Chapter 30: Shiro and Ori

941 62 1
                                    

A/N: Mahilig akong mambitin so baka umabot to ng more than 60 chapters. Anyway, enjoy. ~

Chapter 30: Shiro and Ori

*~

"S-Shiro... hara?" nag aalangang sambit ko sa isang lalaking kaharap ko ngayon.

Hindi ako nagkakamali. Sya nga yun. Siya yung nagligtas sakin. Nakatitig siya sakin at walang imik lang. Ako na ang unang umiwas at tumayo para harapin ulit siya. I can't help but to be amazed. Sa anime lang ako nakakakita ng tulad nya. Para syang si Tomoe sa Kamisama Kiss. Napadako ang tingin ko sa tenga nya. I gulped. I want to touch his ears.

Nakita ko kung pano tumalim ang tingin nya sakin kaya naman napaatras ako ng konti. Lumapit sya sakin kaya napaatras ako sa at napasandal sa puno. Napalingon ako saglit at pagharap ko, nasa harapan ko na sya. I bit my lower lip at naiilang na tumingin sa lupa. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang hawakan nya ang katana nya sa bewang nya. Binalot ako ng kaba at takot at marahas na napatingin sa lalaking nasa harap ko. Nakangisi sya sakin ng tingnan ko sya. Is he going to kill me?!

Nagulantang ako nang may bunitin sya sa suot nyang yukata kaya naman napapikit ako ng mariin at hinihintay ang susunod na mangyayari. Natigilan ako nang maramdaman kong kinuha nya ang kamay ko kaya napamulat ako and the next thing I know, he kissed the back of my palm. My eyes got widened and my cheeks turned red. Hinila ko pabalik ang kamay ko sa kanya at sya naman ay tumayo at yumukod. Sa sobrang pagtataka ko at di ko napigilang di magtanong.

"Anong ginagawa mo?"

"I'm just giving a respect to my mistress." napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"'Mistress? Wait, pet familiar din ba kita?" naguguluhang tanong ko. Umayos sya ng pagkakatayo at hinarap ako.

"Nope. I'm your familiar, your moire." tuluyang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Moire? Ano naman yun? Niloloko lang ata ako neto e.

"I'm not fooling around with you, Mistress Freia. I am really your moire." seryosong saad nya. Bahagya naman akong nagulat sa narinig ko.

"Wait, pano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Sinusubaybayan na kita simula nung nasa Earth ka palang dahil sa Tempo-Grim ka kaya malamang alam ko pangalan mo." sarkastikong sago nya. Napabusangot ang mukha ko dahil sa sinabi nya. Pwede namang sabihin ng mahinahon eh. Tss.

Natigilan ako ng may maalala ako. Sabi niya moire ko daw sya. Bahagyang nanlaki ang mata ko at wala sa sariling naiduro ko sya.

"Ikaw?! Moire kita? As in yung contracted familiar?!" I asked in disbelief. Napangiwi naman sya.

"Lower down your voice, mistress. Masakit sa tenga." walang kagatol gatol na sabi nya pero di ko sya pinansin.

"Don't call me mistress. Tama na yung dalawa kong pet familiar na lang ang tumawag sakin nun. Call me, Freia." saad ko.

Pinasadahan nya ko ng mapanuring tingin. I smirked. Hindi ko sya uurungan sa eye contact. Tama na yung si Fleur lang ang di ko kayang makaeye to eye contact. I saw him took a deep sigh. Napangiti ako.

"If that is your wish, fine. I'm Shirohara." pahayag nya.

"Can I call you Shiro? Masyadong mahaba kapag Shirohara eh." request ko.

"Do whatever you want." he said in monotone. Napapalakpak naman ako sa galak.

"So, Shiro. Tell me, pano kita naging moire?" tanong ko.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon