TDS10D : 02

1.3K 42 16
                                        

Grace’s POV

“G-good morning. M-my name is Danielle Nucum. S-seventeen years old. K-Korean. Thank you.” I must admit it, Danielle’s giving me creeps.

“Be confident around your classmates, Danielle. Alam ko namang mababait iyang mga ‘yan, hindi ka nila hahayaang mapahamak.” Saka tinapik ni Ms. Reign ang balikat ni Danielle.

“Huh? Seriously? Alam ba ni Ms. Reign ang sinasabi niya? Hindi man lang ba siya na-inform na may sumpa ‘tong section? Isa pa, sa dinami-dami ng puwedeng pasukang seksyon niyang si Danielle, ito pa talaga ang pinili niya, ha?” Mataray na sambit ni Francheska na ani mo’y nagproprotesta.

“Class, 30 minutes break. Go!” Sabi ni Ms. Reign.

Habang tinatahak namin ang hagdanang papunta sa Cafeteria, isang nakabibinging katahimikan ang bumungad sa amin, lahat ng mga mata’y ginawa kaming centro. Ano pa nga ba’ng dapat naming asahan?

“For Pete’s sake, you, judgmental and fatuous students of Bleu Eagles Academy, tigilan niyo kami! Wala na kayong ibang ginawa kung hindi sirain ang pangalan ng 10-D!”

“You have two choices, start minding your own businesses, or get lost. Just choose!” Nagulat kaming magkakaibigan nang marinig namin ang pagsigaw ni Chari.

Tahimik lang siyang tao, pero ngayong punong-puno na siya, ito ang nangyari.

“Chari, hayaan mo na lang sila, okay? They’re just ordinary students, they can’t harm any of us.” Mahinahong pahayag ni Miguel habang hinahagod ang likod ni Chari, ng girlfriend niya.

Muling tumingin si Chari sa mga usisero’t usiserang mga estudyante ng BEA, nanlilisik sa galit ang mga mata nito.

“Chari, tama na, okay?” Pagpapakalma ko sa kaniya.

* * *

“Napansin niyo ba kung na saan si Chari? Simula noong magkahiwa-hiwalay tayo kaninang free time, hindi ko na siya nakita?” Nag-aalalang tanong ni Jill.

“Oo nga, ano? Saan kaya nagpunta ‘yon? Diretso lang siya rito sa tuwing matatapos ang free time, hindi ba?” Pagtataka ni Gwyneth.

“Nag-paalam sa akin si Chari kanina, ang sabi niya, pupunta lang siya saglit sa Comfort Room.” Pahayag ni Martha, bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

“Bakit ganoon? Boyfriend niya ‘ko, malakas ang kutob kong may hindi magandang pangyayari. Bakit hindi na siya bumalik?” Sagot ni Miguel habang paikot-ikot sa classroom.

“Sino ba ang kasama ni Chari kanina? Paano kung mangyari na naman ‘yong sumpa noon?” Mangiyak-iyak si Erica habang binabanggit ang mga katagang iyon.

Hindi maaring maulit ang mga nangyari noon.

“Natatakot ako, Mommies, Daddies, baka mangyari kay Mommy Chari ‘yong mga nangyari dati!” A ni Seatiel, hindi ito mapakali.

“Tigilan niyo na nga ‘yang sumpang ‘yan! Imposible ‘yang mga sinasabi niyo!” Patuloy ang pagluha ni Miguel.

“Bago tayo bumuo ng mga haka-haka, pumunta na lang tayong lahat sa CR para makasigurado!” Saad ni Jillian.

* * *

Nang makapasok kami sa loob ng banyo, bumungad sa amin ang dugong pumapapatak mula sa itaas.

“Sino’ng hayop ang gagawa ng ganitong bagay kay Chari? Ano ba’ng kasalanan niya, ha? B-bakit kai—” Hindi na naituloy ni Miguel ang nais niyang sabihin, tanging paghugolgol lang ang nagawa nito.

Naka-bigti sa ibabaw ang katawan ni Chari, ang mga daliri nito sa paa’t kamay ay lasog-lasog, tinahi rin ang mata’t bibig niya. Isang malaking kahayupan ang nangyari kay Chari!

Napukaw ng isang maliit na papel ang atensyon naming lahat. Naka-sabit ito sa isa pang lubid. Agad itong hinablot ni Zarmin.

“Oh, masyado kasing madaldal itong si Chari. Nakaririndi ang boses, akala niya ata, masisindak na ‘ko sa mga pinagsasabi niya.

Well, tignan niyo naman, hindi na pwedeng magpuputak ‘yang Chari niyo. Sealed na sealed ang labi, perfect! Besides, wala rin kasi akong magawa, too BORING.

It would be more thrilling ‘pag dumami na ang mga bangkay na hawak ko. Xoxo.”

Gigil na gigil si Miguel dahil sa mga narinig mula sa binasa ni Zarmin. Nagsimula na siyang magwala, pinagsususuntok nito ang pader na malapit lang sa kalunos-lunos na bangkay ni Chari.

Kung sino man ang may gawa nito, hinding-hindi niya kami madadaig.

Akmang lalapitan ko na siya nang pigilan ako ni Gwyneth, “Hayaan muna natin siya.”

“Isang halimaw lang ang kayang gumawa nito! Walang hiya! Chaaari!” Hindi ko napigilan ang pagsigaw.

Hindi ko na nagawa pang pigilan ang bugso ng damdamin ko, ang galit ko. Bigla naman akong nilapitan at niyakap ni Erica.

“Kung sino man ang pumatay kay Chari? Papatayin rin natin siya.” Bulong sa akin ni Beatrice. Nakakikilabot.

###

The Death Section : 10-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon