Kai’s POV
Hindi na rin ako nakikilala ni Grace, at ngayo’y may boyfriend na siya. Bakit ganoon? Paano niya ‘ko nakalimutan? Magkababata kami, pero ano’ng nangyari?
Naaalala ko ‘yong mga panahong ang babata pa namin, ang dudungis pa namin. Iyong sangi ko sa gitna, at ‘yong pigtails niya. Ang sarap balikan ng nakaraan.
Nagkakilala lang naman kami ni Grace, dahil sa paglipat namin sa subdivision kung saan din sila naninirahan, naging magkapit-bahay kami, to be exact.
Naging matalik kaming mag-kaibigan. We used to see each other everday, never did a day passed na hindi kami nakapaglalaro.
Siguro, kung hindi ko kinailangang umuwi sa Korea noon, hindi ako magagawang kalimutan ni Grace. Ang hindi niya alam, mayroon na ‘kong iniinda, pero ayokong makarating sa kaniya, ayokong makita siyang umiiyak.
Dumating ang araw na pinakakakatakutan ko, ng mga magulang ko. Lumala ang sakit ko, ngunit doble ang sakit na naramdaman ko no’ng kinailangan kong iwan ko si Grace.
I used to be her Superman before.
I used to be her protector back then.
I used to be her Kkamjong.But, that was 9 years ago. Nagbago na ang lahat ngayon.
* * *
Grace’s POV
Tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang period na ito. Agad akong lumabas para makapag-isip. Talagang pamilyar si Kai. Hindi naman ganito ang pakiramdam ko para sa mga estrangherong nakikilala ko.
“Grace, ayos ka lang ba?” Tinapik ni Beatrice ang balikat ko. Marahil ay napansin nito ang aking pagkabalisa.
“A-ayos lang ako.” Mabilis kong sagot, at saka ngumiti. Really, Kai? Sino ka ba talaga?
“Pst, Grace. Alam mo bang kanina pa titig na titig sa ‘yo si Kai?” A ni Gwyneth, naka-ngisi pa ito.
“H-ha? Nasaan ba siya?” Nagtataka kong tanong sa kanila.
“Ayon, oh.” Bahagyang itinuro ni Gwyneth ang table kung saan naroroon si Kai. Talaga ngang nakatingin ito sa direksyon namin.
“Sus. E, para ngang may development nang nagaganap sa inyo ni Hansol, e.” Natatawa-tawang pang-aasar ko kay Gwyneth. Agad namang nag-pout ito.
“W-wait! Gwyneth, bakit ka namumula?” Natatawa-tawang tanong ni Beatrice sa kaniya. Napa-ngisi naman ako.
“A-ano ba naman kayo? Zarmin.” Mahinang sagot ni Gwyneth. Mahal na mahal nga niya si Zarmin.
“Oo nga pala, nasaan ang iba? Tayong tatlo lang ang nandito, e.” Tanong ko sa kanilang dalawa, habang lumilinga-linga.
“Sa tingin ko, tayong tatlo lang ang magkakasama ngayon. Si Zarmin, ginagawa pa ‘yong isang Performance Task. Si Lester, itinuloy 'yong research na ginagawa niya. Si Bella at Erica, mayroong meeting na pinuntahan.” Pagpapaliwanag ni Beatrice.
“Hello. Pwede ba kaming maki-tabi sa inyo?” Naka-ngiting wika ni Hansol.
Tumango na lamang kami. Ngayo’y nasa tabi ko si Kai, si Hansol nama’y pinagigitnaan ni Beatrice at Gwyneth.
BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...