Grace’s POV
Inasikaso ng mga lalaki ang bangkay ni Joseph. Ayon sa ambulansya, wala na raw pintig na maririnig mula rito.
Ang mga magulang niya’y labis kaming sinisisi sa pagkawala ng kanilang nag-iisang anak. Nakakapagod. Nakakasawa.
Kaming mga babae’y sama-samang lumabas mula sa bahay, pwera lang kay Martha. Inaalalayan nito ang mga magulang ni Joseph, palibhasa’y malapit sila sa isa't isa.
Habang naglalakad-lakad kami sa hardin, biglaang sumulpot sa likuran namin si Martha.
“Oh, hello!” Masigla nitong bati. Talaga namang nakukuha niya pang maging ganado sa kabila ng mga nangyayaring kamalasan sa amin, ha?
Pumalupot pa ito sa isang braso ko’t sa kabilang braso naman ni Erica. I don’t like the way she clings around; I find it irritating.
“Buti, napunta ka rito? ‘Di ba’t nakiki-asyoso ka pa roon?” Ito talagang si Bella, kahit kailan, hindi na natanggal ang pagiging pranka.
Bahagyang sumimangot si Martha, akala niya ata’y hindi ko ‘yon napansin.
“Well, it’s so boring, e.” Saka ito tumawa. Huh? Ano ba’ng nakakatawa?
These past few days, madalas na ‘kong ma-asiwa kay Martha, kahit wala naman itong ginagawang masama.
“Guys, gusto niyo bang manood ng sine? Libre ko na tickets.” Pag-aaya ni Angelo.
“Sige, para naman mabawasan kahit papaano ‘tong stress na nararamdaman natin.” sagot ni Lester.
Seryoso? Nagagawa pa talaga nilang mag-relax? Anong klaseng kaibigan ang mga ‘to?
“Omo! The Killing Game panoorin natin?” Masayang sambit ni Martha. Kung titignang mabuti, para itong isang bata kung umasta.
“Tch. Stupid.” Narinig kong bulong ni Bella. Ramdam kong pati ito’y iritadong-iritado na, “Stress reliever nga, tapos manonood ka pa ng Horror movie? Gumagana pa ba 'yang utak mo?” Dagdag pa nito.
“E, kung iyon ‘yong gusto ko, e. Hmp!” What is happening to Martha? Bakit parang isang apat na taong gulang bata lang ang kausap namin ngayon?
“E, ‘yon pala gusto mo, manood ka sa bahay niyo. Sumama-sama ka pa kasi, ang dami mo namang demands.” Saad ni Bella, kasabay nito’y ang pag-ikot ng kaniyang mga mata.
“Itigil niyo nang dalawa ‘yan. Sige, panonoorin natin ang The Killing Game.” Sabi ko naman.
“Grace! Kukunsintihin mo pa ‘yang isip-batang gustong manood ng patayan?” Bakas sa boses ni Bella ang pagkadismaya, tinitigan pa nito si Martha.
“Pagbigyan na natin, bata lang ‘yan.” Sabi ko’t ngumiti ng nakakaloko, ginulo ko rin ang buhok nito.
“Huh, iba ka talaga, Grace.” Saka ako tinapik sa balikat nitong si Bella.
* * *
“11 tickets for The Killing Game po.” Mahinang sabi ni Jillian sa babaeng humahawak sa ticket booth. Agad namang ibinigay sa amin no’ng babae ang tickets.
“Salamat po!” Nag-bow si Martha, kaya naman ginaya na lang namin ito, dali-dali kaming magtungo sa Cinema 6.
Humanap na kami ng mapaglulugaran, pumunta kami sa pinakataas, na siya rin namang nasa pinakalikod na parte ng sinehan. Walang gaanong tao, kaya naman ayos lang kung mapalakas ang aming mga tili.
Katabi ko ngayon si Lester, Martha, Angelo, Beatrice, at Seatiel. Sa kabila naman ay naroroon sina Jillian, Erica, Bella, Gwyneth, at Zarmin.
Sunod-sunod nang namatay ang mga ilaw, hudyat na malapit nang magsimula ang palabas. Habang ipinapakita ang ilang rules na dapat sundin habang nasa sinehan, namataan ko si Marie.
Dahil malapit lang ito sa amin, agad namin itong tinawag at pina-upo sa tabi ni Zarmin.
“Oh? Bakit mag-isa kang nanonood, Marie?” Tanong ni Gwyneth dito.
“E, papaano ba naman? Ayaw akong samahan ni Cedric. Tutal, wala siya, Horror movie na lang ang pinili ko.” Cedric, ang nakababatang kapatid ni Marie.
* * *
Habang nasa kalagitnaan ng palabas, nagpaalam si Marie. Ayon dito, pupunta muna ito saglit sa banyo.
“Guys, since ubos na ‘yong drinks, bibili pa ‘ko ng panibago. Ano’ng gusto niyo?” A ni Jllian.
“Water’s enough, Jill. Thanks.” Sabi ko, tumango naman ito.
“I’ll come with you. Delikado masyado.” Bulong ni Angelo kay Jilliane.
Makalipas ang sampung minuto, nakarating din si Angelo’t Jillian dala-dala ang mga inumin, may fries pa itong kasama. “Thank you, guys.” Sabay-sabay naming sabi.
“Luh? Nasaan na si Marie? Ang tagal naman niya masyado sa washroom?” Saad ni Martha.
“Baka nagkaroon lang ng kaunting problema sa tiyan, kaya natagalan.” Pahayag ni Gwyneth, habang ngumunguya ng popcorn.
“Babalik din ‘yon.” Dagdag naman ni Beatrice.
* * *
Nakuhang matapos ng palabas, ngunit ni anino ni Marie ay wala kaming natagpuan. May masama na naman akong kutob. Hanggang dito ba nama’y magkakalat ang killer?
“Guys, hindi na ito biro. Bakit hanggang ngayon, wala pa rin si Marie? Imposible namang umalis siya bigla nang hindi man lang nagpapaalam, hindi ba?” Tanong ni Erica sa aminng lahat.
“Ugh! Don’t tell me, gusto nang sumikat no’ng killer? Hanggang sa mall ba naman, mamemerwisyo siya?” Saad ni Seatiel, saka tinignan ng masama si Jillian.
“Ano namang tinitingin-tingin mo riyan? Pinagbibintangan mo ba ‘k—” Naiiritang pahayag ni Jillian.
“Itigil niyo na ngayon ‘yan, please lang.” Sabi ko, habang pumpagitna sa kanilang dalawa.
“Teka! Maaari kayang may kasabwat ang killer?” Bulalas ni Lester.
“Nakuha ko na! Maaaring dalawa ang tumatraydor sa atin!” Dagdag pa niya.
Ganoon din ang nararamdaman ko, ngunit sana’y hindi tama ang mga hinuha ni Lester.###
BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...