TDS10D : 16

464 20 0
                                    

Jade’s POV

Isa lang naman akong simpleng estudyante sa Bleu Eagles Academy–Third year sa HS level.

Wala naman talaga akong planong manghimasok sa buhay sa section ng 10-D, e. Ang kaso, sa hindi inaasahang pagkakataon, nabunyag ang lahat. Nalaman ko kung sino ang tumatraydor sa kanila.

* * *

Flashback

Napakadilim na rin, pero kinakailangan kong
bumalik sa classroom para lang kunin ang mga draft na naiwan ko.

Kung sinuswerte nga naman, ano? Bakit ngayon pa? Kung kailan nagmamadali ako’t gabing-gabi na, doon pa isinarado ang pinakamalapit na gate?

Ugh! Kailangan ko pang dumaan sa classroom ng 10-D section na malapit sa kabilang gate. For Pete’s sake, ano ba’ng malay ko? Baka maya-maya, naghihintay na naman iyong killer ng susunod na biktima.

Nang makarating ako sa tapat ng kanilang silid-aralan, narinig ko ang isang pamilyar na boses. Teka, hindi ito maaari—napakatino niya kung titignan.

“Babe, sino na ba ‘yang susunod sa listahan? Nakakabagot na, oh. Gusto ko nang makita ulit ang mga takot na takot nilang itsura.” Saad no’ng babae, saka humalakhak.

What the heck? Dalawa ang mamamatay-tao sa seksyong ito!

“Easy there, baby girl. Si Marie na ang susunod. I’ve checked her schedule for tomorrow, nakita ko sa phone niya na balak niyang manood sa sinehan kasama iyong kapatid niya.”

“How did you saw it? You! Bakit nasa iyo ang phone niya? Have you gotten into a date with her?” Nanggagalaiting tanong ng babae.

“Of course not, Babe. Hiniram ko pasaglit iyong phone niya, then voila!” Buong-buong sagot naman nitong lalaki.

Nagtago ako sa ilalim ng isang maliit na lamesang nasa labas ng classroom nila para mas lalo kong maunawaan ang kanilang diskusyon.

“Well, if you say so. By the way, I got a bright idea!” The girl optimistically stated, “Isama na lang natin sina Grace para hindi naman tayo masyadong mapaghalataan!” Dagdag pa nito, at saka pumalakpak.

“Yeah, brillant. That’s why I love you, li’l psycho.” Tugon ng lalaki, “Come, male-late na rin tayo niyan. Ihahatid na kita.”

Unti-unti, mayroon na ‘kong mga yapak na naririnig. Mas lalo kong ipinagsiksikan ang aking sarili sa maliit na lamesa.

Nang nasigurado ko nang sila’y naka-alis na, dali-dali akong tumakbo. Ang bilis ng tibok ng puso ko, mas lalo pa itong bumilis nang may humila sa aking braso.

“Jade, nakipag-sagupaan ka ba sa daan-daang leon?” Salamat naman, si John lang pala–ang kakambal ko.

“Hay, ano ba, John Kris Lee? Nagulat ako sa ‘yo, e!” Sabi ko habang nakahawak sa aking dibdib.

“E, bakit ka ba kasi nagtatatakbo riyan?”

“E, siyempre, late na late na ‘ko! Lagot ako kay Mama nito. E, ikaw, bakit andito ka pa rin, ha?” I still managed to state those lines without stuttering. Baka mapaghalataan niya pa ‘ko.

“Baka nalilimutan mo na? Una, magkaklase tayo. Pangalawa, ang sabi mo sa akin, hintayin kita. Ang pinakahuli, ikaw lang ang may phone number sa service natin.” Pabalang na sagot sa akin nitong si John.

“Ano ba naman, oh. Tara na nga, baka magwala na si Mama roon.” Sigaw ko’t tuluyan ko na siyang hinila. Nanlalamig pa rin ang mga kamay ko.

* * *

Agad din naman kaming naka-uwi. Hanggang ngayo’y paulit-ulit pa ring sumasagi sa isip ko ang pag-uusap na narinig ko kani-kanina lang.

“The two of you, Jade and John, where have you been? Can you give me a valid reason?” Pambungad na tanong sa amin ni Mama, habang nakataas ang isang kilay. Nagkatinginan muna kami ni John bago tuluyang sumagot.

“May research lang po kaming ginawa sa library.” Sabay naming saad.

“At tungkol naman saan iyon?” Dagdag pa ni Mama, “World Literature.” Mabilis naming tugon.

Buti na lang talaga, halos magkakonekta na ang mga isip namin nitong kakambal ko, dahil kung hindi, wala kaming makukuhang baon.

End of flashback.

* * *

Panibagong araw na naman ang kailangan naming harapin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Papaano kung nagpanggap lang ang mga killer na hindi nila ako nakita, at nagbabalak na sila para ako’y patayin?

Nagsimula na ang klase. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari, e. Bakit ba ang daming tao ang handang manakit para lang sa pansarili nilang kagustuhan? That’s too selfish.

“Class dismissed. You may now take your break.” Ganoon lang kabilis? Kung sa bagay, paano ko nga ba mamamalayang tapos na ang oras, kung kanina pa ‘ko wala sa wisyo?

Break time na, pero wala akong makasabay. Wala naman ‘tong kapatid kong tamad. Ayaw pumasok, napuyat daw kagabi kahihintay sa akin. Ginawa pa talaga akong dahilan sa katamaran niyang taglay.

Nang makita ko sila Grace-unnie, umupo ako sa bakanteng pwestong malapit sa kanila.

“Guys, sino ba talaga ang killer? Ang sakit sa ulo, e.” Nakasimangot na tanong ni Kuya Lester. Ito yata ang kasintahan ni Ate Grace, kung hindi ako nagkakamali.

“Jagi, sabihin mo na kasi kung sinooo~” Saad ni Lester habang naga-aegyo. E? Nakakadiring tignan. Ang harot lang, e.

“Lester, can you not? Aegyo ka nang aegyo riyan, mukha ka namang itlog. Nakakairita na, e.” Halatang naiirita talaga si Ate Beatrice base sa mga binitawan niyang salita.

“Kay Grace lang ‘tong mga aegyo ko, ‘no?” Para bang nag-aapila siya sa Senado, “Oh, sige na. Mayroon ba kayong gustong ipabili? Ako na ang pipila.” Ang dami nilang ibinilin sa kaniya.

Nang makita ko siya sa pila, agad ko siyang sinundan, “Kuya Lester.” Pumunta ako sa gilid niya.

“Oh, Jade. Ano’ng nangyari?” Napansin niya siguro ang manakanaka kong paglinga. “May gusto ka rin bang ipabi—” Hindi ko na hinayaang tapusin niya ang kaniyang mga susunod na pahayag.

“Alam ko na kung sino ang mga killer.” Binigyang diin ko pa ang katagang “mga”.

“M-mga? Paano?” Bakas sa mukha ni Kuya Lester ang pagkabahala. “Ang ibig mong sabihin, magkasabwat sila?” Dagdag pa nito.

“Oo. Kung tutuusin, magkasintahan pa ang mga traydor na iyon.” Tuluyan ko nang ibinulong sa kaniya ang kanilang mg pangalan.

Unti-unting nanlaki ang kaniyang mga mata, ngunit pinigilan pa rin nito ang pagbibitaw ng matinding reaksyon.

“P-paanong–” Siguro’y hanggang ngayo’y hindi pa rin nagsisink-in sa kaniya ang mga ibinunyag ko.

“Huwag mo na lang ipahalata sa mga killer ang nalaman mo ngayon. Sige, aalis na rin ako. Salamat.” And there, I left him dumbfounded.

Lumuwag na rin ang aking pakiramdam. Kahit papaano, nasabi ko na ang nalalaman ko. At least, kung puntiryahin man ako ng killer, alam na nila kung sino iyon.

###

The Death Section : 10-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon