Gwyneth’s POV
Dalawang linggo na rin ang lumipas simula nang makatanggap si Kathleen ng death threats. Malaking pasasalamat sa Diyos, dahil hanggang ngayo’y maayos pa rin ito.
Ngayon na namin maipapakita sa lahat ang presentasyong pinaghirapan namin ng tunay.
“Kaya natin ‘to, Guys! Fighting!” Saad ni Grace habang nakataas ang hintuturo niya.
“Teamwork makes the dream work, ika nga.” Panghihikayat ko naman.
“Let us all welcome, G7!” Matinis na sigaw ng emcee. Narinig namin ang paghiyaw ng audiences. Labis ang kabang aking nararamdaman, ngunit pinili ko pa ring ngumiti dahil ako ang namumuno sa aking mga kasamahan.
Nagsimula na kaming magtanghal, makikita sa mata ng bawa’t isa ang saya; mayroong mga estudyanteng wagas kung maka-hiyaw, mayroon din namang iilang may dala-dalang banners.
Habang nasa kalagitnaan ng tugtugin, biglang namatay ang mga ilaw na nakatutok sa amin, wala kaming maaninag.
“Kathleen?” Narinig ko ang pagbulong ni Mikaela, “Kathleen! Nawawala si Kathleen!” Natatarantang bulalas nito. Ano ba ang nangyayari? Wala akong makita, napakadilim ng buong lugar!
“KATHLEEEEN!” Sigaw ni Ian nang bumalik ang liwanag. Si Kathleen, puno ng saksak ang katawan niya, puno rin ito ng hiwa sa mukha, at ang puso niya—ang puso niya’y napunta sa aking paanan.
“AHHHHHH!” Nasipa ko pa ang puso ni Kathleen, dahil sa sobrang takot. Ang mga mata niya’y mulat na mulat.
“Gwyneth–” Nanlulumo akong niyakap ni Grace.
Hindi ko mawari kung bakit ito nangyayari sa amin, sa mga taong walang kaalam-alam. Walang pakundangan ang mamamatay taong iyan.
“Napaka-walang kwenta kong kapatid. Bakit ba hindi ko man lang siya nagawang ipagtanggol laban sa killer o sa sumpang iyan? S-sana, ako na lang ‘tong nawala.” Pahayag ni Ian habang patuloy sa paghagulgol. Niyakap nito ang malamig na bangkay ng kaniyang kapatid.
* * *
Grace’s POV
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin upang tumigil ang pagpatak ng mga luha ko. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Kathleen.
Mangyayari kaya ito kung ipinaalam ko sa mga officers ang mga bagay na nalaman ko? Kung hindi sana ako nagmagaling, maaaring buhay pa si Kath hanggang ngayon.
Gusto ko munang mapag-isa’t makapagisip ng mabuti. Bakit ba sa tuwing ako ang aaksyon, palaging mayroong masamang nangyayari? Paano kung ako ang nagdadala ng sumpa sa seksyong kinabibilangan ko? Hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili.
“G-guys, pupunta muna ako saglit sa rooftop. Magpapahangin lang ako saglit.” Agad akong tumayo, kahit pa nanlulumo na ‘ko.
* * *
Nang makaakyat ako, agad kong namataan ang isang pamilyar na lalaki, “Danielle?” Tanong ko sa kaniya. Agad naman itong lumingon sa aking direksyon.
“Ikaw pala, Grace. Ano’ng ginagawa mo rito? May iniisip ka bang mabigat na bagay?” Dire-diretsong tanong nito sa akin.
“A-ayos lang ako. Gusto ko lang makapagpahangin.” Pinilit kong palitan ang kalungkutan ko gamit ang isang pekeng ngiti.
“Grace, hindi naman por que isang ‘weirdo’ ang turing niyo sa akin, hindi na ‘ko marunong makiramdam sa damdamin ng iba.” Saka siya tumingala sa madilim na kalangitan.
“Sa totoo niyan, sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ni Kathleen. Oo, hindi ako ang killer, pero hindi man lang ako nakagawa ng paraan para protektahan siya.” Sunod-sunod namang tumulo ang mga luha ko. Nakakapagod din pala, ano? Nakakasawang umiyak na lang nang umiyak, dahil wala kang ibang magawa.
“Ang drama mo, palitan mo kaya ‘yang linya mo? Masyadong cliché, e.” Saka ito ngumiti ng bahagya, ngunit ‘di kalaunan ay binigyan din ako nito ng isang panyo.
“Salamat.” Matipid kong sagot.
“Hmm? Kanina nga pala sa venue, bakit wala ka? Nandoon naman ang lahat, ha?” Iniba ko ang usapan, dahil nagkaroon ng ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“Ayokong mag-aksaya ng oras. Isa pa, marami akong iniisip. Sa tuwing problemado kasi ako, nagiging sandigan ko ang pagsulyap sa kalangitan.” Tumango na lamang ako.
“Bakit nga pala mayroon kang laslas diyan sa wrist mo?” Tinignan lamang ako nitong si Danielle, “P-pasensya na kung nagiging matanong ako.” Saka yumuko.
“Because of someone special.” Ngumiti ito, ngunit agad din namang umiwas sa aking tingin, “Spill it. Come on!” Malakas kong saad.
“Dahil ‘to kay Seatiel,” Muli niya ‘kong tinignan, saka ito huminga ng malalim.
“W-what? So gusto mo siya?” Nanlaki ang mga mata ko, dahil sa mga sinabi niya, “Teka, teka! Alam ba niya?” Kunot-noo kong tanong dito.
“Wit niya knows, ‘te! Saka alam mo, girl crush lang naman!” Bigla akong napatayo, dahil sa mga binitawan niyang linya, “N-no offense, Danielle, k-kasali ka ba sa Federosa?”
“Oh, yeah. Nagulat ka sa revelations ko, baks? Pak na pak! Bongga ko, ‘di ba?” Mabagal akong napa-tango.
Nagulat ako lalo nang biglang sumulpot si Lester. Halatang nakahinga ito ng maluwang nang makita niya ‘ko.
“Grace, nandit—” Hindi naituloy ni Lester ang kaniyang dapat sabihin nang biglang pumutok ng tatlong beses ang isang baril.
Napapikit ako, pagmulat ng aking mga mata, yakap-yakap na ‘ko ni Lester, ngunit nagsimula na naman akong tumangis nang makita ko si Danielle na ngayo’y nakahandusay at duguan na dahil sa mga natamong bala sa ulo, dibdib, at tiyan.
“D-Danielle!” Magkasabay na sigaw ni Jillian at Seatiel. Silang tatlo rin ang madalas na magkakasama, sa tuwing kasama ko sina Beatrice.
“Tsk. Mayroon na namang namatay.” Para bang normal na lang ang mga ganitong krimen kay Angelo.
“I’m too tired of these issues! Paulit-ulit na lang, e! Mas mabuti pang sabay-sabay na tayong mamatay, kaysa ganitong pinahihirapan pa tayo ng walang hiyang killer na ‘yan!” Bulalas ni Zarmin, pulang-pula ang mukha nito, dahil na rin siguro sa galit.
“Bakit ba ganiyan ang pamahalaan ng BEA? Kahit pa ang mga taong mayroong matataas na posisyon ay walang ginagawang kilos, upang maitigil na ang kahibangang ito!”
“Ano ba’ng gusto nilang mangyari sa atin? Ang mamatay muna ang lahat?” Bakas sa mukha’t boses ni Miguel ang pagka-irita’t galit.
“Guys, imbis na iyan ang problemahin ninyo, bakit hindi na lang natin hanapin at paslangin ang killer?” Bella nonchalantly stated.
“Humanda na ang killer.” Bulong ni Seatiel, saka ngumisi ng nakakaloko.
###
BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...