Chapter 35: Chamber Behind The Portrait

1.2K 56 5
                                    

Hiii! Pa-read naman nung Code:Re-Zero, rom-com/action po yun, or Vampire Chronicles: Trinity Cross Academy, vampire genre po yun. Salamat ☺️

Chapter 35: Chamber Behind The Portrait

*~


Next day...

Maaga akong gumising dahil excited akong gawin ang responsibility ko kay Keiran ngayon. I am skipping happily on the hallway when I heard footsteps coming on the other corridor kaya naman binagalan ko ang ginawa ko hanggang sa maglakad na lang ako.

When I reach the intersection of the hallway, nakasalubong ko ang isang babae na may violet na pixie cut na buhok na may pink and white highlight. Napahinto ako at pinasadahan sya ng tingin. Hindi sya pamilyar sakin... Hmmm, transferee kaya sya?

Nagitla ako ng konti nang huminto rin sya tumingin sakin. Her eyes... Bakit ganun ang mata nya?

Parang nawalan ng kinang. Deep blue dead fish eyes. Para akong nakatingin sa pinaka-kailaliman ng karagatan. Umiwas sya ng tingin at dumiretso na sa paglalakad.

Pinanood ko lang sya then I noticed something na nalaglag pero nagdire-diretso lang sya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Napabuntong hininga na lang ako. I think hindi nya napansin yun. Ibinalik ko ang ngiti sa labi ko at nilapitan ang bagay na nahulog nung babae. Yung I.D nya.

Kinuha ko yun at tinignan ang pangalan. 

Grimoire Academy
Identification Card
Name: Azura Crest      
Class: Atherium
Grimoire: Thunder Manipulation
Familar Pet: Salamander

"Bawal ang badvibes ngayon, Freia." pagkumbinsi ko sa sarili ko then ibinulsa ko yung i.d at nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad ko.

Pagkapasok ko ng Suprium Building, wala manlang akong nakita ni isa sa kaklase ko. Nagkibit balikat na lang ako. Maaga pa kasi, mga tulog pa siguro. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.

Napahinto ako nang mapansin ko yung malaking larawan ni Artemia. Ang ganda nya talaga. She really look like a goddess. Lumapit ako sa larawan at pinasadahan yung tingin. Napatigil ang tingin ko dun sa may part ng kwintas ni Artemia then naalala ko na nung unang kita ko rin sa kwintas na yun, napansin ko agad na pamilyar ang kwintas. Hawig sya nung kwintas na binigay sakin ni Aleisteir. Agad kong inilabas ang kwintas na suot ko at tinitigan ito. Kapareho nga!

Ibinalik ko ang tingin ko sa larawan. I touch the part where the necklace located. Malalim ang parteng yun kumpara sa iba. Tama, ito nga yung nakita kong parang may butas noong unang salta namin dito sa Suprium Building.

"Para san naman kaya to? Design?" bulong ko.

Sinuri kong muli ang kabuuan ng larawan bago ko napagdesisyunang umalis na at pumunta na sa classroom. I was about to turn away when suddenly,  my necklace glows. Nanlaki ang mata ko at napaatras ng bahagya.

"Omg! Anong nangyayari?!" I hysterically asked kahit na wala naman akong kasama dito. Well, whatever.

Hinawakan ko ang lumiliwanag na kwintas. Natameme ako at napatitig dito. I was mesmerize by its beautiful glowing light. Mainit ang kwintas pero hindi ito nakakapaso. Nagitla ako ng bahagya nang bigla itong lumutang at pilit akong hinihila papunta sa harap ng larawan. Napamaang ako nang makita ko na may parte ng larawan ni Artemia ang lumiliwanag. Yung parte kung saan ko nakita yung malalim na parte ng larawan.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon