Chapter 50: Little Girl Is A Nightwalker

834 38 17
                                    

Hi! Sorry ngayon lang ulit nakapag-update. Anyway, as always, CLIFFHANGER AHEAD.

#UNEDITED

Chapter 50: Little Girl Is A Nightwalker
-xx

Lia's PoV

"Hey! That dress suits you, Carlyn! The blue one! Sukat mo dali!" Zena screamed out of excitement.

"Calm your ass down, Zena. Wala sa malayo ang kausap mo." puna ni Carlyn na kasalukuyang nakaupo habang nakakrus ang mga braso na nakapatong sa kanyan dibdib.

She stood up and go near Zena's spot whose currently looking for a dress to wear. Nasa isa kaming boutique ngayon para maghanap ng dress na isusuot for the ball na gaganapin sa Srehariz mamaya. I already have my chosen dress with me kaya nakaupo lang ako habang pinapanood silang magtalo sa damit.

"I don't want to wear that dress, Zena! It's too revealing!" reklamo ni Carlyn kay Zena na hawak hawak yung isang kulay pulang tube dress na may see through part sa magkabilang gilid ng bust pababa sa waistline.

"What? You're so choosy talaga! It looks so sexy kaya sayo! I want you to wear this!" pagpupumilit ni Zena

Napairap na lang si Carlyn sa kanya at kinuha yung kulay pink dress sabay dumiretso na sa fitting room. I can't help but to smile. Ang cute talaga nila mag-away. Nawala ang mga ngiti ko nang biglang sumagi sa thoughts ko si Freia. I miss her. It's already almost a month when she left this world. Kamusta na kaya sya? I hope she's fine.

"Hey, are you okay?" I heard someone asked.

Napabalik ako sa wisyo ko when I saw Zena waving her hands in front of my face. Napatigin ako sa mukha nila. The both of them look so worried. Ngumiti ako just to let them know I'm fine.

"Ayos lang ako. Naalala ko lang si Freia." Medyo nagulat sila sa sinabi ko then Zena's face saddened.

"Freiagirl... I miss her too..." she blurted out na parang naiiyak.

"Don't dare to messed up here, Zena. I'm telling you, you won't dare." pagbabanta ni Carlyn sa teary eyed na si Zena.

Paiyak na kasi sya and you know naman na kapag umiyak yan e nakakairita. Napasimangot na lang si Zena dahil sa sinabi ni Carlyn at mukhang umurong na rin ang luhang nagbabadya sa mga mata nya kanina. Bumaling naman sakin si Carlyn with her serious face on.

"I'm sure Freia's okay, Lia. She's safe in Earth. No one's gonna hurt her there so just please stop thinking negative thoughts and smile now." aniya at gumuhit ang ngiti sa labi sya. Napangiti na rin ako. She's right. Mas ligtas si Freia sa Earth.

"Right." nasabi ko na lang.

"Anyway, enough with the chitchat. Let's go na! Baka ma-late pa tayo eh. Come on girls! Hurry!"

Nagkatinginan na lang kami ni Carlyn at natawa dahil sa sinabi ni Zena. Sumunod na rin kami sa kanya palabas. Well, she's right after all. It's almost time for us to get ready.

*~

Freia's PoV

I woke up on my bed which I find weird. Wala akong natatandaan na pumasok ako sa kwarto ko unless may nagpasok sakin dito.

"Ah!" daing ko ng makaramdam ako ng pagkirot sa may bandang dibdib ko then biglang nagbalik sa ala ala ko ang nangyari kahapon. Dad!

Napabangon ako at dali daling lumabas ng kwarto ko. Pagkalabas ko, nagulat ako ng makitang hindi na magulo ang living room, na parang walang nangyari. I suddenly sniffed onto the air when I smell something coming from the dining area. Dinala ako ng mga paa ko papunta dun at nakita ko na may nakahain ng pagkain sa table. Nakakunot noo akong lumapit dun. May rice, bacon, egg, at longganisa. May gatas rin.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon