Chapter 14: Invitation

1.2K 72 0
                                    

Chapter 14: Invitation

————//////////////————

"Freia."

Iminulat ko ang mata ko at bumungad sakin ang kulay apoy na buwan. Tumayo ako at sinuri ang paligid. Halos mga patay na puno na kulay itim at walang dahon ang nakita ko. Nasan ba ko?

*twig breaks*

Napalingon ako sa may bandang likuran ko ng marinig ko yun. Nakarinig din ako ng yapak mula sa madilim na parte ng kakahuyang kinaroroonan ko. Di ko maigalaw ang mga paa ko. Para bang may pumipigil sakin.

Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko kung ano ang lumabas mula sa madilim na parteng iyon. Isang lalaki at isang puting lobo. Nakajapanese style yukata sya na kulay puti at may pulang panloob at kulay itim ang pangbaba nito. May hawak syang katana sa kanang kamay nito. Mahaba ang kulay silver nyang buhok na sa tingin ko ay abot hanggang bewang. May tenga ito na parang sa pusa at may mga buntot na tingin ko ay nasa walo hanggang sampu. Seriously? What is he?

*rraaawr!*

Napansin kong natigil sa paglalakad ang lalaki. Mukhang nakaramdam naman ng panganib ang kasama nitong lobo kaya naman naging alerto ito.

*grrrr*

Naglabasan ang mga creatures na may madidilim na aura at naglalaway. Ang iba ay may hawak na karet, palakol, club at espada. Nakasuot din sila ng armor at halos mga pula at dilaw ang mata nila. Napadako ako ng tingin sa lalaki na pinalilibutan ngayon ng mga halimaw. Kitang kita ko ang pagdilim ng mukha nito at ang nakakakilabot na pagngisi nito. Sheez, bat pati ako ata parang kinilabutan?

*shiiiing!*

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa bilis ng pangyayari. Naramdaman ko ang dugong tumalsik sa mukha ko buhat sa pag-atake nya sa mga halimaw na may madilim na aura. Hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa aking nakikita ngayon. Ang bilis at ang lakas nya.

Tumigil sya sa pag-atake. Nakakita ng pagkakataon ang mga halimaw para sugurin sya kaya naman sabay sabay nila itong sinugod. Nakatungo lang ang lalaki.

*rraaaaaaaaawwwr!*

Konti na lang ang agwat ng mga halimaw sa kanya nang may asul na apoy na pumrotekta sa kanya at di naglaon ay kumalat papunta sa mga halimaw. Kitang kita ko ang paghihinagpis ng mga halimaw habang nilalamon ng asul na apoy na yun.

*tug dug*

Nakaramdam ako ng pananakit ng dibdib. Mainit. Masakit. Mahapdi. Feeling ko may sinusunog na kung ano sa loob ng dibdib ko. Napayukod ako sa sakit. Shit! Ano bang nangyayari?

*tug dug*

Mas lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ko. Pinilit kong tingnan yung lalaki. Nakatalikod ito at halos maligo na rin sya sa dugo ng mga pinaslang nyang halimaw. Gumalaw ang ulo nito at iginaya pakaliwa, sapat na para makita ko ang kaliwang pisngi nito na may tilamsik ng dugo at ang ngisi nito. Nakakatakot.

*tug dug*

Bahagyang nanlaki ang mata ko. Ang sakit! Feeling ko dumoble ang sakit na nararamdaman ko. Nagpagulong gulong ako sa sakit. Ano bang nangyayari?

*something cracks*

Napatigil ako sa paggulong at di ko na napigilan ang sarili ko na huwag intadihin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon