Bella’s POV
It’s my day, 18th Birthday to be specific. Napakasaya ko ngayon, hindi dahil sa araw ko, ito’y dahil sa wakas ay magkaka-ayos na sina Grace at Lester.
Nandito kami ngayon sa condo unit ni Grace. Sa aming magkakaibigan, ang pamilya ni Grace ang mayroong pinapatakbong exclusive Hotel at Condominium.
Nagpunta kami saglit dito, sandamakmak na make-up ang mayroon si Grace. Dito na rin kami nagtungo, dahil sa walk-in closet niyang para bang isa nang boutique.
Since may salon sina Gwyneth, nagpadala na siya ng mga tauhan dito para kami’y maayusan na. Ang mga damit na susuotin namin ngayon ay mula sa boutique nila Erica. Buong event ay gaganapin sa Vienido, pagmamay-ari ng pamilya ng pamilya Pangilinan.
Napakaraming naitulong ng mga kaibigan ko. I don’t need special presents, all I want is their presence.
Ang ganda ng resulta ng pag-aayos sa amin. Tila ba nagmukha kaming mga prinsesa’t prinsipe.
Si Beatrice, napakasimple pang ng pagkaka-ayos, pero kitang-kita ang kagandahan niya.
Isang light-make-up look at simpleng gown lang ang ipinagawa ni Erica, ngunit napakaganda pa rin ng kinalabasan nito.
Itong si Gwyneth, may pagka-mahiyain man, hindi mo iyon mapapansin dahil sa ganda niya ngayong gabi.
Si Grace? Tiyak na mas lalo pang mahuhulog si Lester sa kaniya, dahil nagmistula talaga itong isang prinsesa.
Iisang theme lang ang sinundan namin, subalit lumitaw ang iba’t ibang gandang mayroon kami.
Ang mga lalaki ay siguradong napaka-ayos din ng mga itsura nila. Nasa kabilang unit kasi sila, kaya naman hindi ko pa maipinta sa isipan ko kung ano ang itsura nila ngayon.
“Sandali lang, ha? Titignan ko lang ang boys doon sa kabilang kuwarto.” Pagpapaalam ko kina Beatrice. Tumango naman ang mga ito’t ngumiti.
Malapit na ring matapos ang mga lalaki, inaayos na lang ang kanilangga buhok. Tulad naming mga kababaihan, naging maganda rin ang resulta ng pag-aayos sa kanila.
Muli akong nagbalik sa kuwarto namin, ngunit agad din naman kaming tinawag dahil magsisimula na nga ang event.
“Girls, magsisimula na raw in One Piece!” Natawa ako, hindi ba dapat ay ‘one minute’ ‘yon? Hay, paborito ko kasi ang One Piece.
Nang lumabas kami sa condominium, dumiretso kami sa Vienido, kung saan gaganapin ang debut ko. Pagkalabas namin, nadoon na rin ang boys.
* * *
John Kris’ POV
Kabilang din ako sa mga kinakabahan dahil doon sa inihanda nilang plano. Siyempre, sinabi nila sa akin iyon, dahil nadawit ang kapatid ko roon.
Nang makarating kami sa venue, isa-isa kaming tinawag para sa unang sequence ng debut.
“Good evening, ladies and gentlemen. Tonight, we are to witness a special celebration dedicated for our beloved Bella.” Sabi ng MC habang naka-ngiti.
“Let us all welcome Ms. Erica Marcelo to lead us in the opening prayer.” Paanyaya nito. Agad namang tumayo si Erica, at nanguna sa panalangin.
Nang matapos ang maikling pagdarasal, isa-isa na kaming ipinakilala ng MC.
“Let us all welcome the closest friends of our celebrant,” Masiglang saad no’ng MC. Nagtinginan muna kaming lahat.
“We are now asking the following persons to come up on stage as we call your name.” Wika niya.
BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...