Chapter 40: Goodbye, G.A.

1.1K 73 61
                                    

Ehem ehem. First of all, I want to thank you guys for reading this story. Omhg! #56 na po ang Grimoire Academy sa fantasy genre. ☺️😂🙊 Anyway, sobrang naiiyak ako pagkatapos kong basahin ang chapter na to. Huhu. Curious ka? Just read this chapter and you'll know why. 🙊

P.S. Sino po maalam gumawa ng book cover dyan? Gawan nyo naman po ako. 😂


#UNEDITED

Chapter 40: Goodbye, G.A.
+~




Wednesday...

Freia's PoV

Isang linggo na ang nakakalipas magmula nung nangyaring training match namin ni Keiran. Sabi rin nila sakin nung araw na yun ay inatake raw ng mga Demons ang academy. I don't really have an idea dahil knock out ako ng mga oras na yun.

Well anyway, yun nga, isang linggo na ang nakakalipas at sa loob ng isang linggong yun, maraming nagbago. Ashia at Portia started to bully me whenever I'm alone, well... kahit pala may kasama ako binubully pa rin nila ko. They play pranks on me as long as Fleur and Ingrid weren't around. Alam na rin sa buong academy ang buo kong pagkatao kaya hindi ko rin maiwasan na mabully ng mga taga ibang class. The whole week made my life miserable as hell. Dinaig pa nung binubully ako ng grupo ni Sabrina nung nasa Earth pa ko. Haist. I'm really thankful talaga dahil nasa tabi ko lagi ang mga kaibigan ko na handa akong ipagtanggol sa mga bullies na yun.

"Freia-chii! Are you serious ba na moire mo that guy na nagsave sayo kay Keiran?" napabuntong hininga na lang ako at napailing sa tanong ni Zena sakin.

Isa pa yan. Isang linggo na rin akong kinukulit ng mga to tungkol kay Shiro. Partida wala si Zena sa arena when he came to save me pero tamo, nalaman parin. Lakas talagang radar ng babaeng to.

"Stop asking questions repeatedly, Zena. Akala mo ba nakakatuwa na yang katangahan mo?" singit ni Carlyn.

"What?! Tanga agad? Di ba pwedeng naninigurado lang ako?" depensa ni Zena

"For heaven's sake, Zena! Halos isang linggo munang bukang-bibig ang tanong na yan!" iritadong sabi ni Carlyn.

Napatampal na lang ako sa noo ko. And here they go again. Dapat pala pinatagal pa ng isang buwan si Zena sa infirmary para walang makulit dito ngayon. Chos lang. Joke lang yun ah. Kahit ganyang nakakairita ang boses ni Zena mahal na mahal ko yan.

"Awat na girls. Tama na muna ang sakitan. Tara na lang sa town square ngayon." pag aaya ni Lia.

Napapalakpak si Zena sa sinabi ni Lia. "Good thinking, Lia! How could I make limot limot of that? Ngayong araw nga pala yun!" napakunot ako ng noo.

"Anong meron?" tanong ko

"Grimoire Festival." napalingon ako kay Carlyn na syang sumagot sa tanong ko

"Grimoire Festival? Ano yun?"

"Grimoire Festival. Isang linggong pagdiriwang yun kung san nagtitipon tipon ang iba't ibang mamamayan ng apat na kingdome." paliwanag ni Lia. Nanlaki ang mata ko out of excitement.

"Talaga? Waah! Lia, tara na sa town square!" sambit ko. Napailing na lang sya at napangiti pero bigla akong may naalala kaya.

"Wait, may klase pa pala tayo mamaya." malungkot na sabi ko.

"Hay nako, Freia. Pakilinis na nga niyang tenga mo at baka ilang drum na ng tutuli ang nakaimbak dyan. Wala ho tayong klase dahil sa festival. Grimoire Academy kaya ang host every year." pahayag ni Lia.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon