TDS10D : 13

497 26 34
                                        

Grace’s POV

Sobrang saya ko. Napakaswerte ko, dahil binigyan ako ng Diyos ng ganito kababait na mga kaibigan, dahil ibinigay niya sa akin si Lester. Kung hindi dahil sa kanila, siguro’y napakalungkot ng buhay ko.

Habang nasa kasansagan kami ng pag-kain, nakita ko ang pagkabagabag sa mukha ni Gwyneth, para bang ito’y labis na nininerbiyos.

Alam ko kung ano’ng iniisip ni Gwyneth ngayon. Nagkaroon kami ng maikling pag-uusap noong nakaraang gabi, mayroon itong ipinagtapat sa akin.

* * *

Gwyneth’s POV

Ilang araw na ‘kong binabagabag ng tunay kong nararamdaman, hindi ako mapakali.

Magaling mag-obserba si Grace, agad akong nilapitan at kinausap nito nang mapansin ang aking mga ikinikilos. Inamim ko ang lahat sa kaniya—hindi totoo ang nararamdaman ko para kay Joseph.

Siguro, matatawag nga ako bilang isang ‘paasa’, o kung ano pa man iyan, ngunit ano’ng magagawa ko? Ayokong magmukhang tanga si Joseph sa harap ng aming mga kabarkada. Noong sinabi kong ganoon din ang itinitibok ng aking puso, nakita ko ang saya sa mukha niya. Napaka-istupida mo, Gwyneth!

“Grace, Beatrice? Pwede ba tayong mag-usap saglit?” Maluha-luha kong saad, hindi ko ipinahalata ang lungkot ko.

Umupo kami sa isang bench, malayo-layo rin naman ito sa pandinig ng mga kaibigan namin, "Ano'ng pag-uusapan natin? May problema ba, Gwy?" Nagaalalang tanong ni Grace sa akin.

“Is it all about Joseph and you? Any developments sa inyong dalawa ni Joseph?” Naka-ngiting na sambit ni Beatrice.

“T-tungkol nga pala doon. M-may ipagtatapat sana ako,” Tinignan ko si Grace, tumango na lamang ito, palibhasa’y alam na niya ang patungkol dito.

* * *

Third Person’s POV

“T-tungkol nga pala doon. M-may ipagtatapat sana ako,” Garalgal ang boses ni Gwyneth habang sinasabi ang mga katagang iyon. Lingid sa kanilang kaalaman, nagtatago’t nakikinig lamang si Joseph sa likuran ng isang mayabong na puno.

Ano kaya ang ipagtatapat ni Gwyneth?” Pakiki-asyoso ni Joseph.

“Ano ‘yon?” Mahinahong sabi ni Beatrice sa kaibigan. Bago magsalita, tinignan muna ni Gwyneth si Grace, tumango lamang ito na para bang pinalalakas ang loob ni Gwyneth.

Huminga nang malalim si Gwyneth bago tuluyang nagsalita. “W-wala talaga akong ibang nararamdaman para kay Joseph. H-hanggang sa pagkakaibigan lang.” Pag-amin ng dalaga, kasunod nito’y ang pagpatak ng kaniyang luha.

“A-ano? Papaanong–” Hindi makapaniwala si Beatrice sa mga narinig.

Paano niya nagawa iyon? Napakatanga ko nga naman, para isiping gusto niya talaga ako, ano? Sino ba naman ako kumpara kay Zarmin? Ano nga ba ang panlaban ko rito? Ang katalinuhan ko?”

“Masisisi ba nila ako kung umasa ako sa matatamis na salita ni Gwyneth? Hindi ba’t ganoon naman talaga ‘pag nagmamahal ka? Aasa ka kahit sa maliliit na bagay lang.Iyan ang mga katagang binitawan ni Joseph bago tuluyang bumuhos ang mga luha nito.
Labis niyang minahal si Gwyneth, kulang na nga lang ay magpagulong-gulong na ito, upang mapansin lamang ng dalaga.

The Death Section : 10-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon