TDS10D : 27

474 16 10
                                        

Grace’s POV

Halos hindi na ‘ko makahinga dahil sa kaiiyak ko. Sino ba ang hayop na gumawa nito kay Lester? Dang!

“Jagiya, Jagiya, please wake up.” Habang patuloy ako sa paghikbi ay niyuyogyog ko ang balikat niya. Hindi siya pwedeng mawala sa akin.

Bakit ba kailangang mangyari ‘to kay Lester? Noong una’y na-comatose siya, ngayin naman ay inatake siya ng isang ‘di pa nakikilalang lalaki.

Tinignan ko siyang mabuti. Para bang unti-unti na itong namumutla. Napaka-selfish mang pakinggan, pero ayokong kunin siya sa ‘kin ng kahit sinuman. Hindi siya pwedeng mawala sa piling ko.

* * *

Lester’s POV

Shoot. She’s crying, and I hate it. Ayoko ngang umiiyak siya, hindi ba? Papaano pa kaya kung ako ang dahilan? Napaiyak ko na naman ang babaeng minamagal ko.

Hindi ko nagawang tiisin ang pagluha niya. Agad akong umupo at niyakap siya. Sana, panghabang buhay ko na lang maramdaman ang yakap niya.

“W-wait. Was it all planned, Lester?” Bulong niya sa akin. Tumango naman ako bilang pagsagot, “Lester, tinakot mo ‘ko! Nakakainis ka!” Pinagpapalo nito ako sa braso, ngunit agad din naman niya ‘kong niyakap.

Sa wakas, bumalik na ang dating Grace. How I missed her hugs.

* * *

Marius’ POV

Sa wakas, naging matagumpay ang plano namin, pati na rin ang party ni Bella. Kahit daw nagkaroon ng kaunting eksena, masaya siya dahil natulungan niyang magka-ayos sina Lester at Grace.

Papauwi na sana kami, pero naalala ko ‘yong librong kailangan naming hiramin sa library. Gagamitin namin iyon sa isang performance task. Nako naman, oh.

“Gwyneth, kailangan nating pumunta sa school. Hindi natin nakuha ang librong required sa project natin.” Nanlaki naman ang mga mata niya, at bigla akong pinalo sa braso.

“Ouch.” Umiwas sa mga palo niya. “Bakit ‘di mo ipinaalala kanina? Nakakatakot pumunta sa eskwelahan. Gabing-gabi na.”

“Okay, sorry. Kaya nga tara na, para agad nating makuha ‘yon.” Agad ko naman siyang hinila. Tinawagan ko ang driver namin, at mabilisang nagpasundo.

* * *

Sa kabutihang palad, nakabukas pa ang library. Ang kaso, wala nang ni isang estudyante ang naririto. Sino ba naman ang pupunta sa eskwelahan ng ganitong oras?

Mabilis kaming kumilos. Naghiwalay kami, upang agad na mahanap ‘yong libro. Nakakatakot. Masyadong tahimik ang paligid.

Nagulat ako nang marinig ko ang pagsigaw ni Gwyneth. Naghihingi ito ng tulong.

“Gwyneth? Ano’ng nangyayari diyan?” Naglakad ako patungo sa kung saan nagmumula ang boses niya.

Habang nasa kasansagan ako nang paghahanap kay Gwyneth, mayroong isang patalim ang sa leeg ko ay natapat.

Kahit papaano, nakapag-aral naman ako ng Tae kwon do. Kumuha ako ng buwelo, at bigla kong inagaw ang kutsilyong hawak-hawak niya. Lumingon-lingon ako, ngunit walang ni isang bakas ni Gwyneth ang nakita ko.

“Marius, nandito ako.” Nakita ko naman siya sa isang sulok. Thank God, she’s safe.

“Are you alright?” Hinawi ko ang buhok niya. Tumango naman siya, pero maya-maya lang ay sumigaw itong muli.

“T-tumakbo ka na, Gwyneth.” Kahit hirap akong magsalita, pinipilit ko, ngunit nanatili lang si Gwyneth sa puwesto niya. “Now, go, Gwyneth! Run!” Itinaas ko ang boses ko, buong-buo ito. Halatang nabigla siya sa pagsigaw na ginawa ko.

The Death Section : 10-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon