Chapter 41: New Mission

967 58 42
                                    

Oh eto na side ni matanderszxc este ni Ministro Lazarus pala. Baka kasi may nainis sa kanya dun sa last chapter. Lol. 😂🙊 Wala po si Freia dito sa chapter na to kaya please wag na hanapin. Hayaan niyo muna siya sa Earth. 😂😂 Ehem. ehem. Update na. Hahahaha.

Warning: Cliffhanger ahead. 😂😂🙊

Chapter 41: New Mission
#UNEDITED

*~

Narrator's PoV

Location: Ministro Lazarus' office, Ministry of Grimoire

Tahimik at payapa ang madilim na opisina ni Ministro Lazarus. Hindi pa sya umuuwi sa bahay nya dahil sa dami ng report na kailangan nyang tapusing basahin. Tanging ang lampara lang sa table nya ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng silid. Maya maya pa, habang busy sa pagbabasa, ay may biglang nagsalita sa harapan nya.

"Ang sipag mo naman, Ministro Lazarus." sambit ng isang baritonong boses.

Ibinaba ni Ministro Lazarus ang hawak na papel at pinasadahan ng tingin ang taong nagsalita. Isang lalaki ang nakaupo sa harapan ng table nya. Hindi nya makita ang mukha nito dahil sa dilim, kung maliwag man ay ganun din dahil sa nakatakip nitong maskara. Nakamaskara man ang lalaki ay kilalang kilala naman ng ministro ang aura nito. Ibinalik ni Lazarus ang tingin sa binabasa at di pinansin ang sinabi ng lalaki.

"Ang seryoso mo naman masyado. Ngiti ka naman ng konti dyan. Pati yata ang mga Demons ay matatakot kapag nakita yang mukha." the guy said with a humor pero parang wala lang ito kay Lazarus.

"Kung wala kang magawa, maaari mo na akong iwan. Marami pa kong bagay na kailangang tapusin." aniya habang nakatuon parin ang sa mga report na binabasa.

Tumayo ang lalaki at pumaikot sa palapit sa upuan ni Lazarus pero di pa rin sya binibigyang pansin nito.

"Why so cold Ministro Lazarus? Kaya lang naman ako nagpunta dito ay para makibalita." turan nito

Napahinto ang matanda sa ginagawa at bahagyang napatingin sa lalakingnasa gilid nya. Bumungad sa kanya ang lalaking makamaskara at nakangising labi nito.

"Anong balita ba ang gusto mong malaman?" tanong niya.

The masked guy just smirk and lean on the wall. He crosses his arms and rest it on his chest. "Alam mo kung anong balita ang tinutukoy ko, Ministro Lazarus. Come on. I need a report."

Biglang sumagi sa isip ni Ministro Lazarus ang naging pag-uusap kanina sa conference hall. Batid niya ang tungkol sa babaeng mundane dahil sa lalaking nasa gilid niya mismo nalaman ang tungkol sa babae at siya rin ang nag-utos sa kanya na gawin ang lahat para mapabalik ang babae sa Ioxoquira na siyang lugar na kinabibilangan nyang talaga. Marahil kaya sya pumayag sa pinagawa nya ay dahil sa dalawang dahilan. Una ay kinasusukalaman nya ang mga mundane dahil sa nangyari noon, at pangalawa ay dahil sa bagay na kinuha ng lalaking nakamaskara sa kanya.

"Ano na, Ministro Lazarus? Naghihintay ako." Naputol ang malalim na pag-iisip nya ng marinig niyang magsalita ang lalaki.

"Wala na ang mundane dito sa Fantasia. Sa mga oras na ito ay sigurado akong nakabalik na sya sa Earth." pahayag ni Lazarus.

Umikot pabalik sa upuan nya ang lalaki. Dumekwatro pa ito at prenteng nakasandal sa upuan.

"Heh~ Magaling. Mabuti naman at nagawa mo ang ipinapagawa ko. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sayo." turan ng lalaki. Biglang sumeryoso ang aura ni Ministro Lazarus.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon