TDS10D : 17

475 20 8
                                    

Lester’s POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga binanggit na pangalan ni Jade. Kung titignan, malayong maging suspect ang dalawang iyon. Napakatahimik nila’t napakababait. Talaga nga namang napakagaling magbalat-kayo ng mga tao.

Naglakad ako patungo sa aming silid-aralan. Nagulat ako nang makita ko si Cassandra. Magang-maga ang mga mata nito, ni hindi niya magawang ngumiti o maglagay ng ekspresyon sa kaniyang mukha. Hanggang ngayo’y apektadong-apektado pa rin ito sa pagkawala ni Odell.

“Cass?” Bahagya kong tinapik ang kaniyang balikat, at saka ngumiti. Nilagpasan niya lamang ako. Well, hindi ko siya masisisi, talagang masakit ang mga naging pangyayari.

Napasinghap ako bago tuluyang maglakad. Muli, nakasalubong ko ang dalawang pamilyar na mga mukha. Si Justin at itong si Jillian. Masaya silang naglalakad habang magkahawak ang mga kamay. Para bang walang nangyayari.

Dalawang taon na rin ang tinatagal ng kanilang pagsasama. Napakatiyaga nitong si Justin. Akalain mong matatagalan niya ang pagsusungit ng kaniyang kasintahan?

Ganiyan naman talaga kung mahal mo ang isang tao, e—wala kang makikitang pagkakamali sa pagkatao niya.

“Justin, kumusta?” Bati ko rito, saka ngumiti.

“Uy, Lester. Ayos lang naman ako, kami.” Saad nito’t tumingin kay Jillian at matamis na ngumiti.

“Ah, ganoon ba? Sige, mauuna na ‘ko. Ingat na lang kayo.” Pagpapaalam ko’t tuluyan nang umalis. Patuloy pa rin akong nababagabag.

* * *

Nang makarating ako sa classroom, agad kong nilapitan si Grace. Ni hindi niya yata napansin ang paglapit ko sa kaniya. Tinignan ko ang phone nito, pero pilit niyang inilalayo.

“Jagi? Ano’ng binabasa mo?” Para bang isa akong batang naghahanap ng atensyon dahil sa ginagawa ko ngayon.

“Oh, Lester. Nandiyan ka na pala. Ito, Destined. Omo! Si Kean! Dapat siyang buhayin ni Lord! Papakasalan ko na siya!” Aba? Sa harapan ko pa talaga, ha? Mas guwapo ba iyong Kean na iyon?

“Ah, okay.” Walang gana kong sabi. Hindi naman talaga ako nagseselos, e. Hobby niya iyon, kaya ayos lang. Nagpapalambing lang naman ako.

“Ayy, Grace, oh. Ayaw mo na si Lester, ‘di ba? Sige lang. Ipagpalit mo na. Sa ‘yo na talaga si Mark Tuan.” Kunwari’y bumubulong na saad ni Bella. Talagang sinulsulan niya pa si Grace.

Ayan, Lester. Ang drama kasi, e. Mas nabara ka ngayon.

“Sama mo na si Jungkook. Isa pa sa asawa mo iyon, hindi ba, Grace?” Nagtaas-baba pa ang mga kilay ni Gwyneth. Ang sama nila sa akin, ha?

“Tigilan niyo na nga ‘yang Jagi ko.” Mahinang saway sa kanila ni Grace. Naramdaman ko ang pamumula ng aking magkabilang pisngi.

“J-Jagi–” Hindi ko na nagawang tapusin ang dapat kong sabihin, bigla na lamang akong napangiti.

“AHHHHHH!” Napakatinis na sigaw ang narinig namin ni Grace. Ang mga sigaw na aming narinig ay mula kay Jillian.

“Ano’ng nangyari doon?” Mahinahong tanong ni Martha na kasalukuyang nagsusulat ng lecture.

Walang nakasagot sa tanong niya. Mas nagulat kami nang makita naming tumatangis sina Seatiel.

The Death Section : 10-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon