Grace’s POV
“Sino’ng gagawa ng ganitong bagay kay Chari? H-hayop.” Mautal-utal na sambit ni Zarmin habang tumatangis.
“Kung sino man ang gumawa ng ganitong bagay sa anak ko, magbabayad siya! Mamatay na sana ang demonyong ‘yan!” Halos maglupasay na sa lupa ang ama ni Chari.
“Bakit ba ganiyan? Naging wala akong kwentang ama! Kabilang ako sa mga pulis ng BEA, pero wala akong nagawa para ma-protektahan ang anak ko!” Sinabunot pa nito ang kaniyang buhok.
“Ang prinsesa ko, hindi totoo ‘tong mga nangyayari, ‘di ba?” Nakatulalang pahayag ng ina ni Chari, yakap-yakap ito ng kaniyang asawa.
Ramdam ko ang sakit na kanilang nararamdaman. Kung nanlumo kami nang makita namin ito, papaano pa kaya sila? Sila ang mga taong nagbigay buhay sa kaniya, at sila rin ang mga taong nakasaksi sa paglisan niya sa mundong ibabaw.
* * *
Naging tahimik ang lahat. Tanging ang yabag lamang ng aming mga paa ang maririnig at ang bulong-bulungan ng mga taong mapanghusga.
Kalungkutan ang namumutawi sa aming puso’t isipan, tila ba nakikisabay pa ang kalangitan, napakalakas ng buhos ng ulan. Kung titignang maayos, ang mga ulap ay natatakpan, ang mga ito’y kasabay naming tumatangis.
Hindi ako mapakali. Walang kasiguraduhan kung mamaya, bukas, o sa susunod na linggo’y mayroon na namang mawala sa aming pangkat.
“Sino sa tingin niyo ang gumawa nito kay Chari?” Binasag ni Joseph ang katahimikang bumabalot sa amin.
“Ezekiel.” Walang emosyong sambit ni Miguel. Magang-maga ang mga mga nito, mahahalata mong ito’y wala pang tulog.
“May punto ka riyan, Miguel.” Patango-tango pang sagot ni Lester.
“Teka nga, paano niyo naman nasabi iyan? May patunay ba kayo?” Pagtataka ni Jilliane.
“Hindi niyo ba talaga nakikita, o sadyang nagbubulag-bulagan kayo? Una sa lahat, isang drug addict ang tatay niya na naging dahilan upang ito’y makulong, at dahil doon, nabaliw ang nanay niya’t naging isang mamamatay tao.” Bahagyang tumaas ang boses ni Lester.
“Hmm? Para bang naghihiganti si Zeke?” Tanong ni Bella.
“I don’t think, kayang gawin iyon ni Ezekiel. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kaniya.” Opinyon ni Erica.
“Isa pa, hindi ba’t minsang nanligaw si Ezekiel kay Chari noon?” Nagtatakang pahayag ni Beatrice.
“Makikita rin ‘yan bilang isang motibo.” A ni Lester.
“Huh? What do you mean by that, Lest?” Nagtatakang tanong ni Grace.
“Simple lang. Maaring nilamon ito ng inggit at selos, dahil hindi ito pinili ni Chari over kay Miguel. Basic.”
* * *
Third Person’s POV
Lingid sa kaalaman ng magkakaibigan, mayroon palang nakikinig sa kanilang usapan sa hindi kalayuan; Ang kanilang pinagdududahan, Si Ezekiel.
“Kung alam lang nila kung gaano ako nanlumo noong malaman kong wala na si Chari, kung paano siya binaboy ng killer.
![](https://img.wattpad.com/cover/78421837-288-k181146.jpg)
BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Misterio / Suspenso[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...