Erica’s POV
Naguguluhan na ‘ko dahil sa mga nangyayari. Bakit ba kinakailangan pa naming maranasan ang ganitong mga bagay? Gusto ba ng Tadhana na maging mulat kami sa mga bagay? Kung gayo’n, bakit kailangan pang mayroong buhay na maisakripisyo? Napakadaya.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naghihilom na ang isang sugat, mayroon na namang panibagong unos na darating. Makasalanan man ang lahat, ngunit kailangan ba ng ganitong klase ng parusa?
Mapanlinlang ang bawa’t nilalang na aking nakasasalamuha. Kung titignan, akala mo’y kaawa-awa, ngunit hindi. Kapag ako’y tatalikod, doon na sila magsisimula.
“Sandali na lang ang kailangan ninyong hintayin. Grace will soon recover.” Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Malapit na naming mayakap muli si Grace.
“Maibabalik na po ba ang buong memorya ni Grace?” Nakuha ni Lester ang atensyon naming lahat. Matapos niyang sambitin ang mga tanong na iyon, ibinaling namin ang aming mga ulo kay Doc. Federal.
“Fortunately, yes.” Ngumiti ang doktor, gayo’n din naman kaming lahat.
Kahit hindi pa kami tuluyang naalala ni Grace, nagawa na rin nitong maki-ngiti.
“K-kumusta? Pwede ba kayong magpakilala isa-isa? Salamat.” Nahihiyang sambit ni Grace. Napakasaya ko ngayong araw. Tila ba nabubuo na naman ang pag-asa sa aking puso.
“Grace, ako ‘to, si Beatrice. Kaibigan mo since First-year High School. Ako lagi ‘yong kasama mo tuwing History class.” Nangingilid na ang mga luha ni Beatrice, ngunit nagawa pa rin nitong ngumiti.
“Hello, Grace. Erica Marcelo. Ayos lang kung malimutan mo iyong pangalan ko, pero ito ang lagi mong tatandaan, ha? Mahal kita.” Sinubukan kong maging kalmado kahit pa gustong-gusto ko nang tumangis.
“Gracie, Jilliane Mallari mo ‘to. Paano mo ba ‘ko nagawang kalimutan? 7 years na tayong mag-best buddies, e.” Pabirong wika ni Jilliane. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha niya, pero pilit niya pa ring pinipigilan ang mga ito.
“Grace, ano na? Bumangon ka na. Ikaw ‘tong kakampi ko laban do’n sa teacher nating atapang a tao.” Nakatingalang sabi ni Gwyneth.
“Grace? Wohoo? Dito ka na. Na-miss ko na ‘yong mga pagsuntok mo sa akin, pati na rin ang mga palo mo sa tuwing kinikilig ka dahil kay Lester.” Kinakagat-kagat ni Bella ang kaniyang ibabang labi para lang mapigilan ang pagluha.
“Eomma? Ako ‘to, si Seatiel Mamolo. Nakalimutan mo na ‘yong first and ever anak mo, ha?” A ni Seatiel habang naka-pout.
“P-paano ako nagkaroon ng anak?” Medyo nailang pa si Grace.
“Anak-anakan niyo lang po ako, Grace-unnie. Ako kasi ‘yong pinakabata sa section natin.” Saad ni Seatiel, at saka ngumiti ng napakalapad.
“Grace, naaalala mo pa ba ako? Mark Macabali. Sa akin ka laging nagpapalibre, e.” Pabirong sambit ni Angelo.
“Jagiya, ako ‘yong boyfriend mo, Lester Pangilinan. Mahal na mahal kita. Kung pwede lang, bumalik na ‘yong dating ikaw. Sobrang namimiss ko na ‘yong abnormal at alien kong girlfriend, sa totoo lang. Magpagaling ka, Jagi. Papakasalan pa kita. Saranghamnida.” Umiiyak si Lester, pero agad din naman nitong niyakap si Grace.
“A-ang sakit!” Sigaw ni Grace habang sinasabunutan ang buhok. Mas lalong humigpit ang yakap sa kaniya ni Lester.
“Rooftop, i-iyong babae! Ilayo niyo ‘ko sa kaniya! M-malapit na siya sa akin! Tulong!” Naging hysterical si Grace, tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya.
Dumating amg doktor pati na rin ang iilang nurses. Agad nila kaming pinalayo kay Grace.
“Jagiya!” Sinubukang lumapit ni Lester kay Grace, ngunit pinigilan ito ni Zarmin. Iyon kasi ang bilin sa amin ng doktor.
“Huwag niyo munang pilitin ang pasyente. Kapag lumipas na ang ilang ang araw, mayroon din itong maaalala. Gagaling din ang kaibigan ninyo.” Mahinahong pagpapaalala sa amin ni Doc. Federal.
* * *
Mahimbing na natutulog si Grace sa ngayon. Tinurukan ito ng pangpatulog upang makapagpahinga na rin kahit saglit man lang.
“Guys, magpahinga na muna kayo sa bahay. Ako na ang aasikaso kay Grace.” Seryosong saad ni Lester.
“We won’t, Lester. Hindi namin iiwan si Grace, alam mo namang delikado na.” Pagpapaliwanag ni Zarmin.
“Bu—” Hindi na pinatapos pa ni Beatrice si Lester. Agad itong umangal.
“We insist, Lester. Kakayanin natin ‘to.” Nakangiting tugon ni Beatrice.
“If you say so.” Tumango na lamang kaming lahat sa pahayag ni Lester.
“Jagiya, magpagaling ka, ha? I miss you. Saranghaeyo, Grace Lopez.” A ni Lester, at saka hinalikan si Grace sa noo.
“Guys, paparating na ang mga unan at kumot na ni-request ko para sa ating lahat.” Wika ni Bella.
“Thank you, Bella.” Mahinahong sagot ko’t ngumiti nang bahagya.
Maya-maya pa’y dumating na nga ang nurses na may bitbit na iilang kumot at unan. Mayroon pang isang staff na may dalang pagkain.
“Miss Bella, ito na po pala ‘yong mga ni-request ninyo kanina. Iniutos din po ng papa niyo na bigyan kayo ng makakain.” Sakto naman ang naging pagtunog ng tiyan ni Lester. Napukaw ang kanilang atensyon.
“Mukhang gutom na nga ho kayo." Pinigilan no’ng isang nurse ang kaniyang pagtawa, at tuluyan nang iniabot sa amin ang basket na naglalaman ng iba’t ibang mga putahe.
“Oh, guys! Tara, kumain na tayo.” Maganang pahayag ni Lester, ngunit tinignan lang namin ito. It feels so awkward, to be honest.
“Ang ingay, Lester.” Narinig namin si Grace, agad namang humarap si Lester sa kaniya. Nagising nga ito ni Lester. Nakasimangot pa, e.
“S-sorry, Jagiya. Hehe~” Saad ni Lester, sabay peace-sign.
“Magpakasaya ka na, Grace. Sige lang. Isagad niyo lalo ang pasensya ko.” Dinig kong bulong niya. Bakit pa siya bumulong, kung dinig na dinig ko naman?
Masyado ka nang napaghahalataan. Ikaw ang mag-ingat.
###

BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...