TDS10D : 05

761 32 4
                                        

Grace's POV

“Tulungan niyo ‘ko! Tama ang hinala ko! Ikaw nga ‘tong traydor! Si—” Nabigla kaming lahat nang marinig namin ang pagsigaw ni Yvan mula sa bakanteng silid sa tabi ng aming silid-aralan.

Mabilis kaming nagsama-sama’t pumunta sa lugar kung saan nanggaling ang boses nito.

Nang makarating kami, natagpuan namin ang isang bangkay na nakatali sa bintanang nasisinagan ng araw, wala ang mga mata niya, nawawala rin ang kalahati ng kaniyang katawan—para bang tinrato bilang hayop si Yvan.

“Sino na naman ang biniktima niyang killer na ‘yan?” Halos masira na ang sahig na gawa sa kahoy dahil sa kaiikot ni Beatrice.

Hindi man lang namin naabutan ang mamamatay taong iyon. Ang daming tanong na bumabagabag sa aking isipan, bakit, paano, at ano angdahilan niya para gawin ang mga krimeng tulad nito.

Bumalik kaming lahat sa aming wisyo nang biglaang pumasok si Jillian at Martha sa pintuan habang hingal na hingal.

“Ano’ng nangyari dit—” Hindi na naituloy pa ni Jillian ang dapat nitong sabihin nang makita ang kalunos-lunos na bangkay ni Yvan, “Yvan!” Nagsimula nang bumuhos ang luha niya.

“Ano na naman 'to?” Nagsusumigaw si Martha habang sinasabunot ang sarili.

“Wala na. Pagod na ‘ko, sa oras na mahanap ko ang killer, pagbabayaran niya ang lahat ng ito.” Walang emosyong saad ni Joseph.

* * *

Grace’s POV

Tatlong araw na ang lumipas simula nang mawala si Yvan.

Hindi pa rin nagiging normal ang lagay naming lahat, sadyang walang nagnanais na kumalaban sa lakas ng killer.

Lahat kami'y takot na takot, pwera lang kay Joseph. Kaya naman, kaming lahat ay labis na nag-aalala para sa kaniya.

Sabado ngayon, mabuti na lang at wala kaming klase, kahit papaano’y makapagpapahinga ang aming mga katawan at isipan. Sana naman, walang masamang mangyari ngayong araw.

Bumalik ang aking wisyo nang biglang tumunog ang phone ko.

1 Message from Gwyneth:
Guys, we need to practice for the upcoming competition. At exactly 1:00 PM, kailangan nating magkita-kita sa school. Please reply ASAP. Thanks.

To: Gwyneth
Okay, aayusan ko muna ‘tong sarili ko. I feel so exhausted, Gwy. Ang daming nangyayari sa section natin, e.

Agad akong kumilos, upang hindi na ‘ko magmadali mamaya. Inilagay ko na rin ang alarm ko sa 12:00 para ako'y agad na maka-alis dito sa bahay.

* * *

Agad naman akong nagising nang tumunog ang alarm, kaunting pagsusuklay at paglalagay lamang ng pulbo ang aking ginawa, dahil nakapag-ayos na rin naman ako kanina.

To: Gwyneth
Gwyneth, magkita na lang tayo sa Brewed Avenue, para sabay na tayong makapunta sa studio ng school.

From: Gwyneth
Okay, sure. Malapit na rin naman akong matapos dito.

Nagpaalam na ‘ko kay Mama para masundo si Gwyneth, “Eomma, I need to go now. Pupuntahan ko pa po si Gwyneth, e. Mayroon po kaming practice.”

“Sige. Huwag kang magpapagabi, mag-ingat ka, Anak. Alam ko ang mga krimeng nangyayari sa BEA.” Bakas sa mukha ni Mama ang pag-aalala, tumango naman ako saka ngumiti.

* * *

Agad kong namataan si Gwyneth sa loob ng Café, nakita rin naman ako nito’t lumabas na.

Nagmamadali kasi kami, ano ba'ng malay namin, hind ba? Papaano kung may mangyaring masama sa mga kasamahan namin, habang wala kami sa piling nila?

“Oh, hello, Gwy.” Mahina kong sambit, saka ko siya tinapik sa may balikat.

“Annyeong, Grace! Tara na, kailangan na nating makapunta sa studio, it’s already 12:45 PM, baka kanina pa sila naghihintay doon.” Sagot naman nito habang suot-suot ang matamis niyang ngiti.

“Gwyneth, what if, mayroon na namang mangyaring masama habang nasa kasansagan tayo ng practice?” Bulong ko sa kaniya.

“Grace, don’t be such a negative thinker. Tiwala lang, okay? Magiging maayos din ang lahat, magkakapit-kapit pa rin ang 10-D.” Malaman ang mga pahayag na binitawan ni Gwyneth, kahit papaano’y gumaan ang loob ko.

“Bilang isang officer, kailangan kong maging malakas para sa mga kaklase natin. We should focus and investigate.” Ngumiti ako pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon.

* * *

Nakarating kami sa studio saktong 1:00 PM, mabuti na lang at walang traffic sa daanan, at malapit-lapit lang ang BEA.

Naghanda na ng gamit si Gwyneth. Si Martha, Francheska, Kathleen, Mikaela, at ako lamang ang kabilang sa Official Dance Troupe ng Bleu Eagles Academy.

Ilang minuto rin ang lumipas nang matapos ni Gwyneth ang dapat nitong gawin. Naka-set na ang CD Player at ang speakers. Nagsimula na kaming gumawa ng isang malinis na formation.

Sana’y maging maganda ang takbo ng araw na ito’t hindi mabahiran ng dugo.

###

[A/N : Paki-play na lang po iyong ‘Save Me’ ng BTS sa Multimedia. Kamsa!]

The Death Section : 10-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon