Chapter 52: Mark of Death

881 47 22
                                    

Chapter 52: Mark of Death
#Unedited

*~*

Narrator's PoV

Location: Abyss

"Ahhh, ang boring~" pakantang bulong ni Deliorah habang nakaupong pinaglalaruan ang upuang gamit nya.
Tulak-hila ang ginagawa nya na para bang nakaupo lang sa racking chair. Maya maya pa ay tumigil ito at inihampas ang dalawang kamay sa mesa pagkatayo niya.

"That's it! Naiinip na ko." bulaslas nya.

Padabog nyang kinuha ang Book of Augury na nakapatong sa mesa at tinahak ang daan palabas ng kwarto. Naglakad sya sa isang diretso ngunit madilim na pasilyo ng mansion na kinaroroonan nya hanggang sa marating nya ang dulo. Itinapat nya ang kamay sa pader at lumabas ang kulay lilang liwanag. Binuksan nya ang portal papuntang dulong timog ng Dleidranox. Isinuot nya ang pulang kapa nya at syang prenteng naglakad papasok sa loob ng gubat. She was humming a tune as she walks by in a dark, creepy road. Ramdam nya ang pagtigil at pagtitig sa kanya ng mga eriom at demon na naroroon pero di nya pinansin iyon.

Nang makalabas sya ng gubat ay agad nyang binuksan ang portal papuntang Gyeumyx, sa Night Woods. Walang kahirap-hirap nyang binuksan iyon at isinara na parang hindi manlang sya gumamit ng malaking enerhiya. Lumabas sya sa Night Woods dahil wala naman doon ang pakay nya. Pasimpleng nakangisi habang naglalakad sa market alley si Deliorah nang matanaw nya ang kanyang mga pakay. Ang Triad. Makakasalubong nya ito kaya naman itinago nya ang presensya nya at syang sinadyang bungguin ang isa sa kanila. Binuksan ni Deliorah ang libro bago tuluyang bumagsak sa lupa.

"Fuck it! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" singhal ni Mezura sa kanya. Nakatungo lang si Deliorah at palihim na nakangisi. Inaasahan na nya ang gagawin ng babaeng demonyo.

"Mezu chill! Kasalanan mo rin kaya. Di ka rin tumitingin sa daan no." katwiran ni Calix habang nakapatong ang magkabilang kamay sa may likod ng ulo nito. Tinitigan sya ng masaya ni Mezu.

"Shut up! Huwag kang umepal Calix." may halong pagbabanta nyang sabi.

Nginisian na lang sya nito saka nagkibit-balikat. Nalingat ng tingin si Voltaire kay Deliorah at nakita nito ang pahina ng libro na nakapagpalaki ng mata nya. Agad nyang hinablot ang libro at bahagyang napadiin ang pagkakahawak nya sa magkabilang gilid nito. Hindi sya makapaniwala sa nakita at nabasa nya.

"Susi?" bulaslas nya. Napatingin ang dalawa nyang kasama sa kanya at may bakas ng pagtataka sa mga expression nila sa mukha.

"May sinasabi ka V?" tanong ni Calix pero nanatiling nakatingin si Voltaire sa aklat.

Lumawak naman ang ngisi ni Deliorah at pagkaraa'y dahan dahang tumayo at pinagpagan ang kapa nyang suot. Seryosong binalingan ni Voltaire ng tingin si Deliorah at isinarang bigla ang libro para makita ang pamagat. Napatiim bagang sya ng makumpirma na ang libro nga ay ang Book of Augury. Ibinalik nyang muli ang tingin sa misteryosang babae at hinawakan ang parte ng kapa na nasa may dibdib nito at hinapit palapit sa kanya.

"Sino ka? Saan mo nakuha ang librong ito?" malamig na tanong nya. Nanatiling tahimik si Deliorah at walang kibo.

"V? Anong meron sa libro?" ani Calix na nasa gilid lang nya.

Ibinigay nya kay Calix ang libro. Takang kinuha naman iyon ni Calix. Lumapit si Mezura sa tabi ni Calix at syang hinablot ang libro. Pagkabukas nya ay agad bumungad sa kanila ni Calix ang isang susi. Napakunot ang noo ni Mezura kaya binasa nya ang ilang sentences sa baba ng susi. Mark of Death. Sumeryoso ang aura nya at napalingon ng bahagya kay Calix na seryoso ring napatingin sa kanya. Ibinalik nya ang tingin sa libro at binasa ang iba pang nakasulat.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon