Chapter 18:The Necklace

1.1K 65 4
                                    

Chapter 18: The Necklace

———/////////———

*~

Third Person PoV

Nakaupo lamang si Ingrid sa kanyang upuan na katabi ng upuan ng kanyang inang reyna at pinagmamasdan ang mga panauhing kanyang inimbitahan at inimbitahan ng kanyang mga magulang. Nakita nya sa isang sulok ang pwesto ng kanyang mga kasamahan sa Black Order. Ngumiti sa kanya ang ibang member pero hindi nya ito ginantihan ng ngiti. Muli nyang iginala ang kanyang paningin. Lahat ng inimbitahan ng kanyang mga magulang ay nakadalo, samantalang ang isa sa pinakahinihintay nyang panauhin ay mukhang hindi parin dumarating hanggang ngayon. Napabuntong hininga na lamang sya at napansin naman ito ng kanyang ina na katabi lang nya.

"Kanina ka pa ata naglilibot ng tingin sa mga panauhin natin, Ingrid. May hinahanap ka ba sa ating mga panauhin?" tanong sa kanya ng kanyang inang si Queen Irina. Nilingon nya ang kaniyang ina at sinagot ang tanong nito.

"Tama po kayo Ina. Ang panauhing pinadalhan ko ng gintong imbitasyon ang hinahanap ko. Wala pa rin po sya hanggang ngayon." bahagyang nagulat si Queen Irina sa narinig na sagot ng kanyang anak.

"Gintong inbitasyon? Nagbigay ka ng ginto?" Bahagyang tumango si Ingrid sa tanong ng kanyang Ina.

"Ngunit bakit? Ano ang iyong dahilan? Ganoon ba sya ka-special para bigyan mo ng ginto?" kuryosadong tanong ng Ina na mataimtim na nakatitig sa kanya. Tumango muli si Ingrid bago sumagot.

"Opo, Ina. Special sya. Sobrang special..."'

*~

Lia's PoV

Nandito ako sa isang table kasama ang Black Order. Yeah, you read it right. Kasama ko ang Black Order. Bakit ko kasama? Well, the Morelli Twins insisted to. Ako naman si pahumble, pabebe muna pero gora parin. Haha. Anyway, kanina ko pa iginagala ang tingin ko sa mga panauhin na nandidito para hanapin si Freia pero bigo ako. Cannot be seen pa rin sya.

"Lia.." napalingon ako sa tumawag. Si Noreen. Naupo sya sa tabi ko.

"Wala parin ba sya?" umiling ako bilang sagot. Napabuntong-hininga sya.

"Nasan na kaya sya? Almost 30 minutes na rin magmula nang magsimula ang pagdiriwang." sambit nya.

"Ate, Lia." napabaling ang tingin namin kay Serene na papalapit samin.

"Nandito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap eh. Sya nga pala, dumating na ba si Freia?" tanong nya at umiling naman kaming dalawa ni Noreen.

"Dapat talaga hinintay ko na sya." dismayang turan ko na lang.

"Hindi mo kasalanan yun. Malay mo nasa byahe pa lang sya. Na-late lang sya pero nasisigurado kong darating sya." turan ni Serene kaya napangiti na lang ako.

"Gutom na ko. Tara muna kumain." then hinala kami ni Noreen papunta sa buffet.

*~

Freia's PoV

As I open the door, naramdaman ko agad ang mga tingin nila. Huminto rin ang musiko kaya lalong tumahimik ang paligid. Nakaramdam ako ng panlalamig sa kinatatayuan ko. Di ko alam kung dala ba yun ng lamig ng lugar na to o talagang kinakabahan lang ako. Huminga ako ng malalim bago tuluyang naglakad. Huminto ako saglit at bumaling sa pwesto ng hari at reyna kasama si Ingrid, at nagbigay galang. Wala silang suot na maskara kaya madali ko silang nakilala. Bumaba na ako ng tuluyan sa grand staircase na may itim na carpet rin gaya nung hagdanan na inakyatan ko rin kanina. Pagkababang-pagkababa ko ay narinig ko ang ilang bulungan.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon