TDS10D : 12

543 24 8
                                    

Grace’s POV

“BEATRICE!" Sabay-sabay naming sigaw nang bigla na lamang siyang bumagsak sa sahig, ang tagiliran nito’y punong-puno ng dugo.

Napakatalino naman ng killer, nagawa niya ang ganitong bagay nang hindi man lang namin nakikita. Eksperto nga ito sa maruruming taktika.

Agad na tinawag ni Lester ang kanilang driver, pinagtulong-tulungan namin ang pagdadala kay Beatrice papunta sa isang van.

Kung kami’y hindi magiging maingat sa bawat kilos na aming ginagawa, maaaring mas mameligro ang buhay niya.

Laking pasalamat namin sa Diyos, dahil walang kahit anong problema ang naroroon sa mga kalsadang aming nadaraanan. Lahat kami’y tumatangis. Kung susuriin ang driver, parang ito’y tarantang-taranta na rin.

Nakarating kaming lahat sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya de Jesus. Naging maagap ang mga tauhan dito’t agad na ipinasok si Beatrice sa loob ng O.R. Pinahinto nila kaming lahat at hindi pinayagang makapasok doon.

Ang mga babae’y nakaupo lamang habang nagdarasal, ang mga lalaki ay nakasandal sa pader.

Hindi ako mapakali, hanggang ngayo’y hindi pa rin nagsi-sink in sa isipan ko ang mga pangyayari.

Nagulat ako nang biglang may humila sa kamay ko, si Lester pala. “Grace? Huminahon ka, ako ‘tong nahihilo sa ‘yo, e.” Sabi niya sa akin.

“Paano naman ako hihinahon kung ganito ang kalagayan ni Beatrice? Paano kung puntiryahin ng killer ang mga pamilya natin? Paano kung maw—” Nangingilid na ang mga luha ko, dahil sa matinding takot.

“Shhh. Walang mangyayaring masama, Grace.” Mahinahon niyang pahayag, saka ako niyakap.

“Magtutulong-tulong tayo, okay? Sabay-sabay tayong lalaban.” Saka ito ngumiti na siya namang nagpakalas ng loob ko. Kakayanin ng 10-D ito, hindi kami susuko.

12:45 AM na nang lumabas ang doktor, “Kaano-ano ninyo ang pasyente?” Malumanay nitong tanong, agad namang tumayo si Zarmin at nagpaliwanag.

“Kaibigan ho namin siya, Doc. Ramirez.” Tumango naman ang doktor.

“Stable na ang lagay niya, mga iho’t iha. Maari niyo na siyang puntahan.” Nakahinga kami ng maluwag, dahil sa sinabi ni Doc. Ramirez.

“Tara na, Guys. Asikasuhin na rin natin si Beatrice.” Saad ni Zarmin, tumango naman kami.

Nadatnan namin si Beatrice na mahimbing lang na natutulog at nagpapahinga.

“Guys, ano’ng gusto niyong kainin? 1:00 AM na rin naman, oh.” Sabi ko sa kanila.

“Cup noodles at kape na lang ang bilhin mo, Grace.” Saad ni Gwyneth, habang inaayos ang pagkakalagay ng kumot ni Beatrice. Tumango naman ako.

Lumabas na ‘ko ng pintuan, upang makabili agad. “Grace, samahan na kita.” Sabi ni Lester at hinawakan ang kamay ko.

* * *

Nang makarating na kami sa convenience store, dali-dali kaming bumili ng cup noodles at kape na kakasya na sa aming lahat. Mabilis kaming nagbayad, upang malamnan na ang gutom naming magakakaibigan.

Agad naming inihanda sa lamesa ang mga pinamili namin, hindi kalakihan ang table rito, kaya naman ang iba’y kumain na lamang sa may lapag.

Mabilis lang ang ginawa naming pagkain, kailangan pa naming ma-asikaso si Beatrice, lalo na’t halata pa rin ang panghihina nito.

“Inaantok ka na ba?” Tanong sa akin ni Lester.

“Hindi pa naman, umiinom pa ‘ko ng kape, e.” Pahayag ko’t bahagya akong ngumiti.

“Ikaw, matulog ka na. Halatang pagod na pagod ka na dahil sa mga nangyari ngayong araw.” Tumango lamang siya’t humiga sa aking kanlungan, kasabay nito ang dahan-dahan niyang pagpikit.

Hinawi ko ang buhok niya. Natutulog na rin ang iba sa mga kasamahan namin. Minabuti ko munang magbasa, upang kahit papaano’y mabawasan naman ang bigat ng aking loob.

* * *

Isang linggo na rin ang lumipas simula nang ma-confine rito si Beatrice, sa awa ng Diyos, ngayon na siya makalalabas ng ospital. Sa isang linggong iyon, wala siyang ibang ginawa kun‘di mag-alala para sa mga kamag-aral naming naiwan sa eskwelahan.

Agad akong nagpahinga nang makarating kami sa bahay, ilang araw din akong hindi nakatulog ng maayos. Bukod sa pagbabantay kay Beatrice, sinisigurado naming walang masamang mangyayari kahit kanino man.

Bago ko ma-ipikit ang aking mga mata, bumalik ang aking wisyo nang biglang tumunog ang aking telepono. Tinignan ko ang message na natanggap ko, galing ito kay Lester.

1 Message from Lester:
Miel, nagpapahinga ka pa ba riyan? Pwede ka bang pumunta sa may garden? Saglit lang naman.

Ano na namang kailangan niya? Antok na antok ako rito, e.

To: Lester
Okay, sige. Hintayin mo na lang ako.

* * *

Lester’s POV

Naka-plano na talaga ito bago pa man puntiryahin ng killer si Beatrice. Napag-usapan na namin ng mga officer ang lahat ng detalye para sa sorpresang inihanda ko kay Grace.

Sana, kahit papaano’y mapagaan ko ang loob nito’t matulungan siyang makapagpahinga mula sa mga bagay na bumabagabag sa isipan niya.

Nang padalhan ko siya ng message, agad naman itong sumagot. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako, si Grace lang ang nakagagawa ng ganitong bagay sa akin.

“Guys, pababa na si Grace! Be ready! ‘Yong music, i-finalize na nating lahat.” Saad ni Jillian.

Alam kong mahilig sumayaw-sayaw si Grace, at gayo’n din naman ako, kaya napag-isipan kong ipatugtog ang Mansae ng SVT, at since mahal na mahal niya ‘yong si Hoshi, e ‘di mag-aala Hoshi na rin ako.

Agad kong namataan si Grace. Bakas sa mukha nito ang pagod, ngunit agad nag-iba ang timpla ng mukha niya nang makita niya ang set-up ng hardin, lumapad ang ngiti nito’t halos maluha pa.

Nagsimula akong magpakitang-gilas, nang matapos ang kanta, agad ko siyang nilapitan at hinawi ko pa ang buhok niya. She is indeed a piece of art.

“Nagustuhan mo ba, Miel?” Tanong ko habang hingal na hingal pa rin.

“Sobra! Una, paborito ko iyong kantang ‘yon. Pangalawa, mahal na mahal ko si Hoshi–na ginaya mo. Bongga! Salamat, Lester. Salamat talaga.” Saad nito’t bigla akong niyakap. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko, ang saya sa pakiramdam.

“Basta ba para sa ‘yo, Miel. Mahal kita.” Ibinulong ko na lamang ang mga katagang ‘mahal kita’.

Siya na talaga. Kakaiba siya sa lahat ng mga babaeng nakasalamuha ko sa mundong ito.

“Paano mo nagagawang pasayahin ako, ha, Lester?” Mas lalo pang humigpit ang yakap nito sa akin.

Mahal kita, Grace. Hindi ko alam kung papaano pa ‘ko mabubuhay, kung mawala ka sa ‘kin.

###

The Death Section : 10-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon