Lester’s POV
Ilang taon na rin ang lumipas. Ilang malalagim na pangyayari na ang sumubok sa aming katatagan. Ang kadilimang noon ay walang humpay, ngayo’y unti-unti nang nagagapi ng liwanag.
Ang dami naming problemang hinarap, ngunit lahat ng iyon ay aming napagtagumpayan dahil sa pagkakapit-bisig, at dahil na rin sa Diyos.
Ngayong araw na ito, isang sakramento na naman ang matatamasa naming dalawa ni Grace.
Matapos naming makapagtapos ng kolehiyo, sinigurado ko munang makakakuha kami ng isang maayos na trabaho bago ko siya pakasalan.Ngayong maayos na ang mga buhay namin, ito na nga. Dumating na ang araw na pinakahihintay ko.
Alam niyo bang masaya ako ngayong araw na ito? Sa Tingin niyo bat ako masaya?
Napakasaya ko. Halos kaming magkakaibigan? Masaya na sa aming mga relasyon. Kaming lahat ay nakapag-settle na rin naman.
Sina Gwyneth at Zarmin ay ikinasal na rin. Ito namang si Kai? Matagal nang sinagot ni Jade.
Si Beatrice naman, isa nang propesyonal na negosyante. Si Erica? Isa nang doktor, ngunit hindi niya pa rin magawang iwanan ang mga libro niya.
Ngayo’y mayroon nang isang supling si Bella at si John.
January nang ipanganak ang anak nina John at Bella. Justin Elijah ang pangalan ng bata. Pamangkin ni Grace, at inaanak ko.
“Lester, ready ka na ba?” Tanong sa akin ni John, tinapik pa nito ang aking balikat.
“Oo naman, John.” Wika ko. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi.
“Kuya, huwag na huwag mong sasaktan si Grace, ha?” Pabirong saad ni John.
“No problem. Hindi ko siya magagawang saktan. Mahal na mahal ko ‘yon.”
“Lester, magsisimula na tayo. Pumunta ka na raw sa harapan ng altar.” Naudlot ang pag-uusap namin ni John nang bigla akong tawagin ni Zarmin.
* * *
Nandito na ‘ko sa harapan ng altar. Hinihintay ko na lamabg ang unti-unting pagbukas ng pintuan.
Napakabilis ng tibok ng puso ko. Kahit ilang taon na kaming magkasama nitong si Grace, kakaiba pa rin ang araw na ito. Panghabangbuhay na kaming ipagbubuklod.
Hindi naglaon, bumukas na ang pintuan. Para bang isang anghel ang bumaba sa kalangitan, at ngayo’y naglalakad sa aking harapan. Napakaganda niya.
Hindi ko man lang namalayang naririto na pala siya sa harapan ko. Ito na naman, nagwawala na ang puso ko.
“Beautiful.” Iyan na lamang ang salitang lumabas sa aking labi. Napa-ngiti naman si Grace.
“Jagiya, ano ka ba? Tara na.” Nginitian akong muli ni Grace, at hinawakan ko naman ang kaniyang kamay.
Nagsimula na ang seremonya.
“Lester Pangilinan, do you take Grace Lopez as your wife?” Wika ng pari. Bahagya akong ngumiti.
“Yes, I do.”
“Grace Lopez, do you take Lester Pangilinan as your husband?” Tinignan ko si Grace, nangingilid na ang mga luha nito.
“Yes, I do, Father.” Ngumiti pa ito. Hindi ako nagkamali. Siya nga ang panghabangbuhay ko.
“I now pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride.” Ito ang first kiss namin ni Grace. Lahat sa kaniya’y perpekto. Ang mga labi niya’y tila ba kakulay ng isang pulang mansanas.

BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...