Chapter 48: Peace Offering

845 44 12
                                    

#Unedited
Chapter 48: Peace Offering

*~

Narrator's PoV

"Bwiset! Bwiset! Bwiset!" inis na sigaw ni Mezura.

Kasalukuyan silang nasa kanilang mansion sa Dleidranox. Nasagap nya ang balita na wala na si Freia sa Fantasia kaya ganun na lang ang nadarama nya. Galit at inis. Paroo't parito sya sa paglalakad na di makapakali habang nakapangalumbaba.

"Mezu, chill ka lang. Kanina ka pa dyan eh. Pwede bang huminto ka muna? Ako yung nahihilo sayo eh." sambit ni Calix na nakaupo at kanina pang pinapanood si Mezura sa nakakahilong ginagawa.

Huminto si Mezura at masamang bumaling ng tingin kay Calix. Agad namang itinaas ni Calix ang magkabila nyang kamay sa hangin.

"Fine. Fine. I'll shut my mouth up." Calix said in defeat while doing the zip-my-mouth act.

Inirapan lang sya ni Mezura at pabagsak na naupo sa single couch. Naipikit na lang nya ang kanyang mata sa inis at napahilot sa sintido. Maya maya pa ay dumating si Voltaire na nakangiti at nakapamulsa pa. Agad namang napansin ni Calix ang masayang expression nito.

"Woah! Anong meron? Ang saya mo ata Voltaire?" kuryosadong tanong nya.

Nakangiting nagkibit balikat lang si Voltaire at naupo sa isa pang single couch ng naka-dekwatro. He rest both of his arms on the arm rest.

"So what's up? Balita sa mga mission nyo?" tanong nya.

Nakita nya ang pag iling ni Calix samantalang si Mezu naman ay nanatiling tahimik at napapalibutan parin ng masamang aura.

"I can't find the girl around the campus anymore. Nakakapagtaka nga eh. Sa pagkakaalam ko ay tapos na ung mission at wala pang bagong ibinibigay." Calix said while frowning.

"Di mo talaga makikita yung kase wala na sya dito." Mezura scoffed. Napatingin ang dalawa sa kanya at parehong nakakunot ang noo.

"What do you mean by that Mezu?" tanong ni Voltaire samantalang si Calix ay tahimik na nag-aabang ng sagot.

Biglang tumayo si Mezura at naglakad papunta sa may bintana. Unang bumungad sa kanya ang itim na buwan at mapulang kalangitan. Binalingan nya ng tingin ang dalawa at sinagot ang tanong sa kanya ni Voltaire.

"She's in Ioxoquira and will never.... ever comeback."

Agad nanlaki sa gulat ang mata ni Calix at si Voltaire naman ay nanatiling tahimik at seryosong nakapangalumbaba. Napatayo na si Calix dahil hindi nya inaasahan ang nangyari.

"What the fucking Esh?! Kelan pa?!" di makapaniwalang tanong nya.

"How would I know? The last time I bumped with her was last Thursday. She hand over my I.D back." sagot ni Mezura at muling bumalik sa upuan. Nanlalambot na napaupo si Calix sa upuan at napasabunot sa sarili.

"Argh! Kainis! Tangina Calix! Bakit di mo binantayan ang mission mo?! Damn!" he's frustrated right now. Sino ba namang hindi di ba? Maging si Mezura ay badtrip din dahil nawala ang lead nya kung nasaan ang susing hinahanap nya.

Si Voltaire ay marining nakatitig at pinagmamasdan lamang ang dalawa na pinagsukluban ng langit at lupa. Wala na syang kailangang atupagin dahil natapos na nya ang kanyang mission. Masamang napabaling ng tingin si Calix sa kanya.

"Ikaw. Nakuha mo na ba yung box?"

Agad namang pumorma ang ngisi sa kanyang labi at pinalabas ang box sa kamay. Nanlaki ang mata ni Calix sa nakita kaya hindi nya napigilang dambahin si Voltaire at kunin ang box para suriing mabuti.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon