Chapter 27: Air Kingdome

878 52 0
                                    

Chapter 27: Air Kingdome

——/////////////——

Freia....

Nagising ako at bumungad sakin ang madilim na kalangitan. Walang buwan at bituin ngayon. Bumangon ako at ganun na lang ang pangungunot ng noo ko. Nasan sila? Bakit nasa lupa ako?

*rusltes*

Nakarinig ako ng kaluskos sa may madilim na parte ng gubat. Oo, nasa gubat nga ako dahil puro puno ang nakikita ko sa paligid. Nilakasan ko ang loob ko para lapitan yung narinig ko. Akmang hahawiin ko na yung matataas na damo nang biglang may humawak ng kamay ko at ibinato ako pabalik sa pwesto ko kanina.

"Ugh!" daing ko sa sakit.

Tumama yung likod ko sa may bato. Feeling ko may nabaling buto sakin. I heard footsteps na papalapit sakin. Nilingon ko yun and then I saw her again, the girl with a white hair. Nakakakilabot ang mga ngiti nya. Gumapang ako paatras pero nagulat ako nang maramdaman ko sya sa likod ko.

"Tik. Tok. Tik. Tok. Your time is running short, Freia. Death will claim you soon." bulong nya sakin hanggang sa dumilim ang paligid ko.

*~

Napabangon ako bigla at napahawak agad sa ulo ko. Shet, nandidilim ang paningin ko. Nabigla ata ako ng pagbangon. Nang medyo umayos na ang paningin ko ay iginala ko ang tingin ko sa paligid. Nasa di pamilyar na kwarto ako. Puro gold at red ang nakikita kong kagamitan. Nasan ba ko? The last time I checked, nasa karwahe ako.

Napailing na lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos.

"Wait, san ba ang banyo dito? Aish. Iisa isahin ko na nga lang. Bat kasi ang daming kwarto sa loob ng kwartong to eh." pagmamaktol ko.

Gaya nang naisipan ko, inisa isa ko ang pintuan. Unang pintuan, study room an bumungad sakin. Pangalawang pintuan naman ay bumungad sakin ang mga sapatos na nakapatong ng ayos sa shoe rack, damit, alahas at iba pa. Ghad! Ang lawak ng walk in closet. Daig pa sa lawak yung kwarto ko sa dorm. Pangatlong pintuan naman ay bumungad sakin ang isang grand piano. As in yun lang ang laman ng kwarto. Grabe naman sa laki tong kwartong to. Kanino kaya to?

Pagkabukas ko ng pang-apat na pinto ay bumungad na sakin yung kanina ko pa hinahanap. Namangha naman ako at nahiyan gamitin ang banyo dito. Just what the fudge! Puro ginto! Mapa-tiles, shower at bath tub. Gravity na ito!

After kong gumamit ng banyo, dumiretso ako sa kama at nakita ko sa gilid yung mga gamit ko ata yun. Napakunot ang noo ko. May dinala ba kong gamit? Ang alam ko sarili ko lang ang dala ko.

Nagkibit balikat na lang ako. Baka si Maru na ang nagdala nito, knowing her she's so responsible for a familiar pet. Nagpalit na ko ng damit. Alangan namang nakauniform pa ko sa misyon namin, gosh lang! So loyal ko naman. Kidding aside.

After kong magbihis, nakarinig ako ng katok. Dumiretso ako sa pinto at pinagbuksan ang kumatok. Bumungad agad sakin ang nakangising mukha ni Geoffrey.

"Goodmorning, sweetheart. How's your sleep?" pinaningkitan ko sya ng mata and I heard him laugh.

"Look's like someone woke up on the wrong side of the bed." parinig nya. Inirapan ko na lang sya.

"Anyway, tara na sa baba. Let's grab some breakfast. Tulog pa kasi yung iba eh." aya nya. Ako naman ay umoo lang dahil nakakaramdam na rin naman ako ng gutom.

*~

Tahimik lang kaming naglalakad sa pasilyo. Iginala ko ang tingin ko. Puro painting ang nasa pader. May mga armor statue rin na nakahilera sa gilid. Pagkalagpas namin ng pasilyo, may twin grandstair case akong nakita. Nasa palasyo ba ako?

Sinundan ko na lang si Geoffrey pababa hanggang sa nakarating kami sa kusina. Pagkapasok na pagkapasok namin sa dining area, I was in awe. Who wouldn't be? Ang daming pagkaing nakahain sa long table na kulay gold! Feeling ko pa nga kumikinang ang dining area dahil sa mga gintong kagamitang nandun.

"Hey, close your mouth. Baka pasukan ng langaw." rinig kong sabi nya. Isinara ko naman bigla ang nakaawang kong bibig at tumingin sa kanya. Nakangisi na naman sya. Naglakad na sya palapit sa table at ipinaghila nya ko ng upuan. Woah, gentleman rin pala sya kahit papano.

Nagsimula na syang kumain samantalang ako ay nanatiling nakatitig lang sa harap ng plato ko. Mukhang napansin yun ni Geoffrey kaya huminto muna sya saglit. "Why aren't you touching your food? Don't you like it?"

Napatingin ako sa kanya at nag-aalangang ngumiti. "A-Ah, hindi no. Pinag-iisipan ko lang kung ano ang uunahin kong kainin."

Napatawa na lang sya sa sinabi ko. "Seriously? Man, you're really something Freia." saad nya. Nginitian ko na lang sya at nagsimula na ring kumain.

*~

Pagkatapos naming kumain ay nanatili kaming nakaupo sa harap ng dining table.

"So, did you like the food?" panimula nya. Nakangiti akong tumango sa kanya.

"Yeah. First time kong kumain ng ganung putahe." ngumiti naman sya sa sinagot ko.

"Sya nga pala, Geoffrey. Nasan pala tayo?" Nagtatakang tanong ko.

"We're inside the Air Kingdome." nanlaki ang mata ko. "What!? Bakit tayo nandito?"

"Kasi dito tayo nagpalipas ng gabi sa palasyo namin?" pa-inosente nyan sabi. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Palasyo daw nila? Then may bigla akong narealize.

"You're a prince!?" natawa sya sa reaksyon ko. How could I forget that? Sinabi nga pala ni Lia sakin yun. Aish.

"Hahaha. You're face is so priceless, damn." patuloy lang sya sa pagtawa kaya napasimangot ako. Maya maya pa ay tumigil na sya sa pagtawa. Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Anyway, come. I'll bring you somewhere." di ako nakapagreact dahil hinila na nya ko agad palabas ng dining hall.

Hinila nya ko sa may pinakamalapit na veranda. Nagtaka naman ako. Bakit dito nya ko dinala?

Nilingon nya ako na may ngisi sa labi. "Are you afraid of heights?" tanong nya. Nakakunot noong umiling lang ako.

"Good." then he carried me in bridal style. Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. The last thing I knew is. where flying already.

-
tbc...

Grimoire Academy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon