka!" lakas loob kong sigaw.

Nakarinig ako ng mahinang bungisngis sa may likuran ko. My eyes widened and my heart beat suddenly speed up. Ramdam ko ang mahinang paghinga nya sa may batok ko.

"I miss you, Freia..."

Her creepy cold voice made my body shivers. Nabato ako sa kinatatayuan ko nang bigla nya akong yakapin sa leeg ko.. Hindi ako makagalaw.

"I miss to visit you..." dagdag nung babaeng nakayakap parin sa leeg ko.

Hindi mo magawang magsalita kahit na gustuhin ko man. Parang may pumipigil sa paggalaw ko. Naramdaman ko na mas lalo nyang idinikit ang ulo nya sa may bandang tenga ko.

"Don't worry, my dear Freia. I'm not here to kill you, yet... I'm here to tell you a riddle..."

Nakaramdam ako ng takot at mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba. Ayokong marinig ang sasabihin nung babae!

"...I am you, you are me. I am her, she is me. One become two, two become one. Combine us together, and they are done!"

Bumalot ang nakakahindik balahibong tawa nya sa lugar na kinaroroonan namin. Nagawa ko nang maigalaw ang katawan ko kaya naitakip ko ang mga kamay ko sa tenga ko at napaupo sa lupa. Masakit. Nakakatakot.

"Hahahaha! The prophesy already started...and soon to end, so is your death!"

Napasinghap ako sa takot. My tears started to roll down to my face. Pakiramdam ko ay parang huminto ang oras ko, maging ang pagpintig ng puso ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang babaeng may mahabang puting buhok sa harapan ko. Her deep blue dark eyes and her creepy grin welcomed me. I'm scared...

Hinawakan nya ang pisngi ko at marahang pinunasan ang luha sa may pisngi ko. Hindi ko magawan magreact.

"Tears... I'm still wondering why is it colorless...."

Biglang dumilim ang mukha nya at tanging malawak na ngisi na lang ang nakikita ko. Para akong may kaharap na demonyo.

"... it shoud be red. Tears are beautiful when they're red...." aniya. Naihilig ko na lang ang ulo ko pero agad nyang nahawakan ang magkabilang pisngi ko at iniharap sa mukha nya. I met her icy, deadly stare.

"Lemme turn yours to one...." malamig na sabi niya.

Hindi ko na nagawang magreact dahil sa sobrang gulat and the next thing I knew, she put a small cut on both of my eyelids.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon