Lester’s POV
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Grace. Napakabilis ng tibok ng aking puso.
Dali-dali akong tumakbo patungo sa banyo. Hindi ko maiwasang kabugin ang pintuan nito. Tarantang-taranta na ‘ko ngayon.
“Grace, ano’ng nangyayari diyan?” Napakalakas ng pagkatok na ginawa ko, halos masira na ang pintuan.
“Grace Pangilinan, buksan mo ‘tong pintuan!” Idinikit ko kaliwang tainga ko sa pinto. Wala akong marinig na tinig!
Nagulat aki nang biglang buksan ni Grace ang pintuan. Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Grace.
“Grace naman, pinag-alala mo ‘ko.” Sa wakas, nakahinga rin ako nang maluwag, ngunit napagtanto kong hawak-hawak pa rin ni Grace ‘yong tester.
“Magiging daddy na ba ‘ko, Jagi?” Para bang nagningning ang aking mga mata nang makita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa labi ni Grace.
* * *
6 months has already passed. Ngayon, papunta kami ni Grace sa ospital, malalaman na namin ang kasarian ng aming anak.
Nang makarating kami roon, agad na in-ultrasound ng family doctor namin si Grace.
“Mr. and Mrs. Pangilinan, it is a baby boy.” Nakangiting pahayag ng doktor. Napakasaya ko, ganito pala ang pakiramdam ng pagiging isang ama.
Agad kaming umuwi ni Grace, dahil medyo bumigat na naman ang pakiramdam niya.
Nang makauwi kami, hindi na nagawang pigilan ni Grace ang paglilihi niya. Tila ba naramdaman niya ang pagkalam ng kaniyang tiyan. Ang ganda pa rin ng asawa ko.
“Jagi~” Malambing na tawag sa akin ni Grace, kumapit ito sa braso ko. Mayroong gustong ipabili si Jagi, for sure.
“Yes, Jagiya? Ano’ng gusto mong kainin?” Tanong ko rito habang hinahawi ko ang kaniyang buhok.
“Parang gusto kong kumain ng Ice Cream. Iyong Rocky Road flavor? Gusto ko, marami. Hay, nai-imagine ko na ngayon.” Sagot ni Grace. Nginitian ko naman ito bago tuluyang umalis.
* * *
Pauwi na sana ako nang biglang tumawag si Grace sa akin.
“Hello, Jagiya? Malapit na ‘kong makauwi.” Usal ko.
“Jagiya, gusto ko ng Rambutan!” Napangiti na lamang ako. Para bang isang bata ang kausap ko ngayon.
“Ha? Saan ko ba makukuha ang gusto mong Rambutan, Jagi? Sa mall o sa palengke?” Tanong ko sa kaniya.
“Jagiya, gusto ko ‘yong Rambutan nila BamBam.” Hanggang ngayon ay napakaliit pa rin ng boses nito.
“Okay, Jagi. Hintayin mo lang akong makauwi, ha? Huwag kang lalabas.” Agad naman akong lumiko papunta sa direksyon ng bahay nila.
Hindi ko na nagawa pang mag-paalam kay BamBam dahil sa pagmamadali ko. Mag-isa lang si Grace sa bahay, kailangan kong makauwi agad.
“Oh, Kuya Lester, ano’ng ginagawa mo rito? Buti, napadaan ka?” Bahagya akong napatingin sa direksyon ni BamBam nang magsalita ito.
“Eto, kumukuha ako ng Mangga.” Saad ko. Pinipigilan ko pa ang pagtawa ko.
“Mangga? E, wala naman kaming itinanim na Mango Tree diyan, ah? Rambutan lang ang mayroon kami.” Bakas sa mukha ni BamBam ang matinding pagtataka. Kahit kailan talaga, hindi mabiro ang batang ‘to.
“Iyon na nga, Bam. Wala naman kayong pananim na Mangga, hindi ba? Halata namang Rambutan ang kukunin ko rito.” Natatawa-tawa kong saad, bigla namang sumimangot itong si BamBam.
“Hay, ikaw na ang panalo, Lester Hyung. Ano nga pala ang gender ng anak niyo ni Ate Grace?” Tuluyan nang iniba ni BamBam ang paksa.
“Lalaki.” Matipid kong sagot, dahil hanggang ngayo’y kumukuha pa rin ako ng Rambutan.
“Woah. Lalaki? For sure, sa ‘kin magmamana ‘yong inaanak ko, ano?” Napangiti pa ito pagkatapos sabihin iyon.
“Anong sa ‘yo? Sa akin, Hyung, sa akin!” Nagulat naman si BamBam nang biglang sumulpot si Yugyeom sa likuran niya. Tila ba nagproprotesta ito.
“Oh, Yugyeom? Bakit nandito ka? ‘Di ba’t dapat ay nasa bahay ka ngayon?” Pagtataka ko, hindi naman kasi kami madalas magsama-sama rito.
“Hindi lang si Yugyeom ang nandirito, Kuya Lester.” Usal ni BamBam habang tinatapik ang balikat ni Yugyeom.
“Mga Pangilinan, lumabas kayo! Nandito si Kuya Lester, oh!” Nagulat ako nang makita ko ang lima pang natitira. Nagsitakbo ang mga ito.
“Kuya Lester, ano’ng kasarian ng inaanak namin?” Sabay-sabay na tanong sa ‘kin nila Youngjae, Jackson, Jaebum, at Jinyoung.
“Lalaki ang magiging inaanak niyo.” Sabi ko sa kanilang pito. Nagtinginan namang ang mga ito bago tuluyang magsisisigaw.
“Kuya Lester, ano’ng ipapangalan niyo sa kaniya?” Pagtatanong ni Yugyeom sa akin. Napangiti naman ako.
“Hindi pa namin napag-uusapan ni Grace ‘yan.” Saad ko, “O siya, sige. Aalis na ‘ko. Salamat dito sa Rambutan mo, BamBam.” Wika ko, kinawayan ko pa ang mga ito.
Pagkatalikod ko, narinig ko na naman ang pagbabangayan nila. Talagang inaako ng bawa’t isa na magiging kamukha nila ang anak namin ni Grace. Natawa na lamang ako.
* * *
Nang makarating ako sa bahay, agad kong namataan si Grace. Nako! Mukhang kanina pa siya naghihintay sa akin dito sa may pintuan.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa direksyon niya, kahit pa halos mahulog na ang Rambutan at Ice Cream na dala-dala ko.
“Lester, bakit ngayon ka lang? Alam mo bang alalang-alala na ‘ko kahihintay sa ‘yo? Lester naman, e!” Halos maluha na si Grace habang sinasabi ang mga bagay na iyon.
“Sorry, Grace. Sa susunod, huwag mo na ‘kong hihintayin dito sa labas, ha? Delikado na ang panahon ngayon, at isa pa, baka magkasakit ka.” Saad ko habang hinahagod ang likuran niya.
* * *
Grace’s POV
Dalawang buwan na ang lumipas simula nang masilayan ng anak ko ang ganda ng mundong ibabaw. Wala nang pagsidlan ang aking tuwa nang makita ko ang unang ngiti ng supling ko.
Ngayon na magiging isang ganap na alagad ng Diyos ang anak ko, nabinyagan na ito.
“Mga ninong at ninang, pumunta kayong lahat doon sa harapan. Kukunan kayo ng litrato kasama ang inaanak niyong si Hiro.”
Ang mga ninang ng anak ko? Ang matatalik naming kaibigan ni Lester magmula noong High School kami. Sina Beatrice, Erica, Gwyneth, Bella, at Zarmin.
At siyempre, hindi mawawala rito ang malolokong mga pinsan ni Lester. Mawawala ba sina Kai at Hansol? Sa tagal nang pinagsamahan namin noon, nandirito pa rin sila hanggang ngayon.
“One! Two! Three!” Pagbilang ng tatlo, isang litratong punong-puno ng kaligayahan ang nabuo.
“Hyeon Hiro Pangilian, palagi kaming nandito sa tabi mo, okay? Mahal ka nila ninong at ninang.” Sabi ni Beatrice habang nasa bisig nito si Hiro.
###
![](https://img.wattpad.com/cover/78421837-288-k181146.jpg)
BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...