Chapter 36: Curse vs Shadow

868 50 6
                                    

Woooah! Nakaraos din sa hell week. Grades na lang ang kelangan hintayin. Gosh, pumasa sana. 🙏🏼 😂
Hahahaha. Anyway, bakasyon na kamiiiii! Makakapag-update na ko without hassle. Hihi. Here's my update for this day. Enjooyyy!

Chapter 36: Curse vs Shadow

#Unedited
~~

Narrator's PoV

Pinapunta ni Sir Hector sina Zachary at Portia sa stage dahil sila ang unang pares na maglalaban samantalang ang natira naman ay pinapunta nya sa gilid kung saan naroroon ang mga upuan. Tumikhim muna si Sir Hector bago magsalita.

"Since this is just a training, there's only one rule. The last man standing wins." pahayag niya.

Bakas sa ekspresyong ng ilan ang pagkagulat dahil sa ipinahayag ng guro pero parang wala lang ito sa dalawang maglalaban bagkus ay ngumisi pa na parang natutuwa sa naging patakaran.

"Okay. The two of you, on the count of three."

Pumwesto na sina Zachary at Portia. Magkaharap ang dalawa at nakaposturang panlaban ang dalawa. Ang mga mukha nila ay pawang mga walang expression para di mabasa ng bawat isa ang magiging galaw sa unang pagsugod.

"One." paunang bilang ni Sir Hector. Sinasadya nyang bagalan ang pagbibilang para madama ang atmospera sa pagitan ng dalawang estudyanteng maglalaban.


"Two." Nakita ni Sir Hector ang bahagyang pag-igting nang pagkakakuyom ng kamao ng dalawa na tila naiinis na sa bagal ng pagbibilang nya. Napangisi na lang sya at binanggit ang huling bilang at ang maghuhudyat ng pagsisimula ng bakbakan nila.


"Three!"

Pagkaraang banggitin ang huling bilang, nagpalitan agad ang dalawa ng kani-kanilang grimoire.

~••~

Lia's PoV

Kasalukuyan naming pinapanood ang batuhan ng kani-kanilang grimoire nina Zach at Portia. Napapanganga ako sa galing nilang dalawa. I already saw them fight once in the Grimoire Examination but not this near. Iba pala talaga ang feeling kapag malapitan mo talagang pinapanood.

"Shadow blast!"

"Black charm!"

Naisangga ko ang kamay ko sa mata ko dahil sa malakas na pagsabog. As the smokes fades, inialis ko ang kamay ko sa mata ko. I saw how the two of them catch their breath heavily. I guess that attack cost a lot of energy.

Nagkaroon ng katahimikan sa arena. Pareho silang nakatingin sa isa't isa. Walang may balak kumurap o umiwas manlang ng tingin dahil kapag ginawa mo yun, talo ka. Umayos silang pareho ng tayo.

"Come, Tim." I heard Zachary called then a puma came in nowhere. His familiar pet, a puma. Napangisi na lang si Portia sa ginawa ni Zach.

"Come, Vamp." tawag rin nito sa familiar pet nya then a bat came too, in nowhere. Must be hers.

For the second time, I am amazed again. Just how can they call their pets without the chanting the spell?!

"Tim, to your weapon form!"

"Vamp, to my favorite yo-yo now."

Agad nag-transform ang kanilang mga familiar pet into their weapon form. Isang yo-yo na madalas na gamitin ng mga jester ang weapon form nang familiar pet ni Portia samantalang knuckles naman ang weapon form nang familiar pet ni Zach.

Unang sumugod si Zach. Since melee type ang weapon nya, kinailangan pa nyang makalapit kay Portia bago makaatake. Pinaulanan nya ng suntok si Portia pero halos wala ni isa ang tumama sa kanya. Portia is like a ballerina dancing on the stage. Iniiwasan nya lang ang bawat pagsuntok na ibinibigay ni Zach sa kanya.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon