Zarmin’s POV
Napakapanatag ko ngayon. Dalawang linggo na ang lumilipas simula noong mahuli si Martha. Wala pa kami sa wastong edad, kaya naman pansamantala muna itong dinala sa isang mental hospital.
Mas lalong naging kakaiba ang behavior ni Martha nang dalhin siya sa mental hospital. Nagagawa na niyang pagsasampalin ang kahit sino, kahit ano’y pinaghahagis nito. Pagpatay nga, nagawa niya, e.
* * *
Agad kaming nakarating sa ‘Cognitive Center’. Room 6, iyan ang room number ni Martha.
Kahit pa ang dami na niyang nagawang pamemerwisyo, nakararamdam pa rin ako ng awa kahit papaano. Hindi naman niya pinili ang magkaroon ng ganitong buhay, hindi ba?
Isang pintuang yari sa bakal ang pumapagitna sa amin. Nasa sulok lamang siya ng silid, nakapulupot sa kaniyang sariling mga tuhod.
Wala itong ibang ginawa kun‘di umiyak. Sa hindi mawaring kadahilanan, bigla na lamang niyang tinakpan ang kaniyang tainga at nagsisisgaw.
“Tama na! Itigil niyo na ang kasamaan niyo! Ayoko nang makasakit ng iba!” Umiyak na naman itong muli, ngunit bigla rin namang humalakhak.
Tila ba nakikipagtunggali ito sa kaniyang sarili. Naging matalim ang mga mata niya’t ngumisi, “Huh. Sila, kaibigan ko? Hindi! Papatayin ko sila, mauubos sila! HAHAHAHAHA!”
Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, unti-unti siyang gumapang papunta sa pintuan. Nakaharap siya sa amin habang tumatangis.
“Guys, sorry. Alam kong itong buhay ko’y isang malaking kalokohan lamang.” Usal niya’t ngumiti ng mapait.
Nagulat kaming lahat nang kunin niya ang isang baril sa likod ng kaniyang hospital gown. Paano niya naipuslit iyon dito? Paano kung may mapatay na naman siya? For Pete’s sake!
Dahan-dahan kaming umatras, ngunit isang ngiting punong-puno ng luha lamang ang isinukli niya sa amin.
“Beatrice, Erica, Gwyneth, Zarmin, Lester, maraming salamat. Salamat sa pag-intindi niyo sa akin. Pasensya na sa perwisyong naidulot ko, ha? Thank you for staying by my side.” Sambit niya.
Hindi. Hindi ako magpapabilog sa mga sinasabi niya. Paano kung kasama lang ‘yan sa mga taktikang nais niyang gamitin para makapaghiganti sa amin?
“Grace, salamat sa pakikinig sa mga problemang pasan-pasan ko. Even though we aren’t blood related, sobra-sobrang pag-aaruga pa rin ang ginawa mo sa akin.” Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ni Martha.
“Pagod na rin akong magpakontrol sa kaniya. Pagod na ‘kong magdulot ng kapahamakan. Maraming, maraming salamat, Guys. Mahal na mahal ko kayo.” Nagulat kami sa mga sumunod na pangyayari. Ikinasa niya ang baril sa kaniyang sentido. Bumulwak ang dugo, gayo’n din ang aming mga luha.
Na-upo sa sahig si Erica, palibhasa’y siya ang pinakamalapit kay Martha. Walang ibang nagawa sina Grace kung hindi ang yakapin siya. Napakasakit.
“W-wala na.” Patuloy sa paghagulgol si Erica.
Kung alam lang namin ang pinagdaraanan ni Martha, sana’y natulungan namin ito.

BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Mystère / Thriller[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...