Chapter 4: Black Order

1.7K 65 0
                                    

Chapter 4: Black Order

••••\\\\\••••

"Freia."

Iminulat ko ang mata ko at hinanap ang pinanggagalingan ng boses. Napansin ko na wala ako sa aking kwarto dahil sa iba ang style ng kwartong ito, walang kama. Halos puro istante na puno ng iba't ibang uri ng stuffed toy at manika ang nakikita ko. May puting lamesang bilog sa gilid nito at puting upuan. May bintana na din doon pero iisa lang. May kurtina ito na kulay violet. Ang tiles ng kwarto ay combination ng black and white. May chandelier din ang kwartong kinaroroonan ko. Nasan ba ako?

"Freia."

Rinig kong tawag ulit nung tinig then nakaramdam ako ng presensya sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang isang babae na may silver na buhok. Nakasuot ito ng color white off shoulder dress na above the knee at may mahabang sa likod then may malalaking asul na ribbon bilang design. May black linings din ito na naka cross sa may upper part ng dress at meron din sa kaliwang braso nya. May suot din syang puting choker na may asul na bulaklak na design sa left part. Meron din syang puting tela na nakapulupot sa kaliwang binti nya. Nakapaa lang sya at matamang nakamasid sakin ang kulay violet nyang mata.

"S-Sino ka?" Lakas loob kong tanong.

Nakatitig parin sya sakin. Wala syang emosyong ipinapakita sakin pero bakit parang nakakita ako ng saya at pangungulila sa kanyang mga mata. Ngumisi siya at sa isang iglap ay bigla na lang nawala sa aking harapan. Inilibot ko ang aking tingin para hanapin ang babae pero bigo ako. Napatungo na lang ako at napaupo sa sahig.

"Bakit pakiramdam ko kilala ko sya?"

"Kilalang kilala..." bulong sakin ng isang tinig at nanigas ako sa kinauupuan ko pero biglang bawi naman. Kelan pa sya napunta sa likuran ko?

Naitulak ko sya pero agad din naman syang nakabawi at sinakal nya ako. "Acckkk!" Shit! I can't breathe.

Narinig ko ang tawanan ng maliliit na boses.

"Our princess is mad. Poor little girl."

"She must be killed. She must be killed!"

"She left her! She must die!"

Tumawa lang ang babae habang nakatingin saakin ng matalim, madilim ang mukha nito pero kitang kita ko ang talim ng mga tingin nya. Tuloy parin sa tawanan ang mga maliliit na boses.

"Kilalang kilala mo ako Freia..." sambit nya at naramdaman ko ang paghigpit ng sakmal nya sa leeg ko.

"Matapos mo akong iwan ay ganun ganun na lang? Ang dapat sayo ay mamatay!" Sigaw nya at mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ko. Napapikit na lang ako. Ano bang pinagsasasabi nya? Shit! Hindi na ko makahinga!

"Freia..."

Rinig kong tawag ng isang tinig. Napamulat ako at bumungad sakin ang matatalim na mata nung babae at may hawak na syang gunting sa nakataas nitong kamay.

"Die!"


"Freia!"

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon