Chapter 32: The Cursed Town

887 51 2
                                    

A/N: Sorry, ngayon lang nakapag-update guys. Sobrang dami ng gawain e. Daming requirements na kelangan tapusin. Anyway, hope you like this chapter. Lovelots!

Chapter 32: The Cursed Town

*~

Nandito parin kami sa harap ng gate ng Arkon Town at pinalilibutan parin ito ng itim na usok—miasma raw ang tawag dun sabi nila.

Nakaupo lang ako sa damuhan habang nakatitig sa kanila na tila seryoso ang pinag-uusapan. Ay, seryoso pala talaga yun dahil sa aurang nakapalibot sa kanila. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo. Pinagpag ko ang pangupo ko and then suddenly...


*kaboooooom!*


Nakarinig na naman ako ng nakakarinding tunog na parang nagmumula sa loob ng tenga ko. Iminulat ko ang mata ko pero blurred ang nakikita ko. I can see a blurred figure of a man na sa tingin ko ay tumatapik sa pisngi ko. Ano bang namgyari?

"Freia!"

Nakarinig ako ng mahinang tinig na tumatawag sa pangalan ko. Siguro tinatawag ako ng kaharap ko ngayon. Maya maya pa ay naging malinaw na sa pandinig ko an pagtawag sa ngalan ko.

"Hey! Lockhart! Are you okay?" rinig kong nag aalalang tanong sakin.

Naging malinaw ang paningin ko and there I saw Fleur—with his worried face. Natulala ako at natameme. Ito ang unang beses na nakita ko syang ganito.

"Hey! Freia!"

Natauhan ako nang marinig kong tinawag nya ang pangalan ko. Napapikit ako ng mariin at bumangon. Ramdam ko ang pag-alalay sakin ni Fleur. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng kirot doon. Tinignan ko ang kamay na ipinanghawak ko dun and I saw blood on it. Natigilan ako nang makita ko yun.

Aaaah!"

"Hindi! Wag!!"

"Tulong! Tulungan nyo kami!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko yun at marahas na napatingin sa Arkon Town. Binalot ako ng kaba at takot. Bumungad sakin ang nag-aapoy na bayan ng Arkon Town. Nawala na rin ang miasma na nakabalot sa buong bayan. Napatakbo ako papunta sa loob ng bayan dahil nakita kong bukas na ang gate nito. Narinig ko pa ang tawag nila sakin pero hindi ko iyon pinansin. Maging ang pagkirot ng ulo ko at pagdurugo niyon ay dinedma ko dahil kinutuban ako.

"Hindi. This is not a dream. It can't be a dream. Totoo lahat to."

Napatigil ako sa pagtakbo nang bumungad sakin ang di kaaya ayang tanawin. Ang mga nakaitim n kapng lumilipad na humihigop ng kaluluwa ng mga mamamayan ng bayan na to. I felt my knees are trembling in fear. Iginala ko ang tingin ko sa lugar kung saan naroroon si Keiran sa panaginip ko at hindi ako nabigo, naroon sya, nakangisi at tila galak na galak sa nakikita. Ang panaginip ko, nangyayari ang napaginipan ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang bumaling ng tingin sakin si Keiran. Ang mapupula nyang mata na minsan ko nang nakita sa panaginip ko ay nakikita ko muling ngayon. Gaya ng sa napaginipan ko, ikinumpas nya ang kamay nya para utusang ang mga nakaitim na kapa na atakihin ako.

Third Person PoV

Location: Fyuadore

Mag-iisang nagtatsaa si Deliorah kasama ang mga laruan na nakapalibot sa kanya at naaghahagikhikan.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon