Grace’s POV
June 5 2016
Magsisimula na naman ang pasukan bukas, but I don’t even feel any kind of excitement. Sigurado naman akong ganoon pa rin ang BEA-walang pagbabago. Nagtataka siguro kayo kung bakit, ano? Well, Bleu Eagles Academy got a lot of dark and tenebrous secrets, to be specific, ang 10-D.
Ang akala ng mga baguhan ay perpekto kaming mga napabibilang sa 10-D, kung ituring nila kami’y parang mga santo't santa, ngunit salungat naman ang tingin sa amin ng karamihan. Kung tignan nila kami’y waring mga halimaw na nagtatago sa isang maskara.
Madalas maging kumpulan ng usap-usapan ang aming seksyon. Naaalala ko pa ‘yong mga araw na sinimulan nila kaming basbasan ng mga bagong pangalan–“The Unwanted Section” at “The Death Section”. Nangyayari lang naman ang lahat ng ito dahil sa kaniya.
* * *
Maaga akong gumising para makapaghanda’t maagang makapunta sa Bleu Eagles Academy.
Pagkarating ko, wala na akong ikinagulat pa. Nangyayari na naman ‘to. Sari-saring kwento, may mga mangmang na gumagawa ng sariling bersyon, ngunit karamihan dito’y totoo.
Hindi ko na lang iyon inalintana, mas mahalaga para sa akin ang mga kaibigan ko. I want to see them so bad, I want to make sure that they’re alright.
“Grace! Graceee!” Magiliw na bungad sa akin ni Jillian at Seatiel. Tumakbo pa ang mga ito para yakapin ako.
Sila ‘yong matatalik kong kaibigan mula pa lamang noong nasa First Year High School kami. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na mawala sila.
“We missed you so much, Grace! Hay, kung alam mo lang, kanina ka pa hinahanap ni-aray ko!” Natigilan si Seatiel sa pagsasalita dahil agad itong siniko ni Jillian.
“Ang ingay mo talaga, Tiel! Kaya ka napapahamak, e.” Pabulong na sambit ni Jillian. Weird.
“Grace, mamaya na lang ulit, ha? May bibilhin lang kaming supplies.” Pagpapaalam ni Jill. Para bang madaling-madali siya, base na mismo sa mga ikinikilos nito.
Tumango na lamang ako. Pinuntahan ko agad ‘yong kaibigan kong si Lester. He’s one of my dearest friends, too.
“Oh, it’s so nice to see you again, Grace! Na-miss kita, alam mo ba ‘yon?” Bati sa akin ni Lester sabay pout.
Natawa na lang ako sa inasal niya. Ito na lang ‘yong madalas gawin ng 10-D sa tuwing may hinaharap kaming mga problema. Sinusubukan naming ngumiti o tumawa.
“Oo naman, ano ka ba? Missed na missed ko kayong lahat.” Saka ko siya pinalo sa may braso.
“Oh! Aray! Huwag kang mamalo diyan. Simpleng galawan, ha, Grace? Alam ko namang may gusto ka sa ‘kin.” Kasabay nito ang pag-kindat niya.
Biglaan akong nawala sa wisyo. Paano niya nalaman ang bagay na iyon?
“Biro lang! Ito naman, masyado mong sineseryoso e.” Napa-iling na lang ako. This guy, he’s making me nervous.
“Grace? Bakit bigla kang natulala riyan? Baka naman totoo?” Tanong niya ulit. Magkahalong pang-iinis at pagtatak ang naka-ukit sa mukha niya.
“Bahala ka nga! Ang hilig mong mang-interview, for your information, wala akong resumé!” Tsaka ko sya iniwan narinig ko naman ang mahina nitong paghagikgik.
Saktong pag-upo ko sa aking silya, tumunog na ang school bell na hudyat na magsisimula na ang klase. We’ve been shocked when our Class Adviser arrived.
She’s so beautiful. She got a long and wavy hair, a well-defined body with a porcelain skin, uh. She’s indeed beautiful. Kung titignang mabuti, parang napakalapit lamang ng mga edad namin sa edad ng aming Adviser.
“Good morning, 10-D. My name’s Reign Sanchez, but you can also address me as Ms. Reign. I would be your adviser for this school year.” Bati niya sa amin habang nakangiti.
“Hoo. My nose is blooding. I am cannot.” Pabirong saad ni Ford. Kahit kailan, maloko talaga ‘to.
“Good morning, Ms. Reign. It’s our pleasure to be with you for the whole school year. Namaste!” Sabay-sabay naming sinabi. Masaya kami dahil magkakaroon na naman kami ng isang bagong guro.
Hay, ilang beses na nga ba kaming inabando ng mga naging teachers namin? Marahil ay hindi nila nakayanan ang sumpa ng Death Section.
“By the way, class, may transferee ngayong taon. Mamaya, makikilala niyo na siya.” Ganadong sambit ni Ms. Reign.
“Pst! Ayun pala ‘yong transferee.” Siniko pa ako nitong si Ford.
“Huh? Saan?” Pagtataka ko, "Ayon! Nasa dulo’t pinakalikod na parte ng classroom. Medyo weird siya, hindi ba?” Tumango-tango na lang ako.
“Okay, class, it’s time to introduce yourselves now. Stand up, one by one.”
Gumawa naman ng ingay ang upuan ni Beatrice, siya ang unang nagpunta sa harapan.
“Hello, 10-D! I am Beatrice Sarmiento, 17 years old. Half Korean, half Filipino. I am the Class President Of 10-D, Annyeong!”
“Annyeonghaseyo, Erica Marcelo-imnida. 17 years of existence. Pure Korean, but a pure Filipino by heart. Again, Erica, the Vice President of this section.”
Nag-bow ito. Kasunod naman niya’y si Jillian.
“Magandang buhay! Ako nga pala si Jillian Ortega, 16 years old. Dalagang Pilipina, and I’m The Secretary of 10-D, ikinagagalak ko kayong makitang muli.”
“Good morning. My name is Gwyneth Bonus, 17 years old. Half Korean, half Filipino. Business Manager of 10-D. Bye.” Usal nito, at sumunod naman si Joseph.
“Hello, hello! Good morning, Philippines! Ako si Joseph Briones, 17 years old. Ikinagagalak ko kayong makasama! Yay!” Kung gaano mahiya si Gwyneth habang nagpapakilala kanina, ibang-iba ‘tong si Joseph.
“Good morning, mga Mommies and Daddies ko! Seatiel Mamolo here! Baka hindi niyo ‘ko kita, ha? 15 years old! Pure Filipino! I am the P.R.O!”
Agad akong tumayo’t nagsimula.
“Annyeong! Grace Lopez! 17 years old! Half Korean, half Filipino! I’m the Treasurer of 10-D, I bet you already know me.”
“Oh, hello. I am Angelo Macabali, 18 years old. Korean. Peace Officer Boy,” Walang gana nitong sambit. As usual, pero ma-iba naman, isa siya sa mga nangunguna sa seksyong ito.
“Annyeong! My name is Martha Alfonso, 17 years old! Korean. I am the Peace Officer Girl.” Saka ito ngumiti.
“Pleased to meet you all, guys. Bella Evangelista-imnida, 16 years old, the Muse of 10-D,”
“My name is Zarmin de Jesus, 17 years old, I would be the Escort of 10-D.” Tuloy-tuloy lang ang pagpapakilala ng bawat Officers dito.
“Annyeong! Lester Pangilinan-imnida! Half Korean, half Filipino. It feels so great to be the representative of this section.” Ibinigay nito ang pinakamalawak niyang ngiti.
“Thank you so much, dearest Officers. Now, Danielle, mind introducing yourself to your classmates?” Alok ni Ms. Reign sa transferee.
Danielle just nodded, he then started walking while facing the floor. Something’s bothering me, and I can’t explain this feeling.
Is a mischief going to occur again?
###
BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Mystère / Thriller[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...