[A/N : Pasensya na po, ito lang muna ‘yong mabibigay ko–a very short update. Tambak ang performance tasks at quizzes, mga beh~]
Grace’s POV
“AHHHHH!” Agad kaming napabalikwas nang marinig namin ang isang pamilyar na boses.
Dali-dali kaming bumaba, upang alamin ang mga nangyayari. Naabutan namin si Joseph at Martha habang patuloy sa pagluha.
“Siya–” Umiiyak na sambit ni Martha habang may itinuturo sa kung saan.
Nagulat kami sa aming sunod na nakita. Si Ms. Sanchez, wala ang braso’t hita nito, siya’y binihisan at nilagyan ng kolorete na para bang isang manika—manikang tinanggalan ng mga parte.
“Argh!” Pinagsusuntok ni Zarmin ang pader, dahilan upang magkaroon ng sugat ang kaniyang kamao.
“Zarmin! Itigil mo na ‘yan! Sa tingin mo ba’y maibabalik niyan ang buhay ng mga kaklase natin at ng ating guro?” Buong-buong pahayag ni Bella.
“Ang ilan dito sa atin, ngayo’y pakunwari kung makiramay, pero sa tuwing tayo’y tatalikod na, doon maglalabas ng kanilang mga patalim.” Mahinang sabi ni Beatrice, napailing pa ito.
“Wala nang mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon, tandaan niyong lahat iyan.” Isa-isa kaming tinignan ni Erica bago sabihin iyon.
“Guys, puntahan niyo na ang mga pulis at ambulansya.” Malamlam na sambit ni Jillian. Paano niya nagagawa ang pagiging mahinahon sa tuwing may namamatay?
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Beatrice at Erica. Nang magtama ang mga tingin namin, sinenyasan nila ako, upang lumapit sa kanilang dalawa.
“Grace, mag-usap tayo saglit.” Seryosong pahayag ni Erica, “Sa tingin nami’y alam na namin kung sino ang killer.” Pabulong na saad ni Beatrice.
“H-ha?” Bumilis bigla ang tibok ng puso ko, “S-spill it.” Sabi ko. Agad namang ibinulong sa akin ni Erica ang isang pangalan.
“Kung maiiwasan, huwag mo munang hayaang makarating kahit kanino. Ano ba ang malay natin, hindi ba? Paano kung may kasabwat ito?” Ma-otoridad na paliwanag ni Beatrice. Tumango na lamang ako.
Hindi ko inaakalang kaya niyang gawin iyon, ang akala ko’y hindi niya magagawang traydorin kami.
* * *
Isang linggo na ang nakalilipas. Isang linggo simula nang mawalan kami ng Class Adviser, isang linggo na ang nakalilipas simula noong malaman ko ang kahayupan niya.
“Guys, listen.” Malakas na anunsyo ni Beatrice, kaya naman napukaw niya ang aming mga atensyon.
“Malapit na ang malakihang event dito sa Academy, at napili ang section natin para mag-perform. Sa kasamaang palad, 41 na lang tayo. So, as your Class President, ako na ang gumawa ng mga grupo niyo. I will be dividing you into two groups. That’ll be fair enough, dahil hindi naman ako makapagtatanghal, dahil sa foot-injury ko.” Matamlay na sambit ni Beatrice.
“Here are the members of the 1st Group: Francheska, Jillian, Seatiel, Angelo, Martha, Miguel, Zarmin, Gwyneth, Lester, Grace, Erica, Marius, Jasmine, Joseph, Maureen, Alyssa, Rosé, Mikaela, Carlos, at Gabrielle.”
“And the rest, sa mga hindi natawag ang pangalan, that simply means na kasali kayo sa ikalawang grupo.” Mahinahong sabi ni Beatrice, at saka ngumiti.
“Okay, you may now start with your colleagues.”
“Guys, bago tayo makapag-practice, kailangan muna nating mamili ng kantang babagay sa pagtatanghal natin.” Pagpapaliwanag ko.
“Monster!” Sabay-sabay nilang suhestyon. Maaari naman naming i-pares iyon sa presentasyong aming bubuoin.
Huh, halimaw, wala pa ring mas sasahol sa traydor na iyon.
* * *
We’ve been practicing for almost a month, naging pursigido kami sa pag-eensayo, dahil ito na lang ang isa sa mga paraang naiisip namin, upang kahit papaano’y gumanda ang pangalan ng aming seksyon.
Sa tinagal-tagal naming pagpapagod, dumating na nga ang araw ng pagtatanghal. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Excitement ang nangingibabaw sa akin, ngunit kahit papaano’y mayroon pa rin akong nararamdamang kaba.
Ang labis naming ikinababahala’y ang nangyari noon kay Kathleen. Papaano kung sa kasansagan ng aming presentasyon ay dumanak na naman ang dugo? Papaano kung hindi lamang isa, dalawa, o tatlo ang kunin sa aming pangkat?
Nagsimula na ang pagtugtog ng musika, sinabayan iyon ni Rosé. Kakaunting liwanag lamang ang bumabalot sa buong enatblado.
Maya-maya pa’y namatay na ang lahat ng ilaw, napakadilim ng paligid–tulad lamang ng aming pinlano sa rehearsals kanina.
Naramdaman ko ang panlalamig ng aking katawan, sa kutob ko’y mayroong masamang mangyayari, ngunit ika nga, the show must go on.
Siguro’y bunga lamang ito ng mga nasaksihan ko noong mga nakaraang linggo.
Hindi ko na lamang inalintana ang takot na aking nadarama. Maya-maya’y kusa rin namang bubuksan ang mga ilaw, ‘pag dating sa parte ni Carlos.
Ilang minuto na ang lumipas, ngunit ni isang tinig ay wala akong narinig. Nagbigay senyales kami sa taong may hawak ng mga switch, nang magbalik ang liwanag, hindi namin inasahan ang tatambad sa amin.
Ang mga ulo ng mga kaklase nami’y nawawala, ang mga bunganga nila’y tinarakan ng blade.
Ang lahat ng 10-D Officers ay natira, ngunit ang mga kaluluwa namin ay tila ba nagsi-alisan sa aming mga katawan, dahil sa nangyaring kahayupan ngayon.
Ang killer, ngayo’y lumuluha, kung titignan, siya ang pinakamalambot sa aming magkakaklase, ngunit siya’y isang mapanlinlang na nilalang, napakagaling mag-panggap, kaya naman labis namin siyang tinanggap. Ngayon, hinding-hindi na ako muling mabibilog sa matatamis nitong salita.
###
BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...