TDS10D : 20

460 18 11
                                    

Beatrice’s POV

Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang maganap ang kagimbal-gimbal na insidente. Hindi pa nagiging regular ang aming klase, ibang silid din ang ginagamit namin.

Nang balikan ko ang mga nangyari noon, naalala ko ang ginawang pagsalba sa akin ni Marius. Kung hindi siya nagbalik doon, upang iligtas ako, malamang ay isa na ‘kong abo ngayon.

“Salamat, Marius. Kung hindi dahil sa ‘yo, wala na, tapos na ang buhay ko.” Usal ko, sabay tapik sa balikat niya. Sinuklian naman ako nito ng isang ngiti.

“Oh. Hello, Beatrice. Ano ka ba? Ayos lang ‘yon.” Sinenyasan naman ako ni Marius na umupo sa tabi niya. Ganoon naman ang ginawa ko.

“Ano ba ang nararamdaman mo ngayon? Okay ka lang ba?” Dagdag pa nito.

“Still breathing. Hay, thank you so much, Marius! Paano ba kita mababayaran niyan?” Natatawa-tawang pahayag ko.

“Hmm?” Umakto si Marius na tila ba napakalalim ng iniisip, “Ah-ha. You owe me a dinner tonight, Beatrice.” Saad nito.

“Breezy much, Marius? Para-paraan ka rin, e.” Mapang-asar na sabi ni Jillian, ngunit agad ko naman itong siniko.

“It’s not a typical ‘cheesy-couple-date’, Jillian. Gusto ko lang namang mapagusapan namin ni Beatrice ang iba’t ibang mga bagay.” Depensa ni Marius.

“Well, alright. If you say so.” Bahagyang napa-iling si Bella habang pinipigilan ang pagtawa.

“Mukha kayong hindi kumbinsido, ha?” Paano nasabi iyon ni Marius? Hanggang ngayo’y titig na titig pa rin ang lahat sa kaniya.

“Guys, let me rephrase that statement.” Huminga muna ito ng malalim bago tuluyang magsalita, “It is just a friendly date. Huwag niyo nang bigyan ng ibang kahulugan.” Bigla namang yumuko si Marius.

“Oo na. Huwag ka nang mag-tampo riyan.” Saad ni Grace, at biglaang humalakhak.

“What time, Marius?” Tanong ko kay Marius. Iniba ko na ang binuo nilang topic kanina, nakakailang.

“After the last period. See you later, Beatrice.” Nag-paalam na sa akin si Marius, at tuluyan nang bumalik sa upuan niya.

Nagsibalikan na rin ang mga kaklase ko sa kaniya-kaniya nilang mga puwesto. Mabuti naman, ilang linggo na ang lumipas, at wala pa ring nawawala sa amin.

Naging masigla na kahit papaano ang silid-aralan. Ayon si Bella at Gwyneth, nagkukuwentuhan. Si Lester at Grace, nagpunta sa library. Ito namang si Erica, nasa gilid lang, nagbabasa ng libro. Sina Jilliane, Seatiel, Angelo, at Martha, ayon nag-aaral ng lessons.

Pumunta ako sa puwesto kung saan naroroon si Bella at Gwyneth. Narinig ko naman ang pag-uusap nila patungkol sa isang concert.

“Malapit na nating makita ‘yong BTS! Omo! Namjoonie, my oppa, magtatagpo na tayong muli.” Ma-dramang pahayag ni Gwyneth. Hinawakan pa nito ang kaniyang ulo.

“Naririnig ko na ang malalim na boses ni Tae. Tinatawag na niya ako!” A ni Bella.

“Tinatawag? Ano ‘yan? Kaluluwa ka na lang? Sinusundo ka na?” Saad ni Gwyneth. Nagbago naman ang timpla ng mukha ni Bella.

“Panira ka rin, e. Kailan ko ba sinira ‘yang relasyon niyo ni Namjoon sa panaginip mo, ha?” Nagpanggap pa si Bella, ani mo’y isa itong batang umiiyak.

“Manahimik ka na riyan. Hindi ka na bata. Ipukpok ko ‘yong ARMY Bomb sa ‘yo, e.” Pabirong sabi ni Gwyneth. Nag-pout naman itong si Bella.

“Class, hanggang sa kabilang kuwarto, rinig na rinig na kayo. Manahimik muna kayo’t huwag niyong sayangin ‘tong free-time ninyo.” Ma-otoridad na pahayag ni Ms. Shin. Agad namang napukaw ang aming atensyon, gayo’n din naman ang aming panamahimik.

“Who’s not yet around?” Tanong nito. Luminga-linga naman ang ilan sa aking mga kaklase. Si Grace at Lester, umalis nga ang mga ito kanina.

“Grace Lopez and Lester Pangilinan.” Sabay-sabay nilang sabi. Tumango naman si Ms. Shin.

“So, saan sila nagpunta?” Dagdag niya, habang pinaglalaruan ang isang lapis.

“Nagpunta lang po sa library. Mayroon po atang research na ipinagawa sa kanila.” Sagot ko naman sa mga katanungan ni Ms. Shin.

“Iyong mga batang ‘yon talaga, oh.” Bahagyang napa-ngiti ito.

“We’re here–” Natigilan sa pagsasalita sina Grace at Lester nang makita nila sa harapan ang aming Class Adviser, “Ms. Shin, pardon us for being late.” Sabay pang nag-bow ang dalawa.

“You may now enter my class.” Naka-ngiting saad ng aming guro.

“Since, kumpleto na tayo, mayroon ang gustong sabihin sa inyong lahat.” Naging seryoso ang itsura’t boses ni Ms. Shin. Lahat kami’y umayos ng upo, dahil alam naming seryoso nga ang usapin namin ngayon.

“Marami ang nagtataka sa inyo, hindi ba?” Tanong niya, bahagyang nagtaka ang buong klase. “Marami ang nagtatanong kung bakit pinili ko ang 10-D bilang panibago kong advisory.” Huminga pa ng malalim si Ms. Shin.

“Pinili ko ang seksyong ito, dahil gusto ko kayong matulungan. Hindi ko kayo pababayaan.” Lumambot ang puso ko sa mga binitawang salita ng aming guro.

Kahit papaano’y mayroon pa ring nagpapahalaga sa amin.

“Miss, why are you not afraid of this section, of us?” Mahinang pagtatanong ni Erica, napakalungkot ng boses nito.

“Class, remember this, we shouldn’t be frightened. Huwag na huwag kayong magpapatinag sa killer. Mas magiging masaya lang siya kung makikita niya ang inyong pagkabahala. Nariyan lang parati ang karma.”

Sumilay ang isang matipid na ngiti sa labi ng aming Class Adviser. Kahit sa sandaling oras lang, pakiramdam ko’y ligtas ako.

###

The Death Section : 10-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon