TDS10-D : 10

219 7 0
                                    

Lester’s POV

Nilingon ko ang kinaroroonan ni Grace. Wala itong imik, walang emosyon ang kaniyang mukha, ni hindi ito tumatangis, ngunit nabigla ako nang bigla itong mahimatay, agad ko itong pinuntahan at binuhat.

Hindi ko inalintana ang mga taong nababangga ko sa daanan, ang mahalaga’y agad kong maisugod sa Clinic si Grace, kailangan niyang ma-asikaso.

“Miss? Nurse Herschel, kailangan po namin ng tulong ninyo rito. Nawalan po ng malay ang kaibigan ko!” Bakas sa boses ko ang matinding pag-aalala.

Kahit pa nanginginig na ang mga kamay ko, patuloy pa rin ako sa paghawi sa buhok ni Grace.

“Sige lang, ihiga mo muna ‘yang kaibigan mo sa isang kama riyan. Kukunin ko lang ‘yong medicine aid, Iho.” Pahayag ni Nurse Herschel.

“T-tulong! Tulungan niy–AHHHHHH!” Nangilabot ako nang makarinig ako ng isang tili. Alam ko, isang masamang bagay na naman ang nangyari.

Nang puntahan ko ang kabilang silid ng klinika, namataan ko ang school Nurse naming nakahandusay sa sahig.

Naliligo na ito sa kaniyang sariling dugo. Ang puting uniporme nito’y nagmistulang pinalitan ng kulay, pulang-pula ito.

Biglang pumasok si Bella sa silid kung nasaan ang bangkay ni Nurse Herschel. Nanlaki ang mga mata nito, tila ba punong-puno rin iyon ng pagtataka.

“L-Lester, ano’ng nangyari rito? P-paano nangyari ‘yan?” Nanlulumong pahayag ni Bella.

“Isinugod ko sa kabilang kuwarto si Grace, pero hina pa lumilipas ang ilang minuto’y narinig ko na ang pagsigaw ng Nurse natin.” Pagpapaliwanag ko. Hinilot naman ni Bella ang kaniyang sentido.

Tinawag namin si Beatrice at ang buong seksyon upang malaman nila ang mga nangyari rito.

Naki-suyo ako kay Beatrice na bantayan muna si Grace saglit habang iniimbestiga kami ng mga otoridad.

* * *

Bella’s POV

Matapos ang mahaba-habang pakikipag-usap sa mga pulis, agad kaming nagtungo pabalik sa Clinic.

Laking gulat ko nang makita kong wala si Grace sa kamang hinihigaan niya kanina. Dang!

Bakit wala rito si Grace? Hindi ba’t iniwan natin siya kasama ni Beatrice?” Wika ko. Nagpaikot-ikot na ‘ko sa buong klinika, pero wala akong napala.

“Dito ko lang pinabantayan si Grace! Iniwan ba siya ni Beatrice? Argh!” A ni Lester na patuloy pa rin sa paghahanap kay Grace.

“Guys, nandito lang kami ni Grace sa likod ng Clinic, sa garden.” Bahagya kaming nagulat ni Bella nang marinig namin si Beatrice.

“Hala. Kung makapaghanap naman kayo. Hindi ako pinabayaan nitong si Beatrice, ano ba.” Nakangising usal ni Grace.

“Grace, nag-alala kami. Alam niyo namang napakadelikado, hindi ba? Ang akala namin nitong si Lester, tinangay ka na ng killer!” Saad ni Bella. Tinawanan lamang ako ni Grace.

“Okay, sorry. No joke, guys, na-appreciate ko ‘yon. Salamat.” Tinapik ni Grace ang balikat ko. Nginitian ko ito.

Nagawi ang tingin ko kay Lester. Kanina pa siya nakayuko’t nananahimik. Tila ba napakarami niyang iniisip.

“Lester, ayos ka lang ba? Bakit kanina ka pa walang imik diyan?” Tanong ni Grace, iniangat naman ni Lester ang ulo niya.

“L-Lester, bakit ka umiiyak? A-ano ba’ng nangyayari sa ‘yo?” Kinuha ni Grace ang panyo niya mula sa kaniyang bulsa, agad niya iyong ibinigay kay Lester.

Agad kong nilapitan si Beatrice. Parang bang nahahalata ko na ang pagiging malapit ni Lester at Grace sa isa’t isa, hindi lang bilang magkaibigan.

“Beatrice, nahahalata mo ba ‘yan? Halatang gusto nila ang isa’t isa, ano?” Natatawa-tawa kong tanong kay Beatrice.

“Parehas lang tayo ng naiisip, Bella.” Sagot sa akin ni Beatrice. Pinigilan nito ang pagtawa.

“Hay. Hindi na mag-kaibigan ang dalawang ‘yan. Ang sabi nga ng karamihan, ‘mag-ka-ibigan’.” Hindi ko na napigilan ang pagtawa.

Nabaling ang atensyon namin kina Grace at Lester. Si Grace, ngayo’y yakap-yakap ni Lester. Makikita ang pamumula ni Grace.

“Guys, umaasenso, ah? May yakapan na ngayon?” Wika ko. Sabay namang tumingin sa akin ang dalawa.

“M-mali ‘yang iniisip mo!” Sabay nilang pahayag. Nagkatinginan pa ang mga ito, ngayo’y parehas na silang namumula.

“Lester, Grace, alam niyo bang parehas kayong namumula ngayon?” Tanong ni Beatrice sa kanila. Umiwas sina Grace at Lester sa aming mga tingin.

“Medyo maalinsangan kasi ang panahon ngayon.” Pagpapalusot ni Lester.

“Lester, seriously? Mainit? Tignan mo ‘yong langit, makulimlim na, at isa pa’y napakapresko rito sa garden.” Sabi ko sa kaniya. Bigla itong yumuko ulit.

“A-ano ba kayo! W-walang ibig-sabihin ‘yon!” Muling pag-depensa ni Lester.

Ngayon nama’y si Grace ang tinitigan namin.

“Ikaw, Grace?” Mapang-asar kong tanong sa kaniya, umiling lamang ito.

“Alam na natin ang sagot niyang si Grace, Bella.” Bulong sa ‘kin ni Beatrice. Gusto nga nila ang isa’t isa.

###

The Death Section : 10-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon