TDS10D : 25

423 19 2
                                    

Grace’s POV

Naudlot ang pakikipagusap ko kay Kai nang may marinig akonf kaluskos mula sa likuran ng isang lamesang malapit sa Female’s Section na banyo.

“Kkamjong, mayroon atang tao sa likuran ng lamesang ‘yon.” Tinapik ko si Kai, at bahagyang itinuro ang lamesang nakikita ko. Tumango naman ito.

Nang makarating kami sa tapat ng lanesa, tila ba nag-iba ang ihip ng hangin. Mayroong isang lalaki’t isang babaeng nagyayakapan, bahagyang natatakpan ang mukha ng mga ito.

Labis kong ikinagulat ang pagharap ni Jade. Guess what? Ang lalaking yakap-yakap niya’y si Lester. Dang it. Kailangan ba talagang dito pa sa likod ng lamesa gawin ‘yan? Ugh!

Naramdaman ko ang pamumula ng magkabila kong pisngi. Tila ba biglaang kumulo ang aking dugo, dahil sa ‘king nakita. Bakit kailangang gawin ni Lester ‘to? Nakakainis!

“Jagiya, hindi ito tulad ng kung ano man ang iniisip mo, okay?” Pagpapaliwanag ni Lester, at itong si Jade naman ay nasa likuran niya. Damn.

“Ate Grace, walang namamagitan sa amin ni Kuya Lester. Para na kaming magkapatid.” Mahinahong sambit ni Jade. Hanggang ngayo’y nag-iinit pa rin ang pisngi ko.

“Oh? Then why are you cuddling each other? Nasa requirements ba ‘yon ng pagiging magkapatid?” Sinubukan kong manatiling kalmado, ngunit hanggang ngayo’y kumukulo pa rin ang dugo ko sa dalawang ito.

“Grace–” Hindi ko na hinayaang tapusin pa ni Lester ang pagpapaliwanag. Tama na ang nakita ko. Tapos.

* * *

Lester’s POV

What is going on, seriously? Bakit siya nagseselos kay Jade? Sana man lang ay hinayaan niya muna akong magpaliwanag. Kung alam niya lang, si Jade lang naman ang handang tumulong sa ‘kin ngayong takot na takot akong mawala si Grace.

Agad akong tumayo para sundan siya. Fortunately, hindi pa ito gaanong nakakalayo mula sa pinaggalingan niya kanina. Nasa tapat pa lang ito ng library.

Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan  niya. Agad ko siyang iniharap sa direksyon ko.

“Grace.” Hinawi ko ang buhok niya’t agad ko siyang niyakap. Umiiyak ito.

Kumalas siya sa pagkakayakap ko. Bahagya niya ‘kong itinulak palayo, “What do you need, Lester?” A nito.

“Look, Grace. Mahal na mahal kita, okay? Tandaan mo ‘yon. Please forgive me, Jagiya.” Lumuhod ako sa harapan niya, at hinawakan ang mga kamay niya.

“Tumayo ka riyan.” Hanggang ngayo’y wala pa ring emosyon ang makikita kay Grace. Dahil na rin sa kaba, bigla akong napatayo.

“Cool off.” Iyan lang ang sinabi niya para panandaliang huminto ang mundo ko. Cool off? What for? Maaayos ba ang problema namin sa cool off na ‘yan?

* * *

Tatlong araw na kaming walang kibuan ni Grace. Ang palagi niyang kasama ay iyong si Kai. Ang galing lang, hindi ba?

* * *

Gwyneth’s POV

Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Grace at Lester. Ni hindi man lang nila magawang tignan ang bawa’t isa. Itong si Grace, ayaw makinig sa mga paliwanag ni Lester.

Hindi na namin alam kung ano pa ang dapat naming gawin para lang magka-ayos na ang dalawa. Ayaw  naming makialam nang husto, dahil baka sa amin pa maibaling ang galit nila.

Kasama ko ngayon itong si Bella, Lester, at Zarmin. Si Grace naman ay binabantayan nina Beatrice at Erica.

“Guys, may naisip na ‘kong ideya para magka-ayos na sina Grace at Lester.” Nakuha ni Bella ang atensyon naming tatlo.

“Spill it now, Bella.” Ani mo’y isang batang hindi nakakain ng tsokolate itong si Lester. Napakatamlay.

“Okay, hindi ba’t kaarawan ko na sa paparating na Wednesday? At siyempre, nandoon tayong lahat sa bahay namin.” Tinignan muna kaming lahat ni Bella bago tuluyang magsalita ulit.

“Etong si Zarmin, kailangang magpanggap bilang isang serial killer. Alam niyo ‘yon? Kailangan niyang atakihin si Lester, pero siyempre, kunwari lang ‘yon. Walang masasaktan dito sa plano.” Ngumiti si Bella pagkatapos sabihin ang kaniyang ideya.

Bahagya kaming napanganga sa plano niya, “Bella, masisira ang birthday party mo kung gagawin natin ‘yon. Remember? 18th Birthday ‘yon.” Bakas sa mukha ni Lester ang pagtataka.

“It’s alright. Kung para naman sa inyong dalawa ni Grace, ayos lang.” Ngumiti ito nang pagkalapad-lapad.

“Okay. Good idea, Bella. Kakayanin natin ‘to, Guys.” Napatayo pa si Lester dahil sa sobrang saya.

“Lester, huwag ka munang masyadong mag-ingay diyan. Baka mabulalyaso ang plano natin.” Natatawa-tawang pahayag ni Zarmin.

* * *

Grace’s POV

Pagkagising ko, isang umagang napakatahimik ang bumungad sa akin.

Nang lumingon ako sa buong paligid, nakita kong nakatulog na ako rito sa sala. Ang mga kasamahan ko nama’y kanina pa pala nag-aalmusal.

Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga, at naligo. Hindi na ‘ko nag-abala pang kumain. Dali-dali kong kinuha ang bag ko para makalabas na sa bahay. Nakakailang ang hangin sa loob.

Nang makalabas ako sa gate, agad kong nakita ang service nila Kai. Mabilis akong sumakay doon, sakto namang si Hansol ang nakaupo sa passenger’s seat. Kaya naman itong si Kai ang katabi ko ngayon.

Shoot. Birthday na nga pala ni Bella sa Wednesday, at Martes na ngayon. Hindi pa ‘ko nakapaghanda ng regalo para sa kaniya!

* * *

Wednesday na, ngunit ngayon pa lang ako bibili ng regalo para kay Bella. Buti na lang ay mamayang gabi pa gagawin ang Birthday Party niya.

Halos dumugo na ang utak ko sa kaiisip kung ano ba ang magandang ibigay kay Bella. Paano ba naman? Napakarami na niyang damit, napakarami na rin niyang kuwintas.

Napukaw ang atensyon ko ng isang Japanese Store na nagtitinda ng iba’t ibang klase ng Manga. Tila ba dininig ang panalangin ko. Ito nga ang paborito ni Bella. Bumili ako ng apat na Manga at dalawang Wattpad Books. Tiyak na matutuwa ‘yon.

Lumipas ang ilang oras, napagpasyahan kong umalis na sa mall para makapaghanda sa celebration mamayang gabi.

Habang papauwi ako, bigla na namang uminit ang ulo ko, dahil kay Jade. Nakatayo ito sa harapan ng gate. Ano na naman ba’ng kailangan niya?

“Oh, Jade. Ano’ng kailangan mo rito? Nandito ka ba para kay Lester? Bakit hanggang ngayo’y nandiyan ka pa rin? Sana tinawagan mo siya.” Walang emosyon kong sabi rito.

“Ate Grace, ayos lang kung hindi mo ‘ko patawarin, pero si Kuya Lester? Kahit pakinggan mo lang ang paliwanag niya. All he needs is a simple act of maturity. Hindi niyo maaayos ‘yong problema ninyo kung napakataas ng pride mo.” Wika ni Jade.

Bumuntong-hininga muna si Jade bago tuluyang umalis sa harapan ko. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Pakiramdam ko’y napakasama ko.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay, nakita kong natutulog si Lester habang nakaupo, naging dahilan upang ako’y magtaka nang husto.

“Grace, kanina ka pa hinihintay ni Lester diyan.” Nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses na iyon, nakita ko si Erica.

“Hmm, gano’n ba? Sige, salamat.” Saad ko, at bahagyang ngumiti.

Umupo ako sa tabi ni Lester, at saka ko siya bahagyang inalog, “L-Lester, nandito na ‘ko.” Bulong ko sa kaniya.

Unti-unti niyang binuksan ang kaniyang nga mata. Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi.

Hindi naglaon ay umakyat na ‘ko sa kuwarto. Naramdaman ko ang mainit na likidong pumapatak sa magkabila kong pisngi. Bakit ba nagagawang palambutin ni Lester itong puso ko? Ang daya.

###

The Death Section : 10-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon