Grace’s POV
Napakabilis nga naman ng panahon, ano? Naaalala ko pa iyong mga panahong kumpleto pa ang klase ng 10-D.
Napakasaya pa namin noon, sama-samang nagtatawanan ng palihim kahit pa halos sumabog na ang aming guro. Sabay-sabay naman kaming umasta na para bang mga bata sa tuwing nasesermonan.
Kung mayroon lang akong magagawa upang maibalik ang panahon. Ayos lang sa akin kung mahingian ako ng ilang piraso ng papel, mawalan ng daan-daang panulat, ang gusto ko lang nama’y muling mabuo ang aming seksyon, ang 10-D.
Dalawang buwan na rin ang lumipas simula no’ng mangyari ang insidente. Nagbalik na ang ala-ala ko, ngunit ang kasiyahang matagal ko nang minimithi’y hindi ko pa rin mahagilap.
“Grace, tara na? Baka mahuli tayo sa klase.” Tinapik ni Erica ang balikat ko, at saka ngumiti.
Tumango na lamang ako. I tried to be optimistic. Kung pahihinain ko ang loob ko, wala rin namang magandang mangyayari.
* * *
Nang makapasok kami sa Bleu Eagles Academy, para bang nanibago ako. Ang lamig ng simoy ng hangin, ang tamlay ng mga estudyante–ng paligid.
“Nakakapanibago rin talaga, ano?” Suminghap muna ng malalim si Bella bago ipinikit ang kaniyang mga mata.
“Hmm.” Para bang dinarama talaga ni Beatrice ang simoy ng hangin.
“Noon, ang rami natin dito. Ang ingay-ingay natin, at andiyan pa si Miss Reign para ayusin tayo. Ngayon? Tayo-tayo na nga lang, puro problema pa ang kinahaharap natin.” Kasabay ng mga pahayag na iyon ay ang pag-ngiti ni Bella ng mapait.
* * *
Grace’s POV
Nang makarating kami sa classroom, sakto rin namang dumating ang isang panibagong mukha. Sa palagay ko, siya ang papalit sa pumanaw naming Class Adviser.
Mayroon pa rin palang nagtatangkang gumabay sa amin, sa kabila ng mga kagimbal-gimbal na pangyayaring bumabalot sa aming seksyon.
Hindi man kami abandonahin nito, malamang, madadawit din siya sa patayang nangyayari.
“Good morning, class. I am Miss Averie Shin, and I will be your new Class Adviser. Looking forward for your cooperation.” Mahinhin ito masyado kung magsalita. Natatakot ako para sa kaniya, dahil alam kong maaari rin siyang isangkot ng mga traydor na iyon sa kanilang karahasan.
Nasa kalagitnaan kami ng pagtatalakay nang biglang may pagputok kaming narinig. Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng tunog na iyon, namataan ko ang isang saksakang umuusok.
“Iyong saksakan! Umuusok!” Naaalarmang usal ni Jillian. Lahat ng kanilang atensyon ay nagawi sa kaniya. Agad naman iyong nakita’t inaksyonan ni Ms. Shin.
“Class, don’t panic, okay? Huwag kayong magtutulakan sa paglabas. Gumawa kayo ng isang pila. Go!” Sinunod namin ang mga panuto niya. Napakabilis ng tibok nitong puso ko.
Nanatili kami sa labas ng classroom. Dahil sa nangyari, heto na naman ang mga mata nilang mapanghusga.
“Tignan mo nga, pati sa simple saksakan lang, nababahiran pa ng kamalasan nila.”
BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...