Chapter 19: Class S

1.2K 64 3
                                    

Chapter 19: Class S
———////////////———

Monday. Back to school na ulit kami. Nandito kami ngayon sa gymnasium. Ngayon kasi iaannounce yung resulta ng Class Levelling last time. I wonder kung makakapasa ako sa Class S, bigla kasi akong nagteleport palabas ng Mystique Forest without knowing kung pumasa ba ko or not.

"And for the Class S, only 7 students passed. Come up here on stage once I call your name." biglang tumahimik. Nag-aabang ng sasabihin ni Ms. Susanne. Narinig ko pang bumulong yung nasa magkabilang tabi ko.

"Gosh! Sino kaya yung pitong yun? Ang swerte nila."

"Omg! I'm so inggit! Makakasama nila ang Black Order."

"Congratulations to you, Ms. Lia Denholm." Napangiti ako ng marinig ko ang pangalan ni Lia. Nakita ko syang tumayo at umakyat sa stage. Ms. Susanne congratulated her.

"Next to Ms. Denholm, Ms. Carlyn Geulimja." Tumayo mula sa crowd si Carlyn at umakyat na rin sa stage.

"Congratulations to you, Ms. Zena La Croix." then I saw a girl stand in the crowd.

"Oh my gosh! I can't believe this!" natawa ang ilang students dahil sa naging reaction ni Zena. Kahit kelan talaga, ang paranoid neto. Umakyat na rin sya sa stage. Napangiti na lang ako at napaisip. Lahat sila nasa Class S na, ako kaya?

"Next to Ms. La Croix, Mr. Rue Vigil." biglang umingay ang crowd nang tumayo ang isang lalaki na nasa kabilang side namin. Di ko maaninag yung mukha nya so di ko maidescribe pero kulay dirty blonde yung buhok nya.

"Next is, Mr. Ravyn Hook." tumayo si Ravyn na nasa harap ko.

"Congrats." bati ko sa kanya, lumingon naman sya sakin at nginitian ako. Ang gwapo kaso bawal kay Daniella to. Haha.

"Thankyou." then pumunta na sya sa stage.

"Second to the last, Ms. Daniella Larson." Tumayo na si Daniella na nasa third row. Nasa fifth row kasi ako.

"And to complete the 7 students who passed in the Class S, may I call on....." napagdalop-palad ako whisperring "Sana ako."

"Ms. Freia Lockhart." tila di maprocess ng utak ko yung narinig ko. Did I just heard my name being called?

"Ms. Lockhart? Freia Lockhart? Are you here?" tawag ulit ni Ms. Susanne sa pangalan ko. May kumulbit sakin saying "Huy! tawag ka sa stage." kaya natauhan ako.

Napatayo ako kaya naman center of attraction ang peg ko ngayon.

"Oh, there you are Ms. Lockhart. Come up here on stage." nakangiting sabi ni Ms. Susanne.

Napalunok ako ng laway bago tuluyang pumunta sa stage. As I walk towards the stage, I heard murmurings.

"Seriously? Sya?"

"Idol ko na talaga sya!"

"Why a weakling like her? She doesn't even fit to be part of that class. She should be in Class E or D."

"Oh my! Why a transferee?! I'm almost 4 years here but I've never been put in that class but her? Damn! Unfair!"

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon