Chapter 33: Cursed Child

966 55 2
                                    

Hi/Hello! If interested kayo sa story na vampire genre, pakibasa at suporta naman sa isa kong story. Vampire Chronicles: Trinity Cross Academy ang title. Hihi 🙊

Chapter 33: Cursed Child
*~

Nang sumikat ang araw ay nagpasya kaming pumunta sa bayan. Bahagya pa kong natigilan at naguluhan. Parang walang nangyari sa bayan at may mga villagers na rin akong nakikita.

"A-Anong—pero kaninang madaling araw lang ay nababalutan pa ang bayan ng miasma, hindi ba?" naguguluhang tanong ko sa kanila.

"Ganyan talaga ang bayan ng Arkon, Freia. Tuwing gabi hanggang madaling araw ay binabalot iyon ng miasma at kapag umaga naman ay bumabalik sa normal na parang walang nangyari." sagot ni Geoffrey sa tanong ko.

Napakunot na lang ang noo ko at hindi na nagtanong pa. Napatingin na lang ulit ako sa bayan. I don't really get it, ano bang nangyayari sa bayang to?

Nagsimula na ulit silang maglakad. Nagpahuli ako sa paglalakad dahil masyado akong maraming tanong sa isipan ko na hindi ko mahanapan ng matinong sagot sa kanila.

Maya maya pa, dala ng malalim kong pag-iisip, ay may nabunggo ako. Napaatras ako dahil muntik na akong matumba at mapaupo sa lupa.

"Pwede bang tumingin ka sa dinaraanan mo?" may halong iritasyon ang boses na yon. Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Fleur na malamig ang tingin sakin. Sya pala yung nabangga ko.

"S-Sorry." paghingi ko ng paumanhin pero nag"tss" lang sya sakin at nagpatuloy na sa paglalakad. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod narin.

Pagkadating namin sa plaza ng bayan ng Arkon, napansin ko na biglang tumahimik ang paligid. Nakaramdam din ako ng kakaibang lamig na dumadapo sa balat ko kaya napayakap ako sa sarili ko.

"Everybody stay close." turan ni Ingrid.

Pumorma kami ng pabilog at naging alerto sa paligid. Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko dahil sa kaba at takot. Maya maya pa ay biglang umihip ang isang malakas na hangin. Kasabay nun ay ang pagdilim ng paligid at paglabasan ng usok.

Napaatras ako kaya ang kinalabasan ay ako ang pinapaligiran nila. Napasinghap ako nang makita ko na pumorma ang usok na parang isang tao.

"Shit! This isn't good." rinig kong bulong ni Rue.

Napapikit ako sa takot at napahawak sa damit ng taong kaharap ko. Hindi ko alam kung sino yun but I don't care kung magreklamo sya.

"Bakit nagpapaikot ikot lang sila satin?" I heard Kuya Ori asked

"Be alert. You'll never know when will they attack." paalala ni Rue

"Ayan na sila. Get ready." ma-awtoridad na saad ni Fleur.

Naramdaman kong may humapit at humawak sa bewang to at tumalon kami pataas then I heard a loud explosion na naging dahilan ng pagmulat ko ng mata ko.

"Tss. Of all the students, why you?" rinig kong sabi nung nakahawak sakin.

Tiningnan ko kung sino yun and then bumungad sakin ang seryosong mukha ni Fleur na nakatingin sa ibaba. Bigla kong naalala yung tanong nya. Bakit nga ba ako? Hindi ko rin alam.

Pagkalapag namin sa ground ay dinala nya ko sa isang tagong parte ng plaza, sa likod ng isang stall.

"Stay here. You're in our way." and then bumalik na sya para tulungan an iba naming kasama na nakikipaglaban

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon