Chapter 24: Her Mission

1K 53 0
                                    

Chapter 24: Her Mission

——////////////////——

Kaka-dismiss lang samin ni Sir Hector. Nakaupo lang ako sa upuan ko habang pinanonood ang mga kaklase ko na maglabasan. Nahagip ng paningin ko si Lia kasama si Zena na papalapit dito.

"Freia, are you okay?" yan agad ang tanong sakin ni Lia pagkalapit nya sa pwesto ko. She's frowning.

"Ayos lang naman. Bakit mo natanong?" nasabi ko na lang. Tinitigan nya lang ako at nakangiting umiling.

"Nothing. Anyway, diretso ka na ba sa Headmaster's Office or sasabay ka samin maglunch?" tanong nya

"Diretso na ko sa Headmaster's Office. Baka kasi importante yung sasabihin sakin nung headmaster..." tugon ko then may bigla akong naalala. "—wait, sino ba yung headmaster dito?"

"Wha—What?! Di mo kilala yung headmaster dito? Seryoso!?" nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Zena. Yung boses nya talaga, nakakaiyak kapag narinig mong sumigaw sya. My precious ears! T_T

"Zena, don't shout! Malapit lang yung kausap mo. Ghad! Feeling ko nabasag eardrum ko. Ugh!" angal ni Lia then Zena pout.

"Sorry~" paghingi nya ng paumanhin.

"Anyway, si Headmaster Lucienne yung headmaster dito. Seryoso kang di mo kilala?" di makapaniwalang tanong ni Zena. Umiling ako.

"Di eh. Tsaka alam mo naman na—you know, di ako taga dito." sagot ko sa kanya and I saw how she scratch her head with matching nag-aalangang ngiti like saying 'sorry-I-forgot'

"Oo nga pala, Hehe. Sorry, I forgot." napailing na lang ako. Bumaling ako kay Lia nung magsalita sya.

"Zena will always be Zena, makakalimutin. Anyway, tara na. I'll teleport you to Headmaster's Office." tumango ako at lumapit sa kanya then in just a snap, nasa harap na ko ng Headmaster's Office.

"So, later then?" nginitian ko si Lia, di na ata nagbalak sumunod si Zena.

"Sige."

"Just send me your familiar pet if you're done and if you need something, okay?" I nodded at her as a response then she bid goodbye.

I took a deep sigh before I face the door. Kumatok ako ng tatlong beses hanggang sa may marinig akong malalim na boses mula sa loob.

"Come in."

Binuksan ko ang pintuan at agad na bumungad sakin ang isang lalaki na may katandaan na. Palagay ko ay nasa 50's na ang edad. Nakasuot sya ng americana at kurbata. Sya na siguro si Headmaster Lucienne. Lumapit ako sa table nya at hinintay na magsalita sya.

"Have a seat, Ms. Lockhart." aniya at naupo naman ako. Nakatitig sya sakin na para bang pinag-aaralan ako. Nakaramdam naman ako ng pagkailang kaya naman sinubukan kong magsalita.

"I-- Ahmm... B-Bakit nyo po ako pinatawag?" nag-aalangang tanong ko ngunit tanging blankong expression ang isinagot nito sakin kaya mas lalo akong nailang.

Sinubukan kong tignan sya mata sa mata pero geez, mas lalo akong nailang! Nakakaintimidate ang tingin nya. Tumungo na lang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. I heard him clear his throat kaya tumigil ako sa ginagawa ko at nag-angat ng tingin.

"Ms. Lockhart, how's your stay here?" tanong nito. Umayos ako ng upo bago sumagot.

"Ayos lang naman po. Medyo nag-aadjust lang po ng konti kasi di ako masyadong sanay pero kaya ko naman po sigurong sabayan." tugon ko.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon