Third Person's POV
Tatlong bata ang naglalakad-lakad ngayon sa isang parke, magkakahawak ang mga kamay.
Kung titignang mabuti, napakasaya ng mga musmos na ito, napakadudungis ng mga mukha dahil sa tsokolateng kanilang kinakain.
Ang mga magulang ng mga batang ito'y matagal na ring naging magkakaibigan.
Ngayo'y pinagmamasdan nila ang kanilang mga anak. Katulad nila noon, isang matatag na pagkakaibigan ang kanilang natatanaw.
"Tignan mo nga naman, oh. Parang kailan lang no'ng binyagan 'yang si Hiro, ngayon, nagagawa nang makipagtakbuhan" Saad ni Grace habang kinukunan ng litrato ang anak.
"Ang swerte ko nga't nariyan si Hiro at si Elijah, e. Kahit papaano, panatag ang loob kong magiging ligtas si Yuri sa piling nila sa pagtanda." Nakangiting pahayag ni Gwyneth habang pinagmamasdan ang anak nitong babae, si Yuri.
"Sigurado akong magiging mabuting kuya 'yang si Elijah sa mga anak ninyo, kahit dalawang taon lang ang agwat niya sa kanila." Napatango si Grace at si Gwyneth sa pahayag ni Bella.
"Alam niyo? Ang saya ko. Sobra. Panalangin ko na lang, sana'y wala nang sumira pa sa pagkakaibigan ng mga anak natin." A ni Lester.
"Papaano kung magbalik siya?" Nawala ang mga ngiti sa labi ng magkakaibigan nang biglang itanong iyon ni Zarmin.
"Hinding-hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Alam kong handa niyang sirain ang mga nabuo nating pamilya kung magbalik man siya." Mariing pahayag ni Lester. Hinawakan naman ni Grace ang mga kamay nito.
"Ayos lang kung balikan niya tayo para sa paghihiganti, pero ayokong pati ang mga bata ay idamay niya sa gulong sinimulan nilang dalawa ni Martha." Bakas ang masidhing takot sa boses ni Grace.
Habang abala sa pag-uusap ang magkakaibigan, isang batang babae ang lumapit sa mga batang masayang naghahabulan.
"Hello, I'm Mary. May I join you?" Isang malapad na ngiti ang ipinambungad ng batang si Mary sa tatlong magkakaibigan.
"Of course! Tara na, ikaw ang taya, okay?" A ni Yuri habang hawak-hawak ang balikat ni Mary.
Sa hindi mawaring kadahilanan, isang ngisi ang sumilay sa labi ng kanilang bagong kaibigan.
"I don't want to play your game. Wanna play Hide & Seek?" Wika ni Mary. Nagkatinginan naman sina Elijah, Yuri, at Hiro.
"Sure, Mary." Nakangiting saad ng batang si Hiro.
"Bawal mag-cheat, okay? May parusa ang nandaya." Tuluyan nang lumitaw ang ngisi sa labi ni Mary.
Nagbilang ang batang si Mary. Unti-unting naglaho ang mga anino ng tatlong magkakaibigan. Sa wakas ay nakahanap din ang mga ito ng pagtataguan.
Si Elijah ay nagpunta sa likuran ng isang bakuran. Ang batang si Yuri ay nagtago sa isang Ice Cream stall. Si Hiro ay matatagpuan sa likod ng isang mayabong na halaman.
"Oops! Lumabas muna kayo diyan! I need to explain my own rules first!" Buong-buong usal ni Mary.
Punong-puno man ng pagtataka, lumabas ang magkakaibigan mula sa kanilang pinagtataguan.
"Mary, maglalaro pa ba tayo?" Tanong ni Yuri sa batang babaeng nasa harapan niya.
"Why can't you just wait? Ituturo ko sa inyo ang Hide & Seek na nilalaro namin ni Papa." Nakasimangot na sagot ni Mary.
Hindi na nakapagsalita pa ang tatlong magkakaibigan nang mag-umpisa si Mary sa pagbibigay ng mga 'rules' kung kaniya ngang tawagin.
"Lastly, maghanap kayo ng lugar kung saan ligtas kayo, dahil baka malasin kayo. Kayo rin ang magsisisi." Wika ni Mary.
Dahil wala pang kamuwang-muwang ang magkakaibigan sa mundo ng karahasan, hindi nila inalintana ang panghuling pahayag ni Mary. Bagkus, eksayted pa ang mga ito sa pagsisimula ng laro.
"Yuri, Hiro, sumama kayo sa akin. Iisang lugar na lang ang pagtaguan natin." Saad ni Elijah habang hawak-hawak ang dalawang mas nakababatang mga kaibigan. Ganoon nga ang kanilang ginawa.
"Ngayon, isa-isa ko na kayong hahanapin." Mas ipinagsiksikan ng magkakaibigan ang kanilang mga sarili sa likuran ng isang mababang bakuran nang marinig nila si Mary.
"Huwag kayong magpapahuli, ha? Baka kasi saktan kayo ni Mary, e." Pabulong na sambit ni Elijah.
"Boo! I found you!" Nagulat ang magkakaibigan nang biglang sumulpot si Mary sa kanilang likuran. Itong si Yuri ay tumakbo pa palayo.
"Yuri, come back! Ang daya mo! Wala 'yan sa rules ko, 'di ba? Hindi na tayo pwedeng maging mag-kaibigan in the future!" Nakapamaiwang na pahayag ng batang si Mary. Bakas sa mukha ni Yuri ang pagtataka.
"I'm sorry, Mary. Can we just repeat the game? I promise, I won't do that thing again!" Nakangiting usal ni Yuri, tinitigan lamang ito ni Mary.
"No way. I don't want to play with you anymore. Ang sabi sa 'kin ni Papa," Isa-isa munang tinignan ni Mary ang tatlong magkakaibigan bago tuluyang magsalita, "Kung nagawa ka na nilang lokohin noon, magagawa ulit nila 'yon."
Matapos sabihin ang mga katagang iyon, basta-basta na lamang itinulak ng batang si Mary ang walang kamuwang-muwang na si Yuri. Laking pasalamat dahil agad itong nahawakan ni Hiro't Elijah.
Sa hindi kalayuan, isang lalaki ang nagmamasid sa kaniyang anak. Siya mismo'y nagulat sa ginawa ng kaniyang anak sa kalaro nito.
"Mary! What have you done? Go back in the car now!" Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkadismaya dahil sa inasal ng kaniyang anak.
Agad namang dumating si Gwyneth at Zarmin upang alalayan ang kanilang anak patayo. Naudlot ang kanilang pagpapatahan sa anak nang magsalita ang lalaki.
"Pasensya na kayo sa nagawa ng ana-" Hindi na naituloy pa ng lalaki ang dapat nitong sabihin nang masilayan niya ang mga itsura ng kaniyang kausap.
Mga itsurang minsan na rin nilang nasilayan noon, ang mga taong kanilang pinerwisyo.
"A-Angelo? Ano'ng ginagawa mo rito? At sino 'yang batang nasa tabi mo?" Bahagyang humakbang papalayo sina Gwyneth. Dali-dali namang pumunta sina Grace sa kung saan man naroroon si Gwyneth.
"What a small world, guys. Akalain niyo nga namang magkikita-kita tayong muli, at ang mga anak pa natin ang dahilan." Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Angelo habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"By the way, pasensya na sa inasal ng anak kong si Mary." Bahagyang humalakhak si Angelo.
"O siya, aalis na kami nitong si Mary. Mag-iingat na lang kayo." Iyan lamang ang mga sinabi ni Angelo upang mapataas niya ang balahibo ng kaniyang mga kaibigan noon.
Bago pa man tuluyang makalayo ang mag-ama, isang malamang pahayag ang binitawan ng batang si Mary.
"Kung magkita-kita man tayo sa susunod, siguraduhin niyong hinding-hindi na kayo basta-basta magpapaloko. Iyan ang makakamatay sa inyo." A nito at biglang ngumisi.
Talaga nga namang manang-mana ito sa kaniyang mga magulang. Muli na naman kayang dadanak ang dugo?
###
Date Finished: November 18, 2016
BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Misterio / Suspenso[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...