Chapter 55: Torn

517 26 7
                                    

Chapter 55:

#Unedited

-xx

Masayang nakatingin si Freia kay 'Shiro' habang kausap ito sa kabilang table di kalauyan sa pwesto ni Fleur. Napahigpit ang pagkakakuyom nya sa kamao dahil sa nakita. Napansin naman iyon ng kanyang inang reyna na naging dahilan para may mamuong ngisi sa labi nito. Sumimsim muna ito ng tsaa bago tumikhim.

"If you don't want the two of them to be alone then you should go there too." Sambit ni Reyna Scarlet na ikinalingon ni Fleur sa ina. Salubong ang kilay niyang humarap sa ina kaya hindi maiwasan ni Scarlet na mapangiti.

"What are you talking about, mom? Why should I butt myself in? As if I'm interested in their conversation." Fleur said. Napailing na lang si Scarlet dahil sa tinuran anak. She knows he's not liking the thought that Freia and 'Shiro' talking to each other. Anak nya si Fleur kaya alam nya ang pag uugali nito.

"Fine. Fine. Bakit kasi hindi ka pa umamin sa kanya..." bahagya nyang pinasadahan ng tingin ang mukha ng anak.

"Confess to who?" walang ganang tanong ni Fleur.

"I am talking about the deity, my dear son." That statement got Fleur off guard. Kilala nya kung sino ang tinutukoy nito. Natigilan sya at natahimik. Napatitig sya sa tasang naglalaman ng earl gray tea na kaharap nya. Napansin ni Reyna Scarlet ang pananahimik ng anak. Napabuntong hininga na lang sya.

"Fleur, baby, if you're afraid to confess to her everything and you just keep it to yourself, someone might do it for you or even confess to her too. I thought you hate liars?" Tumango ng maraan si Fleur. Biglang sumeryoso ang mukha ng reyna.

"Then I guess you hate yourself too since you're lying to her from the very start." Again, Fleur got caught off guard. His eyes widened and realization hit him. He wants to punched himself hard. Nag igting ang panga nya bago sumagot.

"I am not a liar, mom and it is not lying. That's protecting! I am protecting the deity, mom." depensa ni Fleur sa ina. Nawala ang expression ni Scarlet nang marinig ang sinabi ng anak. Napalabi ito habang nakatitig ng mariin kay Fleur. Sumeryoso ang aura ng ina na agad napansin ni Fleur. Shit! —bahagyang napamura sa kanyang isipan si Fleur dahil sa nakita. He knows her mom very well. His mom might be nice and a soft hearted to everyone but never lie to her. His dad might see his mom as innocent and fragile but not for him. His mom hates it when he lies to her and he just did.

"Don't you dare lie to me, Fleur. You know well how I hated the fact that you were lying to me." Seryosong sambit nito na ikinatigil nya. Napatungo na lang si Fleur at mariing napapikit. Fuck!—mura nya. He unconsciously looked at his mom and his body stiffened when he saw a clear bead of liquid on his mother's eye. Mas lalo syang napamura nang dahil dun. Nag igting ang panga nya nang may mabuong scene sa utak nya. Kapag nalaman ng ama nya ang ginawa nito sa ina, tiyak na mapagdadali na sya. Naikuyom nya ang kanyang kamao.

"Shit, mom. I'm sorry. Just please don't cry." Halos magpigil na ng pagkataranta si Fleur dahil dito. Hindi sya yung tipo na ipapakitang natataranta sya o natatakot. Definitely not him. Agad na tumayo si Fleur at lumapit sa gilid ng ina para punasan ang nagbabadyang luha sa mata ng kanyang ina. Napapikit ng mariin si Reyna Scarlet at sya rin hinawi ang luha at ang kamay ni Fleur. Napalabi na lang si Fleur dahil sa ginawang paghawi ng ina sa kamay nya. Seryosong tumitig si Reyna Scarlet sa anak.

"Please don't lie again, son. Tell the deity the truth before it's too late." bakas ang lungkot sa boses ng ina na ikinaguilty ni Fleur. Tahimik nitong itinango ang ulo na syang ikinalabas ng isang tipid na ngiti sa labi ng ina.

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon